Chapter 7 Allysa "Honey, wake up," gising ni Gabriel sa akin. Minulat ko ang aking mga mata. At ang guwapo niyang mukha ang nakita ko. Bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok nito.. "Bumangon ka na riyan at mag-shower dahil may bisita tayong pa rating," wika nito at nagbihis siya ng polo na kulay puti at maong pants. Akmang babangon na ako ng maramdaman kong masakit ang buo kong katawan. Pakiramdam ko nabugbog ako ng husto. Ang sakit ng mga muscle ko lalo na ang private part ko na parang gumuhit ang sakit sa loob no'n kapag kumilos ako. Kaya, dahan-dahan akong bumangon at umupo muna sa kama. Napangiwi pa ako ng maramdaman ang hapdi sa p********e ko. "Masakit pa ba?" tanong ng asawa ko na nakangisi pa. Pinukulan ko siya ng masakit na tingin. "Ano ba sa palagay mo, ha? Matapos