Episode 4

2389 Words
Chapter 4 Allysa Habang nasa biyahe kami ay parang gusto kong paliparin ang sasakyan patungo sa mansiyon ni Liam. "Alam na ba ito ni Liam?" tanong ko kay Jenifer habang nagda-drive. "Oo, dahil sinend ko na sa kaniya ang mga larawan na 'yan no'ng araw na nakita ko sila hotel," wika nito. "Humanda sa akin ang babaeng 'yan!" gigil ko pang sabi. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa mansiyon ng pinsan ko. Dali- dali akong bumaba sa sasakyan at nag-doorbell. Binuksan naman agad ng bagong katulong ang gate. Sumunod naman sa akin si Jenifer. Habang nasa bukana na kami ng pintuan ay naririnig ko na nagkakagulo na sa loob. Naririnig ko rin ang boses ni Liam. Nagmamadi akong pumasok sa loob. Nakita ko si Sheina na parang nagmamakaawa kay Liam. Lalo lang uminit ang ulo ko dahil uutuin na naman niya ang pinsan ko kaya sinugod ko ito. "MALANDI KANG BABAE KA! '' sinabunutan ko siya, pero nagpumiglas naman ito. "Bitiwan mo ako! Ano ba?" sigaw pa nito saka patulak ko siyang binitiwan. "Napakawalang hiya mong babae ka! Alam mong may asawa na si Gabriel pero nilalandi mo siya!'' pasigaw kong sabi kay Sheina. Sumagot naman siya sa akin. "Kaya pala na hindi ka mahal ni Gabriel dahil sa ugali mo. Kaya hindi ka nga karapat-dapat mahalin!'' garalgal pa nitong sabi sa akin. Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya kaya sinampal ko siya ng dalawang beses sa magkabila niyang pisngi "How dare you to say that, ha? Ang sabihin mo ang landi mo! Hindi ka pa kontento kay Liam pati ba naman ang asawa ko lalandiin mo pa? Kaya siguro nagka-anak kayo ni Liam dahil nilandi mo lang siya!" pasigaw kong saad sa kaniya. Nagmakaawa naman ito sa pinsan ko. Pero nagmatigas rin ang pinsan ko at sinigawan siya na umalis na sa mansiyon. "Sa tingin mo ba, maniniwala pa sayo si Liam matapos mo siyang pagtaksilan?'' taas kilay na sigaw naman ni Jenifer. "Umalis kana Sheina. Dahil baka hindi ako makapagpigil at ano pa ang magagawa ko sayo!'' ani Liam na namumula na ang mata sa matinding galit. Naawa ako sa pinsan ko dahil sa panloloko ng babaeng minahal niya. "Umalis kang malandi ka!" sigaw ko naman kay Shiena. Sabay hablot sa buhok niya at kakaladkarin ko na sana siya palabas nang biglang may sumigaw sa akin sa baretonong boses. "BITAWAN MO SIYA!!" Nagulat ako nang napagsino ko ang sumigaw na iyon. "Gabriel?" gulat kong sabi sa pangalan ng asawa ko na biglang sumulpot na lang. Agad nitong sinugod si Liam at sinuntok ng malakas kaya napa-upo ito. Sabay tili naman ni Jenifer. ''How dare you!'' sigaw ni Jenifer kay Gabriel at tutulungan niya sana si Liam na tumayo. Pero iwinaksi nito ang kamay ni Jenifer. Dumugo ang labi ng pinsan ko. Kaya pinunasan niya ito ng likurang bahagi ng palad niya at masakit na tingin ang ipinukol niya sa asawa ko. "Wala kang karapatan na saktan si Sheina! Pagsisihan mo itong hayop ka!'' galit pang sigaw ng asawa ko sa aking pinsan. Pagkatapos ay nagtungo ito kay Sheina at inayos ang buhok nito. Parang sinisipa ng kabayo ang dibdib ko. Sa harapan pa talaga namin ni Liam nila pinakita kung gaano kahalaga ang isa't isa sa kanila. "You are not okay, sweetie. Let's go!" ani Gabriel, saka hinawakan ang pulsuhan ni Sheina. "Sa'n ka pupunta Gabriel?'' tanong ko. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako ng masakit na kulang na lang ay papadapuan niya ako ng malalapad niyang palad sa pisngi, dahil sa pananakit ko kay Sheina. "Humanda kayo sa akin! Pagsisisihan niyo itong magpinsan. Tandaan niyo ang araw na ito nang sinaktan niyo ang nag-iisang taon na mahalaga sa buhay ko!" bulyaw pa nito sa amin at pinukulan niya rin si Liam ng masasakit na tingin sabay hila kay Sheina. Parang namanhid ang buo kong katawan sa aking narinig. Ang babaeng ito ang mahalaga sa buhay niya? Grabe siya ha! Tumingin naman ako kay Liam na pulang-pula ang mga mata at sinuntok pa nito ang pader. At nagdurugo ang isa nitong kamao. Agad akong nagpakuha ng first aid kit kay Manang Amparo. Ginamot ko ang kamao ni Liam. Alam ko kung gaano nasaktan ang pinsan ko. Mahal niya ang babaeng iyon ngunit niloko lang siya nito. At sa asawa ko pa talaga siya pumatol. Pagkatapos ko gamutin ang mga sugat ni Liam sa gilid ng labi at kamao nito ay napagpasiyahan kong umuwi sa mansiyon. Iniwan ko si Jenifer, kahit na pinagta-tabuyan ito ni Liam. Pagdating ko ng mansiyon ay naabutan ko naman si Manang Meding na naglilinis ng buong bahay. "Dumating na ba rito ang amo mo?'' tanong ko kay Manang. ''Sumaglit lang po si Señorito rito kanina, saka nagmadali rin pong umalis,'' sagot ni Manang. "So, nagsama na siguro sila ng babae niya. Punyeta!" sabay sipa ko ng vacuum na nakaharang sa daraanan ko. Dumiretso ako sa aking kwarto. Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa malambot na kama. Nakikita ko ang mukha ni Gabriel kaninang galit na galit at ang paghawak niya sa babaeng iyon pati ang pagtawag pa nitong sweetie. "I hate them! Harap-harapan niya talagang ipinapakita sa akin na wala akong halaga sa kaniya. Sabagay napagkasunduan namin na walang pakialamanan. Pero gano'n pala ang pakiramdam na ikaw ang asawa pero ang atensiyon niya ay sa iba," wika ko sa aking isipan. Sa sobrang inis ko ay aking ibinato sa sahig ang flower vase na naroon sa gilid ng aking kama. Kaya naglikha iyon ng ingay at nabasag ito. Nagtalsikan pa nga ang mga bubong nito. ''I hate you, Gabriel!'' sigaw ko sa loob ng aking kuwarto. Siguro natamaan ang pride ko. Kaya ako nagagalit ay dahil sa harapan pa mismo nina Liam at Jenifer pinagmukha niya sa akin na isa lang akong pang-display niya. At ang mahalaga sa kaniya ay ang lintik na babaeng iyon. Lumipas pa ang ilang araw ay hindi pa rin umuuwi si Gabriel sa mansiyon. Siguro nga ay nagsama na sila ng babaeng iyon. Gusto ko na sanang umuwi sa aming bahay. Pero siguradong sesermunan na naman ako nina Mommy at Daddy kaya minabuti ko na lang na manatili sa mansiyon. Maya pa ay may tumawag sa cellphone ko. Unknown caller.. Sinagot ko ito. "Hello? Who's this?'' tanong ko. "How are you my beautiful love?" wika nito sa kabilang linya. "Dexter? Nasaan ka?" excited kong tanong habang abot tainga ang aking ngiti. "Nandito na ako sa Maharlika, Babe. Sa Holand city at susunduin kita ngayon. May pupuntahan tayo." "Ha? Ah.. ehh.. Babe, puwede sa 24 Daily na lang tayo magkita? Wala kasi ako sa bahay. Nandito ako bahay ng friend ko ngayon," pagsisinungaling ko pang sabi kay Dexter. "Sige, Babe. Sa'n ang bahay ng friend mo? Susunduin na lang kita riyan." "Ha? Ano kasi, Babe, baka mapagod ka lang sa pag-drive kaya riyan na lang tayo magkita sa 24 Daily. Saka wala kasi ako sa bahay ng friend ko. Nandito ako malapit sa 24 Daily restaurant kaya roon na lang tayo mag kita," dagdag ko pang kasinungalingan kay Dexter. Kabadong-kabado ako kaya naghahalo ang excitement at kaba sa dibdib ko. "Sige, Babe. See you there!" wika ko. "Sige, Babe, papunta na ako roon. I miss you, Babe," sabi ko. "I miss you more," anito. Dali-dali akong nagbihis ng pang-alis kong damit. Naka-pant's lang ako at sleveless na kulay white na may itim sa bahaging dibdib. Kinuha ko ang pouch ko saka nagmamadaling lumabas ng mansiyon. Nang nasa baba na ako ay nakita ko naman si Manang. Hindi ko pinansin si Manang nang tawagin ako nito at tanungin kung saan ako pupunta. Pero bago ako lumabas ng mansiyon ay tumawag muna ako sa guard ng subdivision para magpadala ng taxi sa tapat ng bahay. Kaya pagdating ng taxi ay kaagad akong sumakay at sinabi ko sa driver na ihatid ako sa 24 Daily restaurant. Ilang minuto ay nakarating na ako roon. At agad ko namang nakita si Dexter. Lalong kumabog ang dibdib ko. Dapat kong sabihin sa kaniya na kasal na ako kay Gabriel. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na hindi siya masasaktan. Pagkakita niya sa akin ay dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan ko at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you, Babe," wika nito. Yumakap rin ako sa kaniya. "I miss you, too," wika ko rin. Saka pinakawalan niya ako sa pagkayakap. Lalo itong naging pogi sa paningin ko. "Kamusta ang pag-masteral mo ng medisina?" tanong ko. "Okay lang, Babe. Kaya ganap na akong neurologist ngayon," wika pa nito. ''Halika, pupunta tayo sa inihanda kong sorpresa para sa'yo.'' Saka ako nito inakbayan at nagtungo kami sa kotse niya. "Mabuti naman at natupad mo na ang mga pangarap mo, Babe. Mayro'n din sana akong sasabihin sayo mamaya," wika ko. Nang sumapit kami sa kotse niya ay pinagbuksan ako nito ng pinto. Saka sumakay ako at pumwesto naman ito sa driver seat para magmaneho. "Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko. "Basta,its a surprise. Malalaman mo rin mamaya,'' wika nito saka ngumiti sa akin at kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan. "Dexter, may mahalagang sasabihin ako sa'yo mamaya,'' wika ko pa. "Ano 'yon, Babe? Puwede mo nang sabihin sa akin," wika nito habang naka-focus ang atensiyon sa pagmamaneho. "Mamaya na lang," tipid kong tugon. Dahil kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na kasal na ako. Isang buwan lang siyang nawala pero pagbalik niya ay kasal na ako sa iba. Maya- Maya lang ay huminto kami sa isang park. Bumaba kaming dalawa. Pero bago pa kami nakababa ay piniringan niya muna ang mga mata ko. "Dexter, kailangan pa bang may piring ang aking mga mata? " tanong ko sa kaniya. "Of course, Babe! Kaya nga surprise 'di ba?'' nakangiti pa nitong turan. Pagkatapos niyang piringan ang mga mata ko ay inalalayan niya akong maglakad para hindi ako madapa. Maya-maya pa ay huminto na kami sa paglakad. "Okay, nandito na tayo. Tatanggalin na natin ang piring mo," ani Dexter sa akin. At dahan-dahan nitong tinanggal ang piring ko. Sabay no'n ay ang pagtugtog ng violin ng dalawang naka-uniform na lalaki, at sa harapan ko ay may table na may candle pa. At dalawang platong magkaharap na nakapatong sa mesa. May nakahain ritong buffet at wine. Maluha-luha ang mga mata ko na tumingin kay Dexter. May mga balloons din na nakatali sa may puno na naroon sa park. "Napaka-romantic mo naman, Babe," sabay ngiti ko sa kaniya. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako roon. Saka umikot siya sa kabilang upuan at umupo rin. Kaya magkaharap kaming nakaupo sa mesa. "Hindi mo ba naaalala ang araw na ito?" tanong niya sa akin na nakangiti. Nag-isip ako kung anong meron sa araw na iyon. "Birthday mo?" bulas ko. "Babe, next year pa ang birthday ko." Nag-isip ulit ako. Hindi naman birthday ko? Kaya hindi ko maisip kung anong celebration ngayong araw na ito. Nang mapansin ni Dexter na wala akong maalala kung anong special sa araw na ito ay siya na ang nagsalita. "It's our third anniversary today. And every year we celebrate it, don't you remember?" tanong nito. Nasapo ko ang aking noo. "Yes, i remember now, Babe. I'm sorry kasi naging busy lang ako this past few days." "It's okay, Babe. Dapat sa dinner ko ito gagawin kaso may meeting ako sa bahay ng client ko mamaya. Nakakahiya naman kasing tanggihan, kaya sa luch time ko na lang ginawa," anito sabay ngiti sa akin. "Okay lang, Babe and thank you for this romantic place na pinagdalhan mo sa akin. Hindi mo man lang sinabi na date na pala 'to. Eh, 'di sana nakapagbihis ako ng maganda." "Hindi na mahalaga 'yon, Babe, dahil kahit ano pa ang suotin mo maganda ka pa rin. Let' s eat," wika nito sabay kuha ng pagkain na naroon sa mesa habang may background pang romantic music. Nilagyan niya ako sa plato ko at naglagay rin siya sa kaniya. Pagkatapos ay sabay kaming kumain. At nag-toss kami ng wine na nasa wine glass. Pagkatapos naming kumain ay tumayo siya at ibinigay sa akin ang isang bouquet ng bulaklak at inilahad ang palad niya sa akin. "Will you dance with me?'' tanong nito saka inabot ko naman ang aking kamay at tumayo. Ipinatong ko muna sa upuan ang bigay niyang bulaklak at sumayaw na kami. Ilang minuto rin kaming sumayaw. Pakiramdam ko nawala ang lahat ng hinanakit ko ng makasama ko si Dexter ng mga oras na iyon. Pero hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kung bakit hindi na ako gano'n ka excited sa kaniya. Siguro dahil sa bihira na lang kami magkita. Lalo na at naging busy siya sa pagma-masteral niya sa medesina. Maya-maya ay huminto na kami sa pagsayaw. May dinukot ito sa kaniyang bulsa. Isang maliit na box at lumuhod ito sa harapan ko. Grabe ang kaba ng dibdib ko. Kung pwede nga lang lumabas ang puso ko sa kaba ay baka tumalon na ito palayo. "Allysa Henderson, will you marry me?" tanong niya sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi sa biglaang pag-propose niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Babe, will you marry me?" ulit nitong tanong. "Yes, Babe, i will marry you. But," akmang may sasabihin pa sana ako ng tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit. Isinuot niya sa aking daliri ang isang diamond ring. Mabuti na lang at hindi ko suot ang wedding ring namin ni Gabriel. "Thank you, Babe!" nakangiting wika niya. Maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Kaya kumawala ako sa pagyakap kay Dexter. Si Gabriel ang tumatawag kaya pinatayan ko ito. Maya-maya lang ay tumawag ulit ito at hinayaan ko lang na tumunog ang cellphone ko. "Babe, sagutin mo muna ang phone mo. Baka importante 'yan," ani Dexter. "Wala ito, Babe. Hindi naman ito importante," wika ko pa. Ngumiti lang siya sa akin at bakas ang kasiyahan sa mga mata niya. Nakonsensiya naman ako dahil parang pinapaasa ko lang siya sa wala. Hindi ko masabi sa kaniya na kasal na ako. Pero na pa oo na ako ng alukin niya ako ng kasal. Sasabihin ko na sana na pumapayag akong magpakasal sa kaniya pero kailangan ko munang makipag-divorce kay Gabriel. At 'yon ang hindi ko alam kung kailan dahil katatapos lang ng kasal namin ni Gabriel. Ayaw kong ma-dissapoint sa akin si Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD