“Kailan nga ang death anniversary ni tita Vis, Kian?” tanong ko sa lalaking kaharap ko, nasa cafeteria kami ng school ngayon. “Tomorrow, you want to come?” tanong niya sa’kin, ngumisi ako at tumango. “Yes” “Good, I’ll fetch you tomorrow, be ready before nine oclock, I’ll be at your condo at exactly nine oclock” sambit niy sa’kin, ngumiti ako at pinag patuloy ko na ang pag kain. “Ilang taon nang wala si tita Vis, Kian?” tanong ko sakanya, dahil masyado kaming tahimik dalawa. “Ten years” sagot niya sa’kin, ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya kaya hindi ko na pinilit pa. “Oo nga pala, may balak ka bang salihang booth?” tanong ko sakanya, umiling lang siya kaya napangiwi ako, ano pa bang aasahan ko sakanya? Lagi naman siyang walang sinasalihan, graduating na kami pero never