Episode 5

2039 Words
Chapter 5 Allysa Habang nakatayo ako ay tumunog ulit ang cellphone ko. May text message ito galing kay Gabriel binasa ko iyon at hindi ako natuwa sa nabasa ko. Monster: Kung hindi mo sasagutin ang tawag ko, makikita mong hahandusay sa damuhan 'yang boyfriend mo! Bigla akong kinabahan sa nabasa ko at nagpalinga-linga sa paligid. Paano niya nalaman na magkasama kami ni Dexter? Tumingin ako kay Dexter at nakita ko na may maliit na pula sa forehead nito. Lalo akong kinabaha. Muli na namang tumunog ang cellphone ko. "Babe, saglit lang ha? Sasagutin ko lang itong tumatawag sa akin." Hilaw na ngiti ang iginawad ko kay Dexter. Tumango lang siya at lumayo ako sa kaniya para 'di niya marinig ang usapan namin ng ugok kong asawa. Sinagot ko ang tawag ni Gabriel. "Bwisit ka! Tanggalin mo ang sniper sa ulo ni Dexter!'' galit kong bulyaw sa asawa ko sa kabilang linya. "Relax, Honey. Hindi ko naman siya papatayin eh, kung marunong ka lang sumunod sa akin." Nakakainis ang boses niya sa kabilang linya. "Ano ba ang gusto mo? 'Di ba, hinayaan na kita sa babae mo? Tapos ngayon sisirain mo ang araw ko? Nasaan ka ba?'' galit kong tanong. "Ang sakit sa tainga ng boses mo, Honey. Umuwi ka na at baka may makakita pa sa inyo riyan ng boyfriend mo at malagay pa sa dyaryo ang pangalan ko na ang misis ko ay nakikipag-date sa iba!'' nakakauyam nitong sabi sa kabilang linya. "Buwuset ka, Gabriel? Bakit hindi mo na lang pagtuunan ang babae mo?'' naiinis kong sigaw sa kaniya. "Uuwi ka ba o gusto mong makita kung paano humandusay ang lalaking 'yan, ha?'' Hindi na iyon pagbabanta kundi totohanin niya talaga ang sinabi niyang iyon. Lalong nagpupuyos sa galit ang puso ko sa sinabi niya. "Bibilang ako ng tatlong minuto. Sumakay ka sa itim na kotse na paparada sa tapat ng park. Kapag hindi ka dumating sa loob ng tatlong minuto, makikita mo kung paano mawalan ng hininga ang pinakamamahal mong lalake, Allysa." Utos iyon na determinadong gagawin niya talaga ang kaniyang sinabi. "Oo na!'' Nataranta akong sumang-ayon sa kaniya dahil alam kong hindi siya nagbibiro. "Timer start now!'' wika pa nito. Dali-dali akong bumalik kay Dexter. Nakita ko na naroon pa rin ang maliit na pulang iyon sa noo niya. "Dexter, pasensiya na, pero may emergency kasi sa bahay,'' paalam ko kay Dexter at nagmamadaling kinuha ang shoulder bag ko at bulaklak na ibinigay niya sa akin. "Uuwi ka na? Ihatid na kita, Babe,'' alok ni Dexter sa akin. "Huwag na, Babe. Thank you sa lunch. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Pasensiya na, Babe at emergency lang." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Dexter at mabilis na akong umalis. Nagtungo ako sa harap ng park. Mabuti at hindi naman sumunod sa akin si Dexter. Pagdating ko sa harap ng park sakto naman ang pagdating ng itim na sasakyan. Bumukas ang tinted window nito at iniluwa ang mukha ng asawa ko na galit. "Get inside the car!'' madiin pa niyang utos. Nataranta akong sumakay sa likurang bahagi ng driver seat. "Huwag mo akong gawing driver mo, Allysa! Lumipat ka rito sa harapan!" mahina niyang sabi, ngunit madiin. Padabog akong lumabas at pabalibag kong isinara ang pintuan ng sasakyan. Hindi pa ako nakuntinto sinipa ko pa ito. "Ano ba ang problema mo, ha?'' Mataas na boses kong wika sa kaniya. "Mag-seat belt ka! At itapon mo 'yang bulaklak na hawak mo, kung hindi ipapalunok ko 'yan sa'yo!" pagbabanta nito sa akin habang nakataas ang dalawa niyang kilay. Hindi ko tinapon ang bulaklak na hawak ko. Ano siya, hello? Isinuot ko ang seat belt sa aking beywang. "Ang kapal naman ng mukha mong patutukan ng sniper si Dexter. Napakawalang modo mo!" bulyaw ko sa kaniya nang ini-start niya na ang sasakyan. "Shut-up, kung ayaw mong ibangga ko itong kotse nang sa ganoon tumigil na 'yang bunganga mo, loquacious woman!" Lalo umusok sa galit ang ilong ko sa sinabi niyang iyon. "How dare you! Pinakikialaman ba kita nang ipamukha mo sa akin na mas mahalaga sa'yo ang babae ng pinsan ko? Nakakadiri ka!" mariin kong sabi. Lalo naman nitong binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan. Nang iliko niya ito ay bigla pa akong napatili at napahawak sa seat belt ko. "Ano ka ba? Gusto mo ba magpakamatay? Sulohin mo at 'wag mo akong idadamay," sigaw ko sa kaniya. Hindi na ito umimik pa. Subalit galit ang expression ng kaniyang mukha. Minabuti ko na lang manahimik. Isang oras kaming nagbyahe na walang imikan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil hindi naman familiar sa akin ang mga lugar na dinaanan namin. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang bahay na simple lang ang pagkayari at sa tabi pa ito ng ilog. "Anong lugar 'to, ha?'' tanong ko, pero hindi niya ako sinagot kundi bumaba lang siya at dumiretso sa harapan ng maliit na bahay. Bumaba na rin ako at sumunod sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero parang wala naman kaming kapitbahay. "Sa'ng lugar tayo, Gabriel? Bakit dito mo ako dinala?" nangangamba kong tanong sa likuran niya. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. "Narito tayo sa impyerno! Happy?'' pang-uuyam niyang sagot sa akin sa madilim niyang mga mata. Galit niyang hinawakan ang braso ko. "Gabriel, ano ba? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko. Binitiwan naman nito ang braso ko. "Dito ka na titira sa bahay na ito. At gagawin mo ang obligasyon mo bilang asawa ko," mariin nitong sabi sa akin. "Obligasyon? 'Di ba, napag-usapan na natin 'to na walang pakialaman? Ilang araw at gabi kayong magkasama ng babae mong 'yon, tapos susulpot ka na lang sa date namin ng boyfriend ko? At ang lakas pa ng loob mong tutukan siya ng sniper?'' Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya sa pambubulyaw ko sa kaniya. "Ikaw lang ang sumang-ayon sa desisyon mong 'yon. Saka wala tayong agreement na nilagdaan tungkol sa bagay na iyon, kaya itigil mo 'yang kahibangan mo sa boyfriend mo, kung ayaw mong tuluyan na siyang mawala sa landas mo!'' banta pa nito sa akin, kaya lalo akong nainis sa kaniya. "At bakit ikaw? Okay, lang sa iyo na makipaglandian sa malanding babaeng 'yon?" Bigla nitong hinablot ang braso ko at mariing pinisil. Napangiwi naman ako sa sakit. "Huwag kang magsalita ng masama laban sa kaniya dahil wala ka pa sa kalingkingan niya. Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa pinagbubuntis niya dahil sa kagagawan mo dahil kung mayroon, baka pareho ko kayong pagbuhol-buhulin ng pinsan mo. At isama ko na rin 'yang pinagmamalaki mong boyfriend!" wika nito sa akin saka binitiwan ang braso ko. Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo nang marinig kong buntis si Sheina. "Ang baboy mo! Binuntis mo pa talaga ang babae ng pinsan ko. Tapos ikaw pa ang may ganang magbanta sa akin ngayon! Walang hiya ka!'' Nangigigil kong hinmpas ang dibdib niya. Hindi man lang siya umilag. Sinasalo niya ang bawat suntok ko sa dibdib niya. Napaiyak ako sa galit hanggang pati sipon ko tumulo na sa sobrang inis. Hanggang sa napagod na ako sa kakasuntok ng dibdib niya at napasandal ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. "Bakit sa dinami-rami ng mga babae, bakit ang mahal pa ng pinsan ko, Gabriel? Bakit siya pa? Alam mo ba kong gaano kamahal ni Liam ang babaeng binuntis mo? Bakit sinira mo ang buhay nila? Bakit?" panunumbat ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang aking pag-iyak. "Kung wala kang alam sa mga nangyayari mabuti pa manahimik ka na lang, Allysa! Sayang lang ang luha mo. Hubarin mo 'yang suot-suot mong singsing na binigay sa'yo ng lalaking iyon at ibalik mo sa daliri mo ang wedding ring natin at engagement ring mo,'' utos niya sa akin. "Eh, kung ayaw kong tanggalin 'to may magagawa ka ba?" galit kong wika sa kaniya. "Okay, fine. Madali lang naman ako kausap, eh. Kung hindi mo ibabalik sa daliri mo ang wedding ring natin sisiguraduhin ko sa'yo na hindi mo rin masusuot ang singsing na 'yan na ibinigay sa'yo ng lalaking 'yon," galit nitong banta sa akin at hinila ang kamay ko ng mahigpit patungong kusina. Kumuha siya ng matalas na kutsilyo at ipinatong ang kamay ko sa lamesa, kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay ni Dexter sa akin. "Anong gagawin mo, ha? Bitawan mo ako!'' pagpupumiglas ko sa kaniya, ngunit ang lakas niya at wala ring silbi ang pagpumiglas ko sa kaniya. "Mamili ka, huhubarin mo ba ang singsing na 'yan at ibalik mo ang wedding ring natin o parehong hindi mo mapapakinabangan ang mga daliri mong 'yan?'' aniya na mukhang handang putulin ang mga daliri ko. Nataranta ako, kaya pumayag na rin ako sa gusto niya. "Oo na! Tatanggalin ko na. Bitawan mo na ang kamay ko.'' Binitawan niya naman ang kamay ko. "Bilisan mo!'' bulyaw pa nito sa akin. "Pero nasa mansiyon ang wedding ring ko," saad ko. May kinuha naman ito sa bulsa niya. "Ayan, isuot mo," sabay hagis ng dalawang singsing sa lamesa; ang wedding ring at ang engagement ring. Dali-dali ko namang dinampot ang mga iyon. Tinanggal ko sa aking daliri ang singsing na ibigay sa akin ni Dexter at isinuot ang dalawang singsing. Inagaw naman niya sa akin ang singsing na bigay ni Dexter. "Akin na 'yan!" Galit na hinablot nito ang singsing na ibinagay ni Dexter sa akin. "Ano ba? Akin na nga iyan!'' sabay agaw ko ng singsing sa kaniya, pero agad naman niya itong itinaas kaya hindi ko naabot. Dahil sa tangkad nito kailangan ko pang tumalon-talon para makuha iyon. Hanggang balikat niya lang kasi ako. "Tumigil ka! Mapapagod ka lang. Ihanda mo ang sarili mo dahil may mahalagang bisita tayo mamayang gabi," seryoso nitong utos sa akin. Hiningal ako sa ginawa kong pagtalon-talon. "Hayop ka!'' sigaw ko sabay bato sa kaniya ng flower vase na nasa tagiliran ko. Natamaan ko siya sa balikat. Huminto ito sa paglalakad. Kinabahan ako dahil nabasag ang flower vase ng bumagsak ito sa sahig. Dahan-dahan itong lumingon sa akin. Galit na mukha niya ang nakita ko. Lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib sa kaba. Walang ano man naglakad ito patungo sa akin. Umatras naman ako, pero ang bilis niya at agad akong binuhat at isinaklay sa balikat niya. "Gabriel, ano ba? Ibaba mo ako," sigaw kong wika sa kaniya at pinaghahampas ang likod niya, subalit para itong bingi at ipinasok ako sa isang silid na naroon sa loob ng bahay. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay na iyon. Pagbukas niya ng pinto ay pabalibag niyang sinipa ng malakas ang pintuan para magsara. Saka niya ako pabalibag na itinapon sa malambot na kama. Tumalbog pa ang katawan ko roon. "Inuubos mo ang pasensiya kong babae ka!'' galit nitong bulyaw sa akin. Bumangon naman ako ng mabilis. Kita ko sa mga mata niya ang galit na kanina pa niya pinipigilan. "Anong gagawin mo sa akin, ha?" kinakabahan kong sabi kaniya. "Don't be afraid, Honey. Papaligayahin lang naman kita. And i will make sure na mas gagalingan ko pa kaysa sa boyfriend mong talunan," pangungutya pa nitong sabi habang nakangisi sa akin. "Anong ibig mong sabihin, ha?'' naguguluhan kong tanong. Hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin. Agad naman ako nitong itinulak sa kama, kaya patihaya ako na bumagsak. Lalo akong kinabahan nang maghubad ito sa harapan ko ng pang itaas niyang suot. Kaya, napalunok na lang ako ng makita ko ang malapad nitong dibdib na may kaunting balahibo pa sa gitna at ang abs nitong nagpuputukan na parang mga pandesal. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakahubad ng pang itaas sa harapan ko sa ganoong sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lalong kumabog ang dibdib ko na parang mga tambol na nagtatambulan. At habang tinititigan ko siya, ngayon ko lang na-realize na napaka-guwapo pala niya. At ang matapang niyang mga mata at makapal nitong kilay at malagong pilik-mata na bumagay sa mukha niya. Ang matangos nitong ilong at ang mapupula nitong labi na siya lalong nagpapogi sa mukha niya. Hindi ko alam, pero biglang umiba ang t***k ng puso ko at nagpapakiliti sa tiyan ko. Bigla itong dumagan sa akin. "Gabriel!'' gulat kong sambit. Hinawakan nito ang magkabila kong kamay at nilagay sa uluhan ko, saka walang sawa niyang hinalikan ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD