Habang sinusuklay ko yung buhaghag kong buhok ay napatitig ako sa sarili kong repleksyon. Tatlong araw na ang lumipas simula nang dalhin ako sa ospital ni Hernandez. At tatlong araw na rin akong naguguluhan sa nararamdaman ko.
Napabitiw ako sa hawak kong hairbrush.
Napapraning na ba ako?
"Bunso, kakain na!" rinig kong tawag sa kin ni Kuya Nevo mula sa baba.
Kaagad na itinali ko yung buhok ko. Pagkababa ko ay nakita ko silang tatlo na nasa mesa na at hinihintay na lang akong dumating.
"Okay ka lang Princess?" tanong sa kin ni Kuya Neon pagkaupo ko sa harap niya.
Ngumiti lang ako at tumango.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun yung inasal ko nang araw na yun.
I felt cold that day but when I held LV's hand, I felt better for some unknown reasons. Parang ang gaan lang sa feeling. I felt safe and warm.
Natigilan ako sa pagsubo ng kanin.
Siguro"Malamang Bess lalaki kaya yun." natatawang sabi niya.
Tangina kang babae ka. Nagawa mo pa talagang mag-joke.
"Ah, Ano... Alam kong medyo wala ako sa lugar para sabihin to pero tama si Ar, Nessie. Hindi masamang ipakita mo minsan na nasasaktan ka. Tao ka Nessie. You're not a freaking monster na walang pakiramdam." sabi naman ni CL.
Sandaling tumahimik ang buong kwarto.
"I know." Nessie sighed. "Pero kailangan kong itago ang lahat para hindi makita ng matandang yon ang kahinaan ko. Kung gusto kong matalo siya, kailangan kong tapatan siya."
Tatayo na sana siya kaya lang bigla naman siyang natisod kaya sumubsob siya sa kin na nakaupo pa rin sa sahig.
"s**t Nessie ang init mo talag grabe!" sigaw ko.
Pinilit kong tumayo para maalalayan siya, ang kaso ambigat ng babaitang to, di ko maialis.
Hihingi na san ako ng tulong kay CL pero bigla na lang nawala yung mabigat na nakasubsob sa kin.
And then I saw something I thought I'll never see in my life. LV was carrying Nessie in his arms like he was the knight in shining armor who just saved a damsel in distress.
nagdideliryo ka lang dahil sa lagnat mo ng mga panahong yun kaya ganun.
Napatango ako.
May sense naman. Siguro nga nagdidileryo lang ako nun.
Nagpatuloy na akong sumubo ng kanin.
Pero pano pag may ibang meaning pa pala yung feeling na yun? Shocks.
"Ahhh, Ness... May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya Nevo.
Napataas ang paningin ko at napansin kong pare-pareho silang tatlo na nag-aalala sa kin.
Napalunok ako sa kaning sinubo ko.
Itatanong ko ba o hindi?
"Ah, Kuya. Ano bang feeling ng in love?" tanong ko.
Sabay-sabay na nalaglag yung kanin sa bibig ni Kuya Nevo, nabilaukan si Kuya Nero, at naibuga ni Kuya Neon yung iniinom niyang juice pagkasabi ko nun.
"Ba't mo naman natanong yan?" umuubo pang tanong ni Kuya Nevo.
I shrugged my shoulders.
"Curious lang?" sagot ko na mukhang hindi naman nila pinaniwalaan.
Nagulat ako nang sabay-sabay silang nagsitayuan.
Ha? Anong nangyayari? Anong meron? Akala mo naman susulong kami sa kung saang gyera.
"Anong meron? Saan ang trobol?" tanong ko sa kanila.
Napatayo na rin ako sa mesa.
Nagda-dial na si Kuya Nero sa cellphone niya habang kababalik lang mula sa taas ni Kuya Nevo.
Nagtaka ako nang hawakan ni Kuya Neon yung magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya.
"Sino yang lalaking naglakas loob na pikutin ka?" tanong ni Kuya Neon sa kin.
Nagtagpo naman ang kilay ko
Nang marinig ko ang mga sinabi ni Arliza, I realized something. Nessie has been through a lot.
Na-realize kong hindi biro ang mga naranasan niya. I feel pity for her and at the same time, I kind of admire her for staying strong through all of that.
May narinig akong kalabog kaya napasilip ako sa loob.
"s**t Nessie ang init mo talaga grabe!" sigaw ni Arliza.
Kaagad na lumapit ako sa kanila and pulled Nessie off Arliza.
I carried her in my arms at itinakno siya palabas ng building at papunta sa parking lot. Pagkapasok ko sa kanya sa likod ng sasakyan ay dali-dali naman akong sumakay sa driver's seat. Pagkatapos nun ay pinasibad ko na agad ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.
"Ano pong nangyari sa kanya?" tanong nung nurse na sumalubong sa min sa emergency room.
"Sobrang taas ang temperature niya and I think nainfection yung sugat niya." sagot ko habang inihihiga siya sa isang bed roon.
"Ganun po ba? Teka lang po ha." aniya saka ay lumipat dun sa katabing bed.
May isang lalaki na halos ka-edad ko lang ata ang nilalagyan ng dextrose. Inassist nung kausap naming nurse yung isa pang nurse na naroon.
Ilang nurse ba yung kailangan ng lalaking yan para malagyan lang ng dextrose?
Napatingin ako kay Nessie. She's curled up and seems to be shivering, and the stain in her uniform seems to be spreading and darkening every second.
"Miss, we need immediate attention here." naiinis na sabi ko sa nurse.
"Sandali lang Sir." she smiled. "Okay Jonas, para lang tong kagat ng langgam okay?" pasweet na sabi nung nurse dun sa lalaki.
Lalapitan ko na sana yung nurse pero biglang hinawakan ni Nessie ang kamay ko. Napatitig ako dun sa kamay niya.
"Dito ka lang." mahina niyang sabi.
Nakita kong naghahabol at nahihirapan na siyang huminga. Gamit ang isa kong kamay ay tinanggal ko yung first button ng blouse niya, baka sakali makatulong.
"Anong lalaki Kuya?" tanong ko sa kanya.
Wala naman akong tinanong na lalaki di ba?
"Ang first sign ng taong in love ay ang pagtatanong kung anong feeling kapag in love." sabi naman ni Kuya Nero na iponanlaki ng mga mata ko.
Susmaryosep!
"FREAKING NO!!!!" sigaw ko saka ay nagtatakbo papuntang kwarto ko.
In love? Ako? Kanino? Kay LV?!
NO!
- - -
Maaga akong gumising kinabukasan.
Naisipan kong pumasok ng maaga para hindi ako magisa ng mga utol ko kung da who nga ba yung 'boylet' ko.
Kagabi kasi katok sila ng katok kung sino ba daw yung lalaking yun. Nang magsawa na silang kumatok sa pinto ko ay inulan naman nila ako ng mga text.
Dahan-dahan akong bumaba at pumuntang banyo para maligo. Five minutes lang akong naligo pagkatapos ay dahan-dahang umakyat para magbihis.
Nang ready na ako ay dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Sa school na lang ako mag-aagahan.
Pagkalabas ko ng gate ay kaagad na napatakbo ako papunta sa direksyon ng highway. Pagkarating ng highway ay nag-hintay na ako ng jeep o di naman kaya tricycle.
"Wag kang aalis." dagdag niya pa.
Sa sobrang init ng kamay niya ay para akong napapaso. Pero hindi ko alam kung bakit di ko magawang alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Okay. Dito lang ako." sagot ko sa kanya.
Pagkabalik sa min nung nurse na kausap namin kanina ay kaagad niyang kinuha yung temperature ni Nessie. May mga tinanong rin siya tungkol kay Nessie na ako na ang sumagot.
"Kaano-ano ho kayo ni Ms. Aragaki?"
Natigilan ako sa tanong niya.
Anong isasagot ko? Alangan namang 'kaaway' yung isagot ko di ba?
"Sir?"
Napatingin ako ulit sa nurse.
"Ka---"
"He's my freaking boyfriend, Miss. So stop drooling and get this annoying noisy thermometer off of me." reklamo ni Nessie.
Mukhang nainis ata siya dun sa Nurse na puro pagpapa-cute lang yung nalalaman.
"A-Ah okay."
Pagkakuha nung nurse sa thermometer ay dali-dali siyang umalis.
Napalingon ako kay Nessie.
"Anong boyfriend?" bulong ko sa kanya.
"Trip ko lang asarin yung nurse. Tsura mo para maging bf ko." pagtataray niya.
Aalis na sana ako nang mapansin kong nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
Naramdaman ko na naman yung kakaibang feeling na naramdaman ko noong isang araw.
What the hell is wrong with me?