Chapter 18.

2638 Words
I looked at the grocery bags in the trunk of my car. Dumaan ako sa grocery to get a few things and food we might need bago ako umuwi. I want everything to be perfect tomorrow. Mamayang madaling araw kami aalis at nag volunteer ako na ang sasakyan ko na lang ang gamitin papunta sa Batangas. Magluluto raw ng mga pagkain si Tita Lorna but of course, I didn’t want to come empty handed. We will just be there for the whole day so I am making sure na mahaba ang tulog ko mamaya. I am excited. It’s so nice knowing that Raius and I are good with each other’s family. I can’t help but to think about it almost everyday kasi na ooverwhelm pa rin ako kahit na ilang buwan na rin kami ni Raius. I always appreciate all the good things that is happening to me. May it be about my personal life, business or even love life. When they received my gift, nakausap ko si Tita Lorna sa cellphone ni Raius. She’s crying. Sobra sobra naman daw ang regalo ko sa kanya. Bakit naman daw ganoon ako? Natatawa ako pero deep inside I was so touched. She told me that it is actually the type of oven na pinag iipunan nya sana kasabay ng pagbubukas nila ng mini bakery. That’s when I learned na may plano na raw syang ipagawa ang space sa gilid ng bahay nila para I convert into a small bakeshop. Hindi ko raw alam kung gaano sya kasaya. I told her that I am happy that she liked my gift. Ramdam na ramdam ko yung overwhelming feeling at pagiging thankful nya sa akin, pati si Mara ay naiiyak rin na kinausap ako. Dalasan ko raw ang pagpunta doon at ipapatikim nya sa akin ang mga balak nyang bagong product na ibebenta, and of course I said yes. Nasa elevator na ako paakyat sa condo ko when Raius called me in the present. “Mahal, would you really be okay kung aalis ka ng alas tres dyan?” Ramdam ko ang concern sa boses ni Raius. I giggled. “Oo naman! Bakit hindi? Besides, papunta lang naman dyan ako magdadrive. It will only take me fifteen to twenty minutes max.” Natatawa na sabi ko. “Alright. Madaling araw kasi. I am not really comfortable na mag drive ka ng ganoong oras.” “Mahal, I’ll be fine. Anyway, may kailangan pa ba tayo na dadalhin? Dumaan na rin ako sa grocery kanina. I bought us some drinks and some snacks. Alam ko masarap magluto si Tita Lorna, pero para rin may pwede tayo makain while on the road.” “You’re really thoughtful.” “I don’t want to come empty handed.” “I know. Okay lang naman. We will bring crispy pata. Doon na lang ipiprito para crispy pa rin kapag kinain natin.” “Ohh. I can’t wait. Nagutom tuloy ako bigla. I’ll order food na lang.” “Okay. Kumain ka ng marami.” “Are you home?” “Kakararating ko pa lang. Hindi ko agad nasabi sayo kanina na lumabas ako. I bought a few things.” “Oh, I see. It’s okay mahal.” “Ikaw? Nakauwi ka na?” “Yep. Ito palabas na ako ng elevator.” “Alright. Umorder ka na agad ng pagkain mo, huwag ka na magpalipas.” “Thanks, mahal. I will. Ikaw?” “Magluluto ako ng tortang talong. Hindi pa rin ako ulit nakakapunta ng palengke. Pagbalik na lang siguro natin.” Nagpaalam na sya nang sinabi ko na nasa condo ko na ako. I immediately sat at the couch and ordered food thru my phone. Dumating rin naman agad in thirty minutes so I was able to eat early than I expected. After eating, nanuod muna ako ng dalawang episode ng THE WITCHER before I went inside my room para ihanda na ang mga damit at gamit na dadalhin ko. I got some of the swimsuits I bought na mga nasa lalagyan pa. I always have spare swimsuits lying around. Namili ako ng hindi masyadong revealing. I want to look my best but I don’t want them to think na hubadera ako. In the end, I decided to bring a dark blue two piece. The upper part is extended na parang off shoulder crop top tapos high waist naman ang pang ibaba. Magsusuot na lang ako ng manipis na kimono pang patong. I woke up twenty minutes before three. After ko maligo, mabilisan akong kumain ng isang sandwich. Nag stretching rin ako at nag exercise ng kaunti para gising na gising na ako before ako mag drive. Pababa na ako sa parking when my phone rang. It’s Raius. Naku. Akala siguro nito hindi pa ako gising. “Good morning!” Masiglang sabi ko. “Good morning mahal. Kanina ka pa gising?” Oh. Mukhang kakagising nya lang rin dahil halata sa bedroom voice nya. “Yup! Nakaligo, kumain at nag stretching na rin ako. I am already on the elevator pababa sa parking. Kakagising mo lang ba?” “Oo. Mag-iingat ka. Babangon na ako at tutulungan sila Tita Lorna at Mara.” Mukhang bumangon na nga sya at narinig ko na ang pag galaw nya sa background. “Okay, mahal. See you!” “See you. Ingat.” I checked my trunk for the second time since last night. Ewan. Medyo anxious ako na baka may maiwan ako or what. Ever since naman ay ganoon na ako. I am not really thinking of the worst case scenari, it’s like more on wishing that there won’t be bad things to happen kasi alam kong mayroon. Masarap mag drive ng ganitong oras but I still took my time. Mahirap na rin naman. It took me almost thirty minutes. Malayo pa lang ako ay kita ko na si Raius na naka tayo sa tapat ng gate nila. He’s waiting for me! Ugh! Ano ba. Why is he so ideal? He opened the car door for me nang maiparada ko nan ang maayos ang sasakyan ko sa tapat ng gate nila. He immediately hugged and kissed me. Nakaligo na rin sya at nakabihis na. He’s wearing a plain green tshirt and surf shorts. “Nasaan na sila Tita Lorna at Mara?” Agad na tanong ko. Inakbayan nya ako at inaya sa loob. “Nasa loob pa. Pasok ka muna mahal.” The moment that I entered Tita Lorna’s house, agad akong sinalubong ng yakap ni Tita Lorna. Mahigpit. Narinig ko na lang bigla na sumisinghot singhot na sya. “Tita? May problema ho ba?” Nagtataka na tanong ko. Liningon ko si Raius na katabi na ngayon si Mara. “Salamat sa regalo mo sa akin, Raisa.” Shaky ang boses na sabi ni Tita Lorna na mahigpit pa rin ang yakap sa akin. Napabuga ako ng hangin at natawa. “Tita Lorna naman! Akala ko kung ano na ang nangyari! Nagpasalamat na ho kayo ah? You are always welcome.” Hinagod ko ang likod nya. “Ate Rai, halos gabi gabi yan naiiyak si mama habang naka titig sa oven.” Sabi ni Mara. “Tita Lorna naman.” Humiwalay sya sa akin. Doon ko nakita na talagang umiiyak sya dahil basang basa na ang mukha nya. “Napakamahal naman kasi noon! Nag iipon pa lang ako para makabili ng ganoong oven tapos biglang may nag deliver!” “Tahan na po. Iyan po kasi ang naisip kong regalo na talagang magagamit at mapapakinabangan nyo.” “Ako na ang gagawa ng mga cake mo kada birthday mo, ha?” Tumawa kaming lahat. “Kayo na rin po kasi ang kukunin kong magsusupply ng cake at mga dessert sa mga party at events ng business ko.” Inakbayan ko sya. “Tahan na po. Kailangan natin maenjoy itong araw ng celebration nyo.” Nagpunas ng mukha si Tita Lorna gamit ang hawak nyang panyo. “Oo ng apala. Hala, sige, talaga naman kasing hindi pa rin ako makapaniwala sa regalo mo.” Tumawa na rin sya. “Ilabas nyo na ang mga pagkain at gamit natin. Ibabalot ko pa ‘yung iba. Mabilis na lang ‘yon.” With that ay naging busy na kaming lahat. Naka lagay sa malalaking Tupperware naman ang karamihan sa mga pagkain kaya na stock ng maayos sa trunk. Pati mga gamit naming lahat ay doon ko na ipinalagay para maluwag at comfortable si Mara at Tita Lorna sa likod. Inilabas ko lang ang isang ecobag na puno ng snacks at tanging ang shoulder bag ko na may laman na pera at cellphone ko lang ang dala ko. The moment na nagsimula na mag drive si Raius, nagsimula rin ang kwentuhan naming lahat sa sasakyan. We are heading to Calatagan, Batangas. May beach raw sila na madalas puntahan doon na kaunti lang ang tao pero maganda ang lugar. After a while ay nakatulog kaming lahat. I woke up na maliwanag na at nasa kalagitnaan na kami ng Tagaytay. Tahimik lang na nagdadrive si Raius. “Medyo malayo pa tayo mahal, matulog ka lang.” Sabi nya na nakatutok pa rin sa daan. Tiningnan ko sa likod. Tulog na tulog pa rin si Tita Lorna at si Mara. Malamang na puyat talaga ang dalawa kasi naghanda sila ng mga dadalhin at kakainin. “It’s okay. Hindi na ako inaantok. Okay ka lang?” Tumingin sya sa akin, tumango at ngumiti bago muling ibinaling ang tingin sa daan. “Oo naman. I had enough sleep.” “Okay, good.” We arrived after almost forty minutes. The place is old but looks well maintained. May mga bandana sa paligid making the place a little festive. Malawak ang parking space. Pumasok kami sa entrance. Kilala si Tita Lorna ng babaeng sumalubong sa amin. Nag kwentuhan sila sandali and before I knew it, ay papunta na kami sa cabana na malapit sa beach dala ang ilang gamit at pagkain. Bago ang cabana. May apat na cabana na malapit sa beach. May kutson at may tables and chairs rin sa tapat na may bubong. “This is nice,” Kita ko na malinis ang dagat pati ang mismong buhangin. May ilang tao na naglalakad, probably from other resorts but it’s peaceful. Tirik na ang araw pero malamig ang hangin. Si Raius at Mara na lang ang bumalik sa sasakyan para kunin pa ang ibang natira na gamit at pagkain tapos ako naman ang tumulong kay Tita Lorna sap ag aayos. “Mag iihaw rin tayo mamaya. May grill na dadalhin rito.” Kitang kita ko na masaya si Tita Lorna sa kahit anong ginagawa nya. Maybe it’s the reason why she looks youthful. Tsaka mukhang wala naman ding binibigay na problema si Mara sa kanya Mara seems like a really nice kid. Kaya rin oofferan ko sya kung gusto nya na mag part time sa RaiRen soon if she’s interested dahil makakatulong rin iyon sa kanila. Kumain kami ng agahan habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Baked mac, chicken sandwich at mga prutas ang agahn namin. Tita Lorna encouraged us na maligo na habang maaga pa at hindi pa masyadong masakit sa balat ang init. Sabay kaming pumunta ni Mara sa malapit na shower room para magpalit. “Grabe ate ang sexy mo talaga.” She exclaimed nang lumabas na ako at makita ang suot ko. Tumawa ako. “Sexy ka rin naman ah! Look at you!” She’s wearing a one-piece yellow swimsuit pero nagpatong sya ng maong shorts. Pear shape ang katawan ni Mara, malapad ang balakang at ang mga hita. May laman ang dibdib nya. Tingin ko naman eh hindi lang sya talaga confident masyado dahil hindi nya pa alam ang potential nya. “Ang taba ko nga!” Nakanguso na sabi nya. “No! Your body is nice! I mean, look at those hips!” “Thank you.” She said with her doe eyes. “Halika na nga!” Natatawa na inakbayan ko sya at sabay kaming bumalik. She covered herself with a sarong and I covered myself with my kimono. Busy sila Tita Lorna at Raius sa pag prito ng crispy pata at sa pag set up ng ihawan. May maliit na cake na ginawa si Tita Lorna para naman raw may paglagyan ng kandila. Nakalatag na ang tig iisang bowl ng mga ulam at pagkain. May dala silang rice cooker and they are already cooking rice. Nakakatuwa lang kasi sobrang handa si Tita Lorna, walang naiwan o kung ano pa man. Kami na muna ni Mara ang naligo. Naglagay kami ng sunblock. After thirty minutes, umahon na kami dahil medyo mainit na talaga. By this time ay nag hubad na ng t-shirt si Raius habang nag iihaw ng karne ng baboy at barbecue. Pinunasan ko ang butil ng pawis nya. Kahit mahangin kasi ay pinagpapawisan sya. “Thanks, mahal.” I kissed him on the cheeks instead. Kumain lang kami buong maghapon. After lunch, umidlip si Raius habang kami namang tatlo ay naglakad lakad. Nakahanap kami ng lugar na may shade ng malaking puno kaya doon kami nag babad. “Totoo ba, Raisa, na papasok si Raius sa company ng papa mo?” Si Tita Lorna iyon. “Ay, opo. Inaayos pa lang daw po ni Raius ang mga credentials nya at naghahanap na raw po ng kapalit sa part time nya bago sya umalis.” Nasabi na rin pala ni Raius ang about doon sa Tita nya. Hindi ko rin ma open dahil akala ko ay hindi pa nila alam. “Mabuti at nahikayat ng papa mo. Ang sabi nga namin ay sayang ang pinag-aralan nya.” Sabi pa ni Tita Lorna. Nakaupo lang kami sa mababaw na part at nagkukwentuhan. “Sabi naman ni kuya na mag-aapply sya ulit pero hindi nya pa alam kung kailan. Mabuti naman ate kung sa company ng papa mo si kuya magtatrabaho. At least macoconsider yung kalagayan nya.” Sabi ni Mara. Nangunot ang noo ko. “What do you mean?” Napakurap si Mara at napatingin kay Tita Lorna. I saw them kinda panic. “M-May dapat po ba akong malaman?” Kinabahan rin ako. Anong kalagayan? Hindi sila makapagsalita. “Gusto ko po sana malaman para maging aware ako kung ano man po ang ibig nyong sabihin.” “Pasensya ka na, Raisa, hija. Ayaw sana ipaalam ni Raius pero concern lang rin kami sa kanya. Mas okay nga siguro na malaman mo. Inaatake sya minsan ng anxiety attack. Iyon ang malaking rason bakit hindi sya full time mag trabaho.” Hindi ako nakapag salita. Doon ko naisip na oo nga naman, there must be a big reason kung bakit hindi pa sya ulit magtrabaho sa field na connected sa tinapos nya. Who wouldn’t want to, right? Pero nag worry tuloy ako na kung papasok sya sa company ni Daddy ay baka naman abutin rin sya ng pressured. A part of me wants to tell Raius na kung tingin nya ay hindi pa sya handa bumalik, huwag na muna. But I don’t want him to feel offended. Ayokong isipin nya na pinapangunahan ko sya sa desisyon nya. And he doesn’t even want to tell me about his condition! Puno ang isip ko tungkol sa kalagayan ni Raius hanggang matapos ang araw at pauwi na kami. Siniglahan ko lang ang sarili ko para hindi nya mahalata na may iniisip ako. I don’t want to ruin this day dahil sa nalaman ko. While on the way home, he suggested na kung gusto ko ay doon na ako matulog sa bahay nya. Hindi na ako tumanggi. I want to sleep next to him. It’s been a while since we slept on the same bed. I never knew that I was craving for his touch until he suggested na doon na ako matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD