Episode 2

1938 Words
Chapter 2 Allysa Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Ang sarap ng tulog ko sa sarili kong silid. Hindi ako nanibago o namahay man lang. Komportable ako sa bagong silid ko ngayon. Uminat muna ako ng kamay at katawan bago bumangon sa malambot na kama. Kumuha ako ng roba at nagtungo sa banyo para maligo at mag toothbrush. Gusto ko mag-usap kami ni Gabriel tungkol sa magiging sitwasyon naming dalawa. Pagdating ko sa banyo ay nag-shower na ako. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng dress na hapit sa beywang ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko sa blower pagkatapos ay nag-spray ako ng pabango na naroon sa drawer ko. May iba't ibang klase ng pabango roon, pero nagustuhan ko ay ang Channel 25 na brand. Bumaba na ako upang hanapin si Gabriel. Pagsapit ko sa baba ay naabutan ko itong nakapamulsa sa sala at may kausap sa cellphone. ''Okay! Sigurado ka ba sa information na nakuha mo?'' tanong nito sa kausap sa kabilang linya. ''Sige, basta alamin mo ang lahat tungkol sa kaniya,'' dugtong pa nito. Nakita niya ako at ngumiti ito ng malaki saka ibinaba ang cellphone. ''Oh, my beautiful wife, gising ka na pala," wika niya habang nakangisi sa akin. ''May gusto sana akong sabihin sa 'yo!'' seryoso kong sabi. ''Kumain ka muna at may inihandang pagkain si Manang para sa atin.'' Nagkibit balikat na lang ako at nagtungo kami sa mesa. May mga qnakahain ng pagkain roon. Umupo ako sa isang upuan at siya naman ay sa sentro ng mesa. Masaya ang mukha nito na para bang nakatanggap ng magandang regalo. Habang kumakain kami tinanong ko siya kung bakit panay ang ngiti niya. ''Mukha yatang masaya ka, ah?'' sabay kibot ko ng labi. ''Of course! May dapat ba akong ikalungkot?'' sarkastiko naman niyang sagot. ''Mabuti ka pa masaya. Samantalang ako naiimbyerna!'' pagmamaldita ko sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya. ''Bakit? Naninibago ka ba sa silid mo o baka naimbyerna ka lang dahil hindi kita tinabihan?'' Bigla pa akong nabilaukan sa sinabi niya. "Hoy! Pabor sa akin na may sarili akong silid kaysa tumabi naman ako sa 'yo, noh?'' sabi ko. Sumubo na lang ako ng pagkain para maibsan ang inis ko sa kaniya. ''Mabuti naman kung gano'n. Hindi kasi ako sanay na may katabing bungangera sa kuwarto ko,'' insulto pa nitong sabi sa akin. ''Ang kapal mo naman na sabihan akong bungangera. Oo nga pala, may gusto akong linawin sa 'yo.'' ''Ano 'yon?'' walang emosyon niyang tanong habang ngumunguya ng kanin. "Gusto kong bigyan mo pa rin ako ng kalayaan. 'Yong puwede ako makipag-unwind sa mga friends ko. At huwag mo sanang pakialaman ang personal kong buhay. Do whatever you want and i'll do whatever i want. Kung baga wala tayong pakialamanan sa isa't isa." Para naman itong bingi sa sinabi ko dahil patuloy lang s'yang kumakain at wala man lang reaksyon sa sinabi ko. "What else?" tanong niya bago uli sumubo. "Kung makipag-date ka sa iba hindi ako makikialam. At 'wag mo rin akong pakialaman kung makipag-date rin ako sa iba. Saka, huwag mo sana akong galawin dahil ang katawan ko ay para lang sa lalaking mahal ko at hindi ikaw 'yon!" Umangat ang mukha niya at tumingin sa akin na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko. "'Yon lang ba ang gusto mo, wala ng iba?" taas noo niyang tanong sa akin. "Oo, 'yon lang!" sagot ko. Nagkatitigan kaming dalawa pero kalaunan ay ako na ang bumawi ng tingin sa kaniya dahil hindi ko kaya ang makipagtitigan. "Do you have a boyfriend?" casual niyang tanong. "Oo, may boyfriend ako. Mabuti na 'yong alam mo. Atleast, honest ako at hindi niya alam na ikinasal na ako sa 'yo. Pero, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ko sa kaniyang tanong. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin niya. Basta, nasabi ko na sa kaniya ang dapat kong sabihin. Nakatingin lang siya sa akin na para bang binabasa niya ang bawat kilos ko. "So, ayaw mo sabihin sa kaniya na ikinasal ka na sa 'kin?'' tanong niya kasabay ng pagtaas ng kaniyang mga kilay na may pang-uuyam na tingin sa akin. "Kapag nagkita na kami ipagtatapat ko sa kaniya ang tungkol sa atin. Pero wala akong balak makipaghiwalay sa kaniya," mariin kong wika sa kaniya. "So, gagawin mo siyang kabit, gano'n ba?" Napanganga ako sa tanong niya. Kumibot ang pang-itaas niyang labi saka pinunasan niya ito ng table napkin at pabatong inihagis ito sa mesa. "Oo, wala akong paki kung kabit ang tawag do'n. Basta hindi masisira ang relasyon namin dahil lang sa kasal natin," sabi ko pa sa kaniya. "You're still a virgin or not?" walang preno niyang tanong sa akin. Namilog naman ang mga mata ko sa tanong niya kaya naisipan kong magsinungaling na lang. "Hindi na ako virgin and of course ang boyfriend ko ang naka-virgin sa akin," taas noo ko pang sabi sa kanya dahil gusto ko siyang inisin. Masakit naman na tingin ang ipinukol niya sa akin. "You're disgusting!" sabi niya sabay inom ng tubig at tumayo saka tumalikod sa akin. "Hoy, sa'n ka pupunta?" pasigaw ko na tanong sa kaniya. "Wala ka ng pakialam kung saan ako pupunta," wika nito saka lumabas sa dining area. Maya-maya ay narinig ko ang sasakyan niya na umalis. Napangiti ako dahil sigurado na nainis ko siya. "Hmmpp... Buti nga sa 'yo," sabi ko pa sa hangin. Tinapos ko na ang aking pagkain. Pagkatapos ay tinawagan ko si Crystal para yayain itong mag-shopping. "Oh, bakit napatawag ka?" bungad na tanong niya sa akin. "Yayain sana kitang mag-shopping. Boring kasi dito sa bahay.'' "Sige, dahil mag sa-shopping din ako. Dadaanan na lang kita mamaya," sabi nito sa kabilang linya. "Okay! Hihintayin na lang kita," tugon ko saka pinatay ko na ang aking cellphone. Umakyat ako sa taas para kunin ang shoulder bag ko at pagkatapos ay bumaba rin agad ako. Naabutan ko si Manang sa labas ng mansiyon na nagdidilig ng mga bulaklak. "Señorita, aalis po ba kayo?" tanong ni Manang ng makita ako. "Opo, Manang. Magpapasama lang ako sa kaibigan ko na mag-shopping." "Hindi po pala uuwi si Sir Gabriel mamaya. May pupuntahan daw po siyang mahalagang meeting." Nag kibit-balikat lang ako sa kaniya. "Buti naman kung gano'n at baka hindi rin ako makakauwi mamaya," masungit kong sabi kay Manang. Napasimangot na lang ito pero inirapan ko lang siya at hinintay ko na lang si Crystal. Maya-maya ay bumusina na si Crystal sa labas ng gate kaya dali-dali naman akong lumabas at hindi na lumingon kay Manang. Pagkstapat ko sa Mercedes-Benz ni Crystal ay pumasok kaagad ako sa loob ng sasakyan at naupo sa tabi niya. Siya kasi ang nagmamaneho. "Oh, ba't nakabusangot ka riyan? Kamusta ang love making mo kagabi, ha?" nakangiti niyang tanong sa 'kin habang pinapaandar ang sasakyan. "Hay naku! Tumigil ka nga riyan. Anong love making ang pinagsasabi mo?" nakairap kong sabi sa kaniya. "Sus, ito naman! Pa-inosente ka pa, eh. Ikuwento mo na sa akin kung may nangyari na sa inyo kagabi. Isinuko mo na ba ang bataan?" tanong nito sa akin habang tumatawa. "Hindi, no! May sarili akong kuwarto saka mayro'n din siya," sabi ko kay Crystal sabay ingos dito. Si Crystal ang matalik kong kaibigan at nakakaalam ng lahat ng sekreto ko sa buhay. "Hay, ano ba 'yan? Ang boring naman ng gabi niyo! Ano 'yon, tapos na ang kasal pero walang nangyari? Ang malas mo naman girl!" panunudyo pa nito sa akin. "Anong sayang ka riyan? Hindi ko pinangarap na makatabi siya sa kama, noh? Kung hindi lang sa mga magulang ko ay hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yon at alam mo naman na si Dexter ang mahal ko," sabi ko kay Crystal na nakangiti lang habang nagmamaneho. "Mas 'di hamak na guwapo naman si Gabriel kaysa boyfriend mo, noh? Saka, bakit ayaw mo ba kay Gabriel? Eh, guwapo na mayaman pa. 'Di mo ba alam na marami ang nagkakagustong maitabi siya sa kama tapos ikaw, pabebe ka pa?" sabay haba pa niya ng nguso. "Kung hindi lang kita kaibigan binatukan na kita, eh. Ayaw ko nga sa kaniya! Saka wala ako'ng paki sa mga babae niya," tugon ko naman. Kahit gano'n si Crystal ay mabait ito at mapagmahal. Para ko na rin siyang kapatid. "Naku, girl! Baka isang araw maghabol ka rin diyan sa asawa mo. Ikaw din, bahala ka," sabi nito sa akin. Umismid pa ito sabay tinirikan ako ng mata. Maya-maya lang ay huminto na kami sa tapat ng isang malaking mall sa Holand. Bumababa kami ng sasakyan pagkatapos niyang mag-park at pumasok sa loob. Nagtungo kami sa isang boutique na naroon. Pumili ito ng mga damit samantalang ako naman ay walang napili dahil hindi ko pa nasusuot ang mga damit na pinag-shopping ko bago ako ikinasal. Marami pa akong mga damit sa mansiyon ni Gabriel. May mga branded bags din ako. Napansin naman ni Crystal ang suot ko na bag. "Girl, ang ganda naman ng bag mo. Sa'n mo nabili 'yan?" tanong niya. "Sa cabinet ko ito kinuha sa mansiyon ni Gabriel. Kumpleto ang mga gamit ko roon. Malamang binili niya ito," kibit-balikat kong sagot kay Crystal. "OMG! Napakagalante talaga ni Papa Gabriel." Kinikilig pa niyang sabi at hinampas pa ako sa braso. "Umayos ka nga, para kang timang diyan!" saway ko kay Crystal. "Ang suwerte mo talaga, girl! Sana ako na lang ang pinakasalan ni Papa Gabriel. Pag-expired na ang relasyon niyo ibigay mo na lang siya sa akin, ha?" kinikilig pa ang bruha. Siniko ko naman siya. "Sira ka talaga! May expiration ka pang nalalaman diyan," sabi ko naman sa kaniya. Umingos naman ito at dumiretso na kami sa cashier para bayaran ang mga pinamili niya. Pagkatapos niyang magbayad sa cashier ay nagtungo naman kami sa isang restaurant para kumain. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang tungkol sa amin ni Dexter. "Besty, paano mo sasabihin kay Dexter na ikinasal ka na? Papaasahin mo pa ba siya?" tanong ni Crystal. Nagkibit-balikat muna ako bago siya sinagot. "Ano ka ba? Syempre, hindi! Pero, hindi ko siya hihiwalayan. Mahal ko si Dexter, Crystal. Hindi ko pa alam kung papaano ko siya haharapin," sagot ko. "Bakit hindi mo siya tawagan? Alam mo, Besty ako ang nahihirapan sa desisyon mong 'yan. Alam mo kung gaano kalakas ang puwersa ni Gabriel, 'di ba? Paano kung malaman niya na magtataksil ka sa kaniya?" muling tanong nito sa akin. Alam ko na tama si Crystal kaya napabuntong-hininga muna ako bago sinagot ang kaibigan ko. ''Alam na niya na may boyfriend ako. Balewala nga lang 'yon sa kaniya at sinabi ko pa na hindi na ako virgin. Sinabi ko rin na may nangyari na sa amin ni Dexter," tugon ko kay Crystal. Namilog ang mga mata ni Crystal sa sinabi ko. "What? Sinabi mo 'yon? Grabe ka, ha! Ano naman ang sabi ni Papa Gab?" tanong uli niya sa akin. ''Disgusting daw ako saka umalis siya. Mabuti nga 'yon, dahil naiinis ako sa kaniya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para lang mapapayag ang mga magulang ko na pakasalan siya.'' ''Hello, girl? Ang tsismis na nalaman ko kung kaya gusto kaagad na mag-asawa ni Gabriel ay dahil daw sa minamadali na siya ng mga shareholders niya sa negosyo. Kaya, hinanapan na siya ng mapapangasawa." Pagkatapos niyang magbayad ay idinaan na niya ako sa mansiyon. Ang katulong naman ni Gabriel ang naabutan ko na naroon at hindi nga umuwi ang asawa ko. Mas gusto ko pa nga na hindi siya makita, kaya tumuloy na ako sa kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD