Chapter 8 Allysa Lumingon ako kay Gabriel habang tumutulo ang mga luha ko. At pinukulan ko siya ng masakit na tingin. "Napakawalang-hiya mo talaga! Dinala mo dito si Dexter, para lang ipamukha mo sa akin na kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo. Ang sama mo!" iyak kong singhal sa kaniya. "Tinulungan lang naman kita kung paano mo sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi 'yong niloloko mo lang siya at pinapaasa!" "Ang sabihin mo napakawalang-hiya mo. Ang sama-sama mo! Wala kang kasing sama! Matalik mo nga siyang kaibigan pero tinutukan mo pa siya ng sniper sa ulo para mapasunod mo ako sa gusto mong mangyari," hinagpis ko pang sigaw sa kaniya. "Wala akong pakialam kung ano man ang tingin mo sa akin. Basta ito lang tandaan mo. 'Pag akin, akin! At kapag pagmamay-ari ko na, pagmamay-ari ko! Ka