Chapter 17.

2567 Words
Nasa likod ko lang si Adelaine but if she heard me call him Noah, naiimagine ko na ang gulat sa mukha ng bestfriend ko. Nang matapos ang yakap sa akin ni Noah, saglit pa akong nag idle dahil nanuot sa ilong ko ang pabango nya. He’s still using the same perfume and it brought back many memories in just seconds of inhaling it. “Rai?” Untag nya sa akin. By this time ay nakalapit na rin ang babaeng kasama nya. Nakantingin sa akin ang babae. She’s wearing a pastel pink barbie doll dress. Mahaba ang itim na itim at straight nyang buhok. Maputi and she’s not wearing make-up. But I am not sure dahil naibaling ko na ulit kay Noah ang atensyon ko. “Kailan ka pa umuwi? Akala ko nasa Milan ka pa rin!” I exclaimed. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. I am trying to ignore my curiosity kung sino ang babaeng kasama nya kaya I was trying to look straight on his handsome face. After almost six years, Noah still looks Noah; minus the eye glass. Kaya rin ako nagdalawang isip kung sya talaga ‘yon ay dahil mahaba ang buhok nya na naka man bun and he has a septum! Malayong malayo sa nerdy looking na Noah eons ago. “Actually, kahapon lang. I was gonna surprise everyone sana. I am organizing a party for Saturday but you already saw me here.” Malawak ang ngiti nya habang nakatingin lang sa akin. “Invited pa rin ba ako kahit nagkita na tayo dito?” Biro ko. “Oo naman! It’s not like nagpa retoke ako para magtago talaga at isurprise kayo.” Natatawa na sagot nya. “I’ll send you your details in your IG.” “Alright. I must say, di ka nga nagpa retoke pero you look different.” “In a good or bad way?” Kunot noo pero nakangisi na tanong nya. “Good. Good way.” Sagot ko. Mas lumakas ang tawa nya. “By the way, this is Kirsten. Inaanak ni mommy.” Inakbayan nya ang babae sa tabi nya. Blank lang na tumingin ang babae sa akin. She has a resting b***h face pero mukhang bitchy rin talaga sya dahil hindi sya ngumiti. She even looked at me from head to toe. “Kirs, tis is Raisa. She’s a childhood friend from Isabela.” I smiled and I nod at her. I would offer my hand as a gesture pero ramdam ko na hindi nya iyon tatanggapin. Lumingon ako sa likod ko. Kita ko na nakatanga lang si Adelaine habang naka awang ang labi na nakatingin kay Noah. I took a step back at pumantay kay Adelaine. Inakbayan ko rin sya. “This is Adelaine, my best friend. This is Noah, childhood friend ko.” “The Noah?” Adelaine murmured. Napa freeze ako. Pinisil ko ang balikat nya. Noah laughed. “What do you mean THE NOAH?” He asked with conviction. “Nothing. Naikwento na kasi kita sa kanya. You know, ikaw lang naman halos ang nakakasama ko before in Isabela.” Mabilis na sagot ko. “I see. Well, hello. I am that, Noah.” Inilahad ni Noah ang kamay nya kay Adelaine at tinanggap nya naman iyon. Lumabas na si Clarissa at tinawag na kami. “Uhm, it was really nice seeing you here.” “Me too. I’ll see you in the party. Aalis rin kasi kami agad, may kukunin lang si Kirs dito. I’ll send you a message in your IG.” Paalala nya. Naghuhubad na kami ng damit ni Adelaine sa girls’ locker ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko si Noah and he looked so freaking hot. I mean, hotter than before. He used to look nerdy because of his glasses but I already find him hot that way. Kaya nga naging crush ko sya. “Ipapa alala ko lang na may Raius ka na, okay? Noah is hot, pero di naman papatalo ang boyfriend mo.” Sabi ni Adelaine sa tabi ko. I cleared my throat. “N-Nagulat lang naman ako. He looks really different.” “I know! Ang sabi mo sa akin, flat yung buhok nya na may one sided bangs, tapos naka eye glasses. And he’s kinda tall and lanky. Sobrang layo sa nakita natin kanina.” Naiiling na sabi ni Adelaine. “I know. But he stayed in Milan for six years. I can understand na siguro nag improve rin ang sense of style nya. Come to think of it, mas magtataka naman ako kung walang nagbago sa kanya. Kung nerdy pa rin sya.” Kibit balikat na sabi ko. “Hmm, sabagay.” “But, itsura nya lang naman ang nerdy. Even before, he’s already a cool guy. Maraming friends.” “Okay. Kapag namessage ka nya na about sa party, let me know agad para maisingit ko sa schedule mo or kung may kailangan I reschedule ay alam ko.” “Yes, Ma’am!” Natatawa na sagot ko. We had our late dinner in the newly opened Japanese restaurant that Adelaine chose. Pareho na lang naming binilisan kumain dahil pareho na naming ramdam na gusto na namin humiga at matulog. I’ll probably sleep at least nine hours later. Bago ako mag drive ay nag send ako ng message kay Raius na pauwi na kami ni Adelaine and that I might sleep longer dahil nagpa spa nga kami. Hindi na ako naghintay ng reply dahil mamayang ala una nya pa naman mababasa ang message ko. Raius: Alam ko na marami kang ginagawa pero birthday kasi bukas ni Tita Lorna. Nagpaplano kaming pumunta sa beach sa Friday. Uwian lang. Gusto ka naming isama kung pwede ka. Nakatitig lang ako sa message na iyon ni Raius sa akin. Hindi ako agad maka react pero sobrang saya ko knowing na isasama nila ako. Huminga ako ng malalim bago ako mag send ng response sa kanya. Me: I can adjust my schedule, mahal. Thank you for wanting me to be there! Kinikilig ako. Upon reading that message, nag-isip na ako ng pwedeng iregalo kay Tita Lorna. She’s a sweet woman and I want to give her a gift na bagay sa kanya at alam kong magagamit nya. Mabuti rin at may oras pa. Although bukas ang birthday nya, pwede ko naman ibigay iyon sa mismong day na pupunta kami sa beach. Hindi na nagreply si Raius. He’s probably doing something. Nag eexplain naman iyon agad kapag hindi sya nakapag reply ng mabilis so I just waited and continued checking out my emails. After that ay nag browse ako online dahil baka pwedeng online na lang ako bumili ng regalo. Optional naman ang same day delivery if I want. Raius: Sige sasabihin ko na makakasama ka. Thank you rin mahal. Kumain ka na, ha. Nagdedeliver ako ng cupcakes. Whenever I remember na nagdedeliver nga pala sya ng cupcakes na gawa ni Tita Lorna, minsan parang gusto ko sumama just to experience. I mentally reminded myself to order and post it on my accounts to help with the promotion. Masarap naman kasi talaga, hindi dry at very tasty ng cupcakes ni Tita Lorna. Hindi nakaka umay sa tamis kahit na sa unang tingin mo, parang magsasawa ka sa tamis. Wala akong napili online. Deep inside me, pakiramdam ko eh dapat para mas special ang maging regalo ko, dapat personal kong makita at mahawakan at personal ko rin na piliin. So, I decided to leave early after all of my work is done. Nagpaalam ako kay Adelaine na kasalukuyang nagpapahinga rin sa office nya na katapat lang rin ng office ko. Dumiretso ako sa Glorietta to check on what I think I can gift Tita Lorna. I love to give her a bag, but even though I know that she will like it or really appreciate it, I feel like bags are so overrated. I used to give what I thought people would love because the people that I give gifts to doesn’t really need to be practical. But along the way, I realized that there are people who needs things that are more practical to be given because it will make their life easier. Naisip ko na something na makakatulong sa business ni Tita Lorna na lang ang ibibigay ko. I called Raius, hoping na nasa bahay na sya or hindi na sya busy. Hindi pa naman sya nagmemessage na nakauwi na sya so he’s still probably out, pero may itatanong lang naman ako sa kanya about Tita Lorna. “Hello, mahal? Pauwi pa lang ako.” Sumagot naman si Raius on the fourth ring. “Nasaan ka na? Nagdadrive ka ba?” “Hindi pa, paalis pa lang ako sa last place na pinag deliveran ko.” “Oh, okay. May itatanong lang sana ako.” “What is it?” “Anong type ng oven ginagamit ni Tita Lorna?” “Bakit?” “Wala naman, interested lang ako malaman.” “Uhm, electric oven na forty-five liters ang laki. Kasama kasi ako bumili non last year.” “I see. Ilang cupcakes nagagawa per batch?” “Hindi ko lang sure, pero kapag maraming order eh nakaka ilang salang sya kaya medyo natatagalan sya. Pero okay naman, sanay naman na sya.” “Ah, I see. Okay mahal. Mag iingat ka pauwi. Let me know if you’re home.” “Iyon lang ba itatanong mo?” Tumawa ako. “Oo, curious lang naman kasi ako.” “Okay.” Natawa rin sya. “Ikaw, nasaan ka? Nasa office ka pa?” “Hindi na, umalis na ako. Pauwi na rin ako mahal.” “Mag-iingat ka rin. Sabihin mor in kapag nakauwi ka na, ha?” “Opo. Thank you. I love you.” “I love you.” After the call, pumunta ako sa department store at tumingi agad ng malaking oven. I was thinking na baka pwede na rin gumawa ng cake si Tita Lorna and naging limiting lang sa kanya ang type ng oven na ginagamit nya. I asked the sales staff to tell me the types of ovens I can buy na para sa baking business. After almost an hour of going around, I finally found the one I want. Three-layer electric oven na movable since may gulong sya. Tingin ko naman ay magkaka space naman ito doon sa kanila. I just hope that this will really help Tita Lorna. As far as I know ay ang pag bake nya ng cupcakes ang main source of income nila. Although I can see that they are living okay since okay naman ang lifestyle nila, wala naman masama kung kumita sila ng extra. Balak ko nag offeran si Mara na mag part time sa RaiRen soon if she will be interested, since kita ko na kailangan na rin naming mag hire ng mga seasonal staff dahil palapit na ang holiday season. Last year, nag hire rin kami ng mga seasonal staff para sa warehouse for two months. We hired about ten people. Siguro ay triple na ang kailangan naming mga tao this coming holiday. I paid for the oven and instructed them to send it to a specific address tomorrow. Nagpalagay rin ako ng note. Libre naman na ang delivery which is a good thing dahil less hassle sa part ko. Halfway through ay nag message na sa akin si Raius na nakauwi na sya. I told him na may dinaanan pa ako pero pauwi na ako ulit. Dumaan na lang ako ng drive thru for coffee. I was already reheating my food in the microwave oven when I received a DM from Noah. Itsnotnoah_: Hi, Rai! The party will be in Antidote this coming Saturday night. 9pm onwards. See ya! Oh. Good. Makakapagpahinga pa ako from this Friday since uuwi rin naman kami Friday night. I can even come to work the next morning. Agad kong naalala si Raius. Gusto ko sya isama so I asked Noah if I can bring a plus one. Sa party ko na lang ipapakilala si Raius as my boyfriend. That is, kung walang gig sila Raius that night or kung gusto nya sumama. Ayoko naman mag decide for him pero tinanong ko na rin si Noah just in case. Me: Hey, thanks! Can I bring a plus one? Noah’s online and agad naman syang nag seen at nag reply. Itsnotnoah_: Of course! Bring your friends. (Wink emoji) The old Noah would never! He’s not into parties like this. Like I said, hindi naman sya nerd, he kinda looks like one lang naman before but he’s friendly. He goes to parties rin naman and minsan magkasama kami kahit magkaiba kami ng age range but he’s not a party animal. Mga necessary parties lang. Nakakatuwa na ngayon parang sanay na sanay na sya and he even organized a party for himself! Me: Yey! Ok, see you! Itsnotnoah_: See you! After eating, I immediately called Raius. “Kakatapos ko lang kumain, mahal. Ikaw?” “Ako rin. Sa kabila ako kumain, nag bake ng lasagna si Tita Lorna. Binabalak rin na mag tinda ng mga baked pasta in a tray.” “Wow, really? That’s nice.” “Nag-iisip nga ako bilhan sya ng mas malaki na oven dahil marami na syang sinusupplyan ng cupcakes. Minsan kasi nasasayangan daw sya sa oras nya kung pwede naman daw sya na mag tinda ng iba pa kahit around the area lang. Parang mas okay na maramihan ang mabibake nya sa isang salang.” Halata ang concern sa boses ni Raius. Napalunok ako ng laway. Gusto ko nang sabihin na may darating na malaking oven dyan bukas. Hindi naman ako nagwoworry nab aka bumili si Raius dahil mauuna na dumating ang binili ko bukas pero ayaw ko sana malaman nya dahil baka pigilan nya ako. I know he would. Pero sincere ako na gusto ko makatulong. “I understand. Tsaka masarap naman kasi talaga cupcakes nya. I am already planning our Christmas party soon, sa kanya ako oorder.” “Thank you, mahal. Matutuwa ‘yon for sure.” “May sasabihin pala ako.” “Ano ‘yon?” “May kababata ako na dumating from abroad. I was invited to his party this Saturday night. Gusto sana kita isama? Kung wala kayong gig at kung gusto mo. I won’t feel bad if you think you’re not ready yet to go to parties with me.” Kinakabahan ako kaya ang dami ko tuloy nasabi. Hindi agad nakapagsalita si Raius. I waited for him to talk. “Pwede naman ako sumama, mahal. Hindi ko pa lang sigurado kung may tugtog kami.” I smiled. “So, you are coming kapag wala kayong tugtog? Okay lang sayo?” “Oo naman. Baka sa Friday ko pa malaman.” “That’s good. Okay. Thank you.” “Bakit ka nagpapasalamat na sasama ako?” “Uhm, wala lang. I feel like I have to thank you for it.” “You’re weird, mahal.” Tumawa ako ng malakas. “I know. And you still love me despite that, hindi ba?” Tumawa rin si Raius sa kabilang linya. “Oo naman. Charm mo na ‘yan.” Nag-usap pa kami hanggang magpaalam na sya na maghahanda na sa pagpasok sa trabaho nya. I told him na mag-iingat sa pagpasok at magpapa antok na rin ako after our call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD