Episode 1

2108 Words
Chapter 1 Allysa ''Congratulations!'' bati sa amin ng mga kakilala ng Daddy at mga kasosyo ni Gabriel sa negosyo. ''Thank you po,'' sagot ko. ''Napakasuwerte mo naman, Allysa. Dahil napa sa'yo ang isang sikat na bilyonaryo na may ari ng FGM Mall dito sa Holand. Bukod sa ilang branch nito sa Holland ay nagkalat pa ito sa ibang bansa," papuri pang sabi ng best friend kong si Crystal na siyang maid of honor ko. Napasimangot lang ako sa sinabi niya. ''Pero, nasaan na ang groom mo?'' tanong pa niya. ''Ewan ko! I don't care!" pagsusungit kong sagot sa kaniya. ''Mabuti pa samahan mo ako sa loob. Masakit na kasi ang ulo ko," yaya ko kay Crystal. ''Tara!'' sagot niya sa akin. Pumasok kami sa loob ni Crystal. Iniwan ko ang mga bisita sa reception area at pumasok sa isang silid na inarkila ng ugok kong napangasawa. Pagdating namin sa silid ay ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. ''Ano ka ba, best? Dapat inaasikaso mo ang mga bisita mo. Mamaya hahanapin ka nila Tito Herman at Tita Agnes,'' nakapameywang na sabi ni Crystal. ''Hayaan mo na sila ang mag- entertain sa mga bisita. Total sila naman ang may gusto nito, kaya bahala sila,'' sabi ko naman sa kaibigan ko. ''Eh, paano kong hahanapin ka ni Mr. Moore?'' tanong ni Crystal. ''Eh, 'di bahala siya. Isa pa, busy naman siya sa ibang mga babae. Gusto ko na nga umuwi, eh, at matulog na lang,'' naiinis kong wika kay Crystal. ''Hayzzz... Ikaw lang yata ang ikinasal na parang pasan ang mundo,'' sabi pa ni Crystal. Maya-maya ay nagbukas ang pinto ng silid na inokupa namin. ''Nandito ka lang pala! Alam mong marami pa ang mga bisita sa labas tapos ikaw pahiga-higa lang diyan?'' bulyaw ng baretonong boses sa akin ni Gabriel. Napaatras naman si Crystal nang umiksena ang ugok kong asawa kaya bumangon ako. ''Eh, 'di harapin mo sila! Total mga bisita mo naman ang karamihan doon," pagmamasungit kong sabi na nakataas ang kilay. Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng masakit at hinablot niya ang braso ko at inilapit ang labi nito sa tainga ko. ''Don't forget that you are my wife now. Kaya 'wag mo akong ipahiya sa mga bisita natin,'' bulong pa niya sa akin. Biglang nanayo ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga niya na dumadampi sa aking tainga. Agad akong tumayo at ngumisi naman siya at nagsenyas ng ulo niya na nagpapahiwatig na lumabas na kami. Si Crystal ay nauna ng lumabas na nakangisi ng nakakaloka. Inayos ko muna ang damit ko saka niya ako hinawakan sa kamay at pinulupot ang braso ko sa braso niya. Inirapan ko siya. ''Ang ganda mo, Mrs. Allysa Moore,'' nakangisi niyang sabi sa akin sabay kindat. ''Ang kapal naman ng mukha mo. Kung inaakala mo na mamahalin kita, p'wes nagkakamali ka!" Lalo itong ngumisi nang malapit na kami sa pintuan. ''Walang problema sa akin 'yon, my beautiful wife. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa akin dahil baka hindi kita masalo,'' sabi nito sa akin. ''Ha? Talaga? I will never ever fall inlove with you, Mr. Gabriel Moore." Matigas kong pagkasabi at inirapan siya ngunit ngumiti lang ito. Nang nasa labas na kami ay ipinakilala niya ako sa mga kasosyo niya sa negosyo at sa mga kaibigan niya. Ngumingiti lang ako ng kaplastikan sa mga iyon. Kung puwede lang na sipain ko siya ay ginawa ko na. Pero ayaw ko naman na mag-iskandalo dahil kahihiyan din iyon ng pamilya ko. Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang reception at nagsiuwian na ang mga bisita. Nasa kuwarto ako noon nang pumasok din sa loob si Gabriel. Nakabihis na ako no'n ng puting dress na hanggang tuhod ko. ''Bilisan mo na riyan at uuwi na tayo," wika nito na seryoso ang mukha. ''Sa bahay ako uuwi,'' pagmamatigas kong sabi. Tiningnan naman ako nito at ngumiti. ''Sa bahay natin tayo uuwi. 'Wag kang mag-alala at pinalipat ko na ang mga gamit mo sa bahay kaya roon tayo ngayon tutuloy,'' ani Gabriel ''Ayaw ko! Ayaw kong makasama ka sa iisang bubong!'' inis kong sabi. ''Huwag ka ng mag-inarte r'yan, Allysa. Sumama ka na sa asawa mo. Kaya, kailangan matuto kang sumunod sa asawa mo,'' biglang sabat ni Daddy na nasa pintuan na ito. ''Dad, puwede naman sa bahay na lang kami tumira,'' wika ko pa kay Daddy. "Allysa, mag-asawa na kayo ni Gabriel. Kaya roon ka na sa bahay niya titira!'' matigas pang sabi ni Daddy. Ayaw ko na makipagtalo pa kaya pumayag na ako. Dali-dali kong kinuha ang shoulder bag ko at padabog na lumabas. Napailing na lang si Gabrel at Daddy at sumunod na lang sila ni Gabriel sa akin. Huminto ako sa tapat ng sasakyan niyang lamborghini na kulay dilaw. ''Dad, dadalhin ko na ang anak ninyo sa bahay ko,'' paalam ni Gabriel kay Daddy. ''Sige, iho. Ikaw na ang bahala sa anak ko,'' sagot pa ni Daddy saka ito tumingin sa akin. ''Iha, huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang asawa mo. Matutunan n'yo ring mahalin ang isa't isa,'' wika pa sa 'kin ni Daddy. Mangiyak-ngiyak akong yumakap sa kaniya. ''Dad, puwede ba akong matulog doon sa bahay? Kahit isang beses lang sa isang linggo?'' tanong ko sa ama ko saka kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya. ''Anak, sa asawa mo na ikaw dapat magpaalam.'' '''Di bali na lang, Dad. Sige po aalis na kami.'' Saka sumakay na ako sa sasakyan ni Gabriel. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mommy dahil nauna pa itong umalis kanina para makipagkita sa kaibigan niya. Pakiramdam ko binibenta ako ng mga magulang ko sa lalaking ito. Palibhasa kasi ang laki ng utang nila Daddy kay Gabiel kaya lumalabas na ako ang pambayad. Pagkatapos magpaalam ni Gabriel kay Daddy ay umupo na ito sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan. Pareho kaming walang imik sa loob ng sasakyan. Nakatanaw lang ako sa labas at iniisip ko si Dexter ang boyfriend ko. Mahal na mahal ko si Dexter siya ang gusto kong maging ama ng mga anak ko hindi ang aroganteng lalaking ito. ''Kung iniisip mo na makaisa ka sa 'kin p'wes nagkakamali ka, Gabriel. Dahil hindi ako mapapa sa'yo sa gabing ito.'' Inis kong binalingan siya. Diretso naman ang tingin niya sa unahan at nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. ''Don't worry, honey. Hindi kita gagalawin hangga't hindi ka pa ready,'' sabi pa niya na walang reaksyon ang mukha. ''Mabuti kung gano'n,'' tipid kong sagot saka nanahimik na ako. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa isang exclusive subdivision. Magagara ang mga bahay na naroon at napaka istrikto ng security. Pagdating namin sa harap ng gate ng kaniyang mansyon ay kusa itong bumukas. Napamangha ako sa landscape na naroon. May mga magagandang orkidyas na nakahilera sa isang bahagi ng daanan at sa kabila ay may mga iba't ibang uri ng bulaklak. Hininto niya ang sasakyan sa parking area bumaba siya at tumuloy sa bukana ng mansiyon. Ang ugok kong asawa hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Kaya nagngingitngit ako sa sobrang inis sa kaniya. Kaya, kusa na lang akong lumabas at ibinagsak ng malakas ang pinto ng lamborghini niya at lumapit ng padabog sa kaniya. ''Makapagsara ka ng pinto ng sasakyan parang gusto mong sirain, ah,'' sarkastiko niyang wika sa akin. "Napaka-ungentleman mo kasi. Hindi ka man lang marunong magbukas ng pinto para sa asawa mo!'' mataray kong pang- uuyam sa kaniya. He smirk. ''Kusa ka naman pumasok kanina sa sasakyan ko, 'di ba? So, dapat kusa ka ring bumaba, tama?'' pang-iinis niya pang sabi sa akin. Sa inis ko sinipa ko siya sa paa. ''Aray! Allysa, ha! Napakasadista mo," nakangiwing sabi nito sa akin at hinimas-himas ang paa niya. ''Buti nga sayo!'' Papasok na sana ako sa loob nang sinalubong kami ng isang matanda. ''Señorito, narito na po pala kayo?'' tanong ng matanda sa kaniya. ''Manang Meding, ikaw na ang bahala sa babaeng 'yan at matutulog na ako.'' Utos ng walang hiya kong asawa sa matanda. Napanganga ako sa inasal niya. ''Señorito, ayaw niyo na po bang kumain?'' tanong ng matanda. ''Hindi na!" sagot naman niya saka pumasok na sa loob ng mansiyon. ''Magandang gabi, Señorita. Pasok na po kayo.'' Yaya naman sa'kin ng matanda. Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang malaking aquarium na may malaking isda na arwana. Ang ganda ng pagkadisenyo ng bahay niya. Mas maganda pa sa mansiyon ng pinsan kong si Liam. Pagpasok ko sa sala ay tumambad sa akin ang nakakuwadradong larawan na malaki na nakasabit sa pader. Isang magandang babae at isang batang lalaki na tantiya ko ay nasa sampung taong gulang ang batang lalaki. At isang cute na batang babae na siguro ay nasa isang taong gulang pa lamang ito. Siguro ang ugok na ito ang batang lalaki at siguro Mommy niya ang babaeng may kandong sa batang babae. ''Señorita, ano po ang gusto n'yong ihain ko sa inyo?'' tanong ulit ni Manang. ''Busog pa po ako. Gusto ko na rin matulog,'' wika ko sa matanda. ''Kung gano'n po ihahatid ko na po kayo sa magiging silid n'yo,'' saka iginiya ako nito paakyat. ''Ibig ba sabihin, may sarili akong kuwarto?'' nakangiti kong tanong. ''Opo, Senorita. Ayaw kasi ni Sir Gabriel na may katabi siya sa kuwarto niya. Kaya mayroon din po kayong sariling kuwarto.'' Paliwanag pa ng matanda. ''Hmmp... Buti naman, atleast hindi ko katabi ang lalaking iyon," sabi ko. "Bakit kaya ayaw niyang may katabi? Saka asawa ko naman siya?" tanong ko pa sa sarili ko pero masaya ako dahil hindi niya ako mapagsasamantalahan. Maya-maya pa ay dinala na ako ni Manang sa magiging silid ko. Pagbukas ng pinto ay napanganga ako sa disenyo ng silid ko. Mayroon itong malaking kama na may cover na kulay peach na bed sheet na napaka eligante. At mayroon din itong salamin na malaki at may malaking drawer na may mga iba't-ibang brand ng make-up at lipstick. Mayroong blower at plantsa na para sa buhok. At may sariling banyo rin sa silid na ito. Nilingon ko si Manang na nakangiti ng malaki. ''Manang, ito po ba ang kuwarto ko? Ang ganda naman, mas maganda pa ito sa kuwarto ko sa bahay,'' natutuwa kong sabi sa matanda. ''Opo, Señorita. Si Sir Gabriel po ang nagpaayos nito. Gusto raw po niya kasi na magiging komportable ka." Nakangiti namang sabi ni Manang. ''Salamat, Manang. Mag-shower na muna ako," wika ko. "Sige, Señorita. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo,'' wika naman sa akin ni Manang Meding. Paglabas niya ay nag-lock ako ng pinto at hinagis ko ang shoulder bag sa sofa na naroon sa kuwarto. Mayroon din doon na book shelf. Mahilig din kasi ako magbasa. Sinuri ko muna ang bawat sulok ng silid. Baka 'di ko alam na mayroong nakatagong cctv camera roon at baka masilipan ako ng lalaking iyon. Nang wala naman akong makita ay binuksan ko ang malaking drawer na lagayan ng mga damit. Tumambad naman sa akin ang magagandang kasuotan at mga nakatuping damit. Mayroon ding mga pantulog, may mga underwear at bra rin doon. "Paano kaya niya nalaman ang mga sukat ko?" tanong ko sa aking isipan. Sa kabilang bahagi ay binuksan ko naman ang isa pang aparador. May iba't ibang klase ng bag doon na mamahalin at iba't ibang brand. Napangiti naman ako. Sa isa pang aparador ay naroon ang iba't-ibang brand ng sandals at shoes. Pati iyon ay sukat na sukat din sa akin. Nabusog ang paningin ko sa mga gamit na naroon sa kuwarto ko. ''May kuwenta rin pala ang ugok na 'yon." Nakangiti kong sabi sa sarili at nagtungo na ako sa banyo para mag-shower. Kumpleto rin ang gamit sa banyo ko at mayroon ding bathtub. May laman ito ng gatas na may mga petals. Naghubad ako at inilublob ko ang aking sarili sa bathtub. Napapikit ako at dinama ang gatas na nakalukob sa aking katawan. Naisip ko si Dexter. Paano ko kaya sabihin sa kaniya na kasal na ako na hindi siya masasaktan? Paano ko sabihin sa kaniya na kahit kasal man ako ay siya pa rin ang mahal ko? Na puwede pa namin ituloy ang relasyon namin na kami lang dalawa ang nakakaalam. Nagpakasal lang naman ako kay Gabriel dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko. Pero kahit isang katiting wala akong nararamdaman para sa asawa ko. Hindi ko siya mahal. Si Dexter ang mahal ko at gusto ko kausapin si Gabriel bukas tungkol sa amin ni Dexter. Gusto ko sabihin sa kaniya na walang pakialamanan kahit mag-girlfriend siya ng ilan ay okay lang sa akin. Basta, huwag niya rin akong pakialaman. Kasal lang kami sa papel iyon lang ang nagpapaugnay sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD