Chapter 2: Mafia

1135 Words
Pagbalik ko sa club ay iika-ika akong dumiretso sa opisina ni Madam. Nabungaran ko si Betty na kalalabas lang do'n, bagong kuha ng sahod at nakadamit pambahay na. "Oh, bakit parang maghihiwalay na 'yang mga hita mo?" pansin niya sa sakang kong paglakad. "Alam mo namang isang kliyente lang ang nakagagawa sa'kin nito." Kuminang ang mga mata niya. "Siya na naman ang customer mo kagabi? 'Yung lalaking galante? Naku, inggitera na naman ang peg ko nito! Hindi pa ako natatapat sa kanya kahit isang beses, eh. Baka puwedeng ako naman sa susunod?" "Asa ka pa. Si Samara lang ang nirerentahan n'on." kalalabas lang din ng beterano na naming kasamahan na si Hershey. Sa suot niyang sando at pekpek shorts, isang tingin lang sa kanya ay alam mo na agad kung ano siya. Maangas siyang humithit ng sigarilyo bago uli magsalita. "Anong pakiramdam na maka-five digits sa isang gabi, Samara?" "Para akong lalagnatin. Sinulit niya na naman ang bayad sa'kin. Tingnan mo, halos lumpuhin ako." Tumawa siya. "Lagyan mo lang ng ice pack 'yan tapos uminom ka ng maraming tubig mawawala rin 'yan." Napangiwi ako. "Salamat sa paalala." Pagpasok ko sa opisina ni Madam ay inabot niya sa'kin kaagad ang sobre na naglalaman ng sweldo ko. Mukhang nagmamadali siya dahil hindi niya na kinamusta ang trabaho ko kagabi. Madalas niyan ay isa-isa niya pa kaming pinagagalitan kapag nakatanggap siya ng reklamo sa naging kliyente namin nitong buong linggo. Imposible namang walang nagreklamo sa'kin kahit isa. "'Yung customer ko ho kagabi, anong itsura niya?" diretsahan kong tanong, nanatiling walang emosyon ang mukha. "'Yung kagabi?" abala siya sa pag-aayos ng mga gamit kaya wala sa'kin ang buong atensyon niya. "Oho, 'yung kagabi." pag-uulit ko. Ilang saglit pa bago siya sumagot. "Hindi ko alam ang itsura niya. Tauhan niya ang lumalapit sa'kin palagi para magbayad. 'Yon din ang naghahatid sa'yo sa motel, hindi ba? Tapos pagdating mo ro'n ay nando'n na ang amo niya— 'yong kliyente mismo." "Oho, pero hindi ko pa nakikita ang mukha no'ng customer mismo." Napalingon siya sa'kin. "Hindi pa? Hindi ba siya naghuhubad?" "Naghuhubad pero nakamaskara siya. 'Yong maskara na parang sa mga holdaper." hinintay ko ang reaksyon niya. "Dapat na ba akong kabahan?" "Ano?" humalakhak siya, kumikinang ang pangil na naaadornohan din ng ginto. "Marunong ka rin palang magbiro, ano?" Kumunot ang noo ko. "May nakakatawa ho ba?" "Ano ka ba naman, Samara?" Maarteng kumumpas ang kamay niya sa ere. "Kahit holdaper pa 'yan, sindikato, o gangster, bakit ka kakabahan kung malaki naman ang kinikita mo sa kanya? Kung ako sa'yo tigilan mo na ang pag-iisip at paghusayan mo na lang lalo ang pagbibigay aliw, galingan mo pa! 'Wag mo siya hayaang magsawa at baka lumipat pa 'yon sa ibang babae. Ikaw rin, baka pera na maging bato pa. Sayang." Mukhang pera pero may punto naman siya. Winagayway ko sa ere ang envelope ng sahod ko. "Sige ho, mauna na ako." KALIMUTAN ANG BUHAY pr*stitute kapag nasa labas ako, at kalimutan ang buhay ko sa labas kapag nag-po-pr*stitute ako. 'Yon lang ang prinsipyong sinusunod ko para hindi mapaghalo ang dalawang mundong ginagalawan ko. Hindi madali pero kung gusto kong mapanatiling malinis ang buhay ko sa labas ay kailangan kong mag-ingat. "Manong, sa tabi lang." pumara ako sa tricycle driver na pinahinto ko sa may parmasya. Kagagaling ko lang sa club. Sa mga oras na 'to dapat ay nagmamadali na akong mag-retouch ng kolerete sa mukha para sayawan ang mga parokyano pero dahil nag-out ako ng maaga, makapagpapahinga ako at makabibisita sa ospital kay Itay. Hindi ko na tiningnan pa 'yung tricycle driver at basta na lang akong nagbayad. Pag-alis niya ay saka ako naghubad ng jacket, mask, at sombrero. Huminga ako ng malalim. Dinama ko ang lamig ng gabi na nagpapakilabot sa balat kong hayag na sa blouse na suot ko sa ilalim ng pagkukubli kanina. Hinila-hila ko rin ang pencil skirt ko dahil hindi ako komportable kahit hanggang tuhod na 'yon. Napayakap ako sa balingkinitan kong pangangatawan. I felt so exposed underneath my clothes. Wala naman akong chikinini pero pakiramdam ko ay may dapat akong itago. Siguro nga kahit anong ligo o sabon ko ay hindi na talaga maaalis sa katawan ko ang dumi ng mga mga lalaking lumamyos sa'kin. Habang buhay ko na 'yong dala. Niligpit ko sa dala kong paper bag 'yung sombrero, mask, at jacket pagkatapos ay tumuloy na ko sa pagbili ng gamot. Si Itay ay may malalang sakit sa kidney. Ilang taon na rin siyang nagpapa-dialysis. Nitong nakaraan ay pabalik balik na kami sa ospital dahil sa mas lumalala niyang kalagayan. Umabot na kami sa puntong sinabihan niya na kami ni Mama na 'wag na siyang ibalik sa ospital kahit na anong mangyari, na sa bahay na lang siya magpapagaling dahil mamamatay lang siya lalo sa gastusin sa ospital pero dahil anak niya ako, hindi naman pwedeng sukuan ko na lang siya ng gano'n-gano'n lang. "Kung gusto talagang lumabas ng pasyente ay bibigyan ko kayo ng waiver." naalala kong sabi sa'kin ng doctor niya. "Pero tatapatin na kita, hija. Kapag hindi nanatili rito ang itay mo baka hindi na siya tumagal pa." Huminga ako ng malalim pagkakita sa mahabang resibo ng mga gamot na binayaran ko sa botika ngayon-ngayon lang. Sa bills ni Itay sa ospital, pang-dialysis, at gamot, maski ako ay nagdarasal na lang na sana balikan agad ako no'ng customer na galante para may pangtustos pa kami sa mga susunod na araw. Hindi na bale kung laspagin niya ako, madudugtungan ko naman ang buhay ni Itay. May kadiliman 'yung overpass na inakyat ko pagkagaling sa parmasya. Maya't-maya ko sinisilip 'yung bag ko sa likuran dahil nandito 'yung perang pinakaiingatan ko. Pagbaba sa overpass ay bumungad na sa'kin ang lifestyle district na dinarayo ng mga tao para mag-shopping, tumambay sa aesthetic cafés, at mag-aliw sa cocktail bars. Buhay na buhay ang pangmayamang lugar na ito sa gabi. Naglalaway ako sa sarap ng mga pagkain nang bigla akong magitla sa putok ng baril. Tumigil ang party music. Nagtilian ang mga tao na napaupo at nahihintakutang nagsipaktakipan ng mga tainga, at kabilang na ako ro'n. "Ang lugar na ito ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ng La Familia Biviano! Ang sino mang sumalungat sa familia ay sisiguraduhin ng samahan na hindi na sisikatan pa ng araw!" proklamasyon ng isang lalaki. Tiningala namin siya sa Sky Tower na tourist attraction dito. Hindi namin matukoy kung sino ang nagsalita dahil hindi siya nag-iisa. Nakakalula ang dami nila. Higit sa kayang bilangin ng mga daliri ko sa kamay at paa. Matipuno ang bawat isa sa kanila na hindi mo madidiperensya dahil magkakahawig ng tikas at pangangatawan. Lahat sila ay nakaiintimida, nakamaskara ng itim na bungo ang disenyo. "Eyes up here. Mag-umpisa tayo sa paunang koleksyon," saad ng lalaki na may nakaipit na matabang tobacco sa bibig. Para siyang isang mafia boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD