NANGINGINIG na humakbang si Zale para silipin ang ina sa loob ng kabaong. Napapikit pa siya nang makita ang mukha nitong halos hindi na makilala. Last day nito ngayon at bukas ay ililibing na ang ina.
“M-Mom…” usal niya sabay lapit ng nanginginig na kamay sa salamin kung saan kita ang mukha nito. Tumiim din mayamaya ang labi niya.
“Pangako, bibigyan ko nang hustisya ang pagkamatay mo, Mommy. Hindi ako titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto ko. Kung kinakailangang buhay ang kapalit, gagawin ko makuha lang kapayapaan sa aking puso.”
Nakiuyom pa ni Zale ang kamao. Kasabay niyon ang pagpatong ng isang puting sobre sa tabi ng kanyang kamay. Tiningnan niya iyon.
Napaawang siya ng labi nang mabasa ang nasa sulat. ‘Sundan mo ako, nasa akin ang kasagutan sa mga katanungan mo tungkol sa pagkamatay ng ina mo.’
Kaagad niyang hinanap ang naglagay niyon pero wala siyang ibang nalingunan sa likod o kahit man lang sa tabi. Ang tanging nakita niya ay an batang nagmamadali papunta sa labas.
Mabilis na pinunasan niya ang luha pagkuwa’y kinuha ang inilapag na sobre at mabilis na naglakad papuntang pintuan. Nagtatakang tumingin pa sa kanya ang ama at ang bunsong kapatid noo’y magkatabi.
“Sandali!” tawag niya sa bata. Lumingon naman ito pero sandali lang, muli itong naglakad nang mabilis.
Bata lang iyon kaya alam niyang kaya niyang mahabol.
Lakad-takbo muna siya dahil labas na ang kinaroroonan niya. Maraming sasakyan ang paroo’t parito.
Nang makitang walang paparating kabilaan ay tinakbo niya ang papunta sa kabilang side. Tanaw pa niya ang bata pero mabilis itong naglalakad. Kaya naman, tumakbo siya. Natanaw niyang lumiko ang bata sa kanto kaya lumiko din siya pagdating doon. Saglit pa siyang tumigil dahil hingal na hingal siya.
Bat kasi hindi siya nagdala ng sasakyan?
Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilaang hita pra kumuha nang suporta habang nagpapahinga. Nag-angat siya nang tingin. Tumigil din ang bata at tiningnan siya. Gusto talaga nitong sumunod siya. Kaya umayos siya nang tayo at ilang beses na nagpakawala nang hangin at nagpatuloy. This time, mabilis ang takbo niya pero bumilis din ang takbo ng bata.
Muling pumasok lumiko ang bata kaya binilisan niya ang pagtakbo. Nakita niyang huminto ang bata at humarap sa building na mataas pagkuwa’y pumasok doon.
Pero pagdating niya nakasara ang pintuan. Paano siya ngayon makakapasok?
Ilang sandali lang ay bumukas ang magarang pintuan. Kaya sinamantala niyang ang sandaling iyon, pumasok siya doon. Saka lang niya napagtantong abandonadong building ang pinasukan niya. Pero hindi niya masasabing lumang building iyon dahil mukhang mga bago ang mga gamit at maging ang interios ay mukhang bago din. Sabagay, gabi na. Baka nag-uwian na ang empleyado. Nilingon niya ang entrance.
Nasaan ang guwardya kung gano’n? Paano kung mahuli siya ng pulis dahil sa tresspassing?
Kaagad na hinanap niya ang bata. Napatingin siya sa elelavator nang bumukas iyon. Kaagad na nilapitan niya iyon. Natigilan siya nang makita ang bata na nakasakay doon. Pigil nito ang elevator kaya naman pumasok siya.
Napasapo siya sa bibig nang biglang nagkaroon ng usok sa loob ng elevator. Akmang lilingunin niya ito nang bumukas ulit ang pintuan ng elevator. At doon may pumasok na lalaki. Napaigik pa siya nang may biglang pumalo sa kanya dahilan para mawalan siya nang malay.
At nang magising si Zale, nasa harapan na ng isang lalaking balabas-sarado. Seryoso at talagang nakakatakot ang mga mata nito. Bigla niyang nailinga ang mga mata nang mapansing maraming nakapaligid sa kanya. Natigilan siya nang biglang magyukuan ang mga ito sa kanya. Kung ano ang kaharap niya kanina, gano’n din ang mga mata ng mga nakapaligid sa kanya. Para silang mga goons sa mga pelikula. Kulang na lang ay baril.
Napalunok siya nang mapansin ang baril na nakasuksok sa tagilian ng nasa likuran ng nakaupo na unang nabungaran niya.
“Masasanay ka rin sa paligid mo, boss,” anito pagkuway tumayo.
Bahagyang gumalaw ang kilay niya nang yumuko din ito sa kanya.
“Ikinagagalak kong makilala ka ng personal, boss.”
“S-sino kayo?” nauutal pa niyang tanong dito.
Ngumiti ang lalaking nasa harapan.
“Ninong Matias. ‘Yan ang tawag nila sa akin dito. Pagpasensyahan mo na boss sila, Mukhang napuruhan yata nila ang batok mo.” Napakapa siya doon. May plaster nga at may dugo rin sa kan’yang damit.
“A-anong kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ako tinatawag na boss?”
Tiningnan ng nagngangalang Matias ang lalaki sa kanan niya. Ilang sandali lang ay may inilagay itong bagay sa mesa at nakaharap sa kanya. Isa iyong box na may kandado. Sa tingin niya, gawa iyon sa bakal.
Sunod na inilapag ng lalaki ang susi ng box. Bahagyang umawang ang labi niya nang makita ang nakatatak sa susi. Pangalan lang naman niya. Zale Fonatana Russo.
Nag-angat siya nang tingin kay Matias. “B-bakit nakaukit dyan ang p-pangalan ko?”
“Nasa loob ang kasagutan sa mga katanungan mo, boss.”
Umisang lunok muna siya bago kinuha ang susi. Natuon muna ang mata niya sa marka na nasa ibabaw ng box. Letrang M.
“A-anong ibig sabihin ng M?”
“Markesa, boss.” Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Parang narinig na niya iyon pero hindi niya matandaan kung saan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang box gamit ang susi. Unang tumambad sa kanya ang pamilyar na larawan ng isang matanda.
“This is my grandfather,” aniya. Marami itong picture sa bahay nila Mommy. Bihira lang kami noon pumunta pero hindi naman pinagdamot sa amin ni Mommy ang mukha ng lolo niya
Tumango naman si Matias. “Siya nga. Si bigboss.”
Napakunot siya ng noo. May katanungan siya pero isinantabi na lang muna niya ang katanungan niya. Tumingin siya sa loob ng box.
Nakataob ang litrato kaya pinatihaya pa niya nang kunin iyon.
Napasinghap siya nang makita ang litrato ng isang bata. “Ako ‘to.”
“Mismo, boss.”
Sunod kong kinuha ang litrato pagkuwa’y ang isang seal na may nakaembosed na letrang M. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit pinapakita ng mga ito sa kanya.
Napako ang tingin niya sa isang litrato na natira. Kung hindi siya nagkakamali, paa iyon ng bata. Kinuha niya iyon at pinakatitigan. Kaparehas ng seal na nasa box na iyon.
“K-kaninong paa ito?”
“Sa ‘yo, boss.”
“What?! Pero wala akong markang ganyan. Kaya imposible!”
“Wala kang nakita dahil pinatanggal ng magulang mo. Pero hindi nila alam na matanggal man sa hindi, ikaw pa rin ang nakatakdang mamuno sa Markesa. Wala na silang magagawa doon dahil iyon ang nakatadhana sa ‘yo. Hindi ka pa man naisilang ay napupusuan na ang magiging anak ni Ma’am Naarah.”
Napailing siya. “A-actually, naguguluhan ako kung bakit niyo pinapakita ito sa akin. Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Nandito ako dahil dito.” Inilapag niya ang papel na ibinigay sa kanya kanina ng bata.
“Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari at kung sino ang pumaslang sa ina mo, sige, sasabihin ko sa ‘yo. Pero pagkatapos nang pag-uusap natin, dapat sagutin mo rin ako kung kailan mo balak maupo sa posisyong nakalaan sa ‘yo. Para maipakilala na kita sa konseho. Matagal ka na nilang hinihintay.”
Matagal bago siya nakaimik.
“S-sige. Basta nakadepende sa mga sasabihin mo ang magiging desisyon ko…”
NAPAPITLAG si Zale nang marinig ang matinis na boses ng sekretarya.
“Sir, naka-ready na po ang conference room. Kayo na lang po ang hinihintay.” Tumango siya kay Michelle matapos marinig ang sinabi nito.
Hinigit niya ang cellphone at inilagay sa bulsa. Siniguro niya ring naka-lock ang opisina bago lumabas. Iniiwasan niyang pumasok ang sekretarya o sinuman sa opisina niya nang wala siyang alam.
Napatigil siya sa paghakbang nang mapansin ang suit na hindi naka-button. Kita niya sa gilid ng mga mata niya ang pagtitig sa kanya ng sekretarya kaya nag-angat siya nang tingin dito.
“What?” aniya sa masungit sa himig. Napalakas iyon kaya napatingin din sa kanya ang ibang empleyado.
“W-wala po, sir.”
“Good.”
Alam niyang halos sa mga babae sa nasasakupan niya ay siya ang laging topic. Hindi dahil sa nagu-gwapuhan ang mga ito sa kanya, kung hindi dahil daw sa attitude niya. Masungit, manhid, at kung makasinghal daw ay dinaig pang nakapatay sila ng tao. Sayang lang daw ang pagiging magandang lalaki niya. Well, wala siyang oras para mag-explain ng sarili sa mga ito. Siya ang CEO sa kumpanyang ito kaya wala silang karapatan na kuwestiyunin siya. Pinapasahod niya lang ang mga ito.
Napatigil siya sa paghakbang nang may mapansing nakadikit na bubblegum.
“Michelle!” sigaw niya na ikinataranta nito.
“Ano ang ginagawa ng bubblegum dito? Naglilinis ba talaga ang mga janitor, or what?”
“Ah-eh, sir, itawag ko na lang po ulit sa agency na may hawak sa mga janitor, sir.”
“Better.” Nilingon niya ang mga empleyado. “Ayoko nang maulit ito.” Alam nila kung paano siya magalit kaya sunod-sunod na tango ang ginawa ng mga ito.
Bago siya pumasok sa conference room ay nagmamadaling sekretarya niya ang nalingunan niya. Marahil, tinawagan nga muna nito ang agency. Ang janitor kasi nila ay galing sa isang agency.
“ANAK, hindi ba napakalayo ng mga sina-suggest mo na mga lugar? Last time na pinuntahan mo, no power. Hindi ba mahirap mamuhay doon? Ba’t ‘di mo na lang hayaan ang mga staff ko sa mga ganyan?”
“This is what I love to do, dad.”
Marahas na napabuntonghininga siya. “I know, anak. Pero nagwo-worry ako sa kaligtasan mo. Hindi ka anak ng kung sino lang diyan. Anak kita. Anak ka ng Pangulo ng bansang ito.”
“Maingat naman po ako. Saka hindi pa na-public ang mukha ko kaya safe pa ako, Dad.”
“Hindi pa. Pero marami nang nakakakilala sa ‘yo. Sa pamilya natin.”
“Okay. Dagdagan mo na lang ang security ko, Dad. Okay na po ba ‘yon?” Napatitig ang ama niya sa kanya pagkuwa’y tumango din.
“Okay. Just tell me kung saan at ano ang mga activities mo sa susunod na location mo para mapaayos ko na ang lahat.” Napangiti siya sa narinig. Tumayo siya at niyakap ito nang mahigpit.
“Thank you so much, Dad. I love you,” pang-uuto pa niya.
Umiling lang ang Daddy niya sa kanya.
Nakangiting bumalik siya sa silid. Excited na naman siyang mag-ayos ng mga damit. Kakarating lang ng bagong maletang inorder niya, mas malaki kompara sa ginamit niya sa Palawan. Ngayon, Bicol naman siya. At balak niyang magtagal ng at least apat na buwan. May nakausap na siya na tutulong sa kanya pagdating doon kaya presensya na lang niya ang kulang.
Sa pagkakatanda niya kasi, isa ang islang iyon sa pinaka kaunting bumuto sa Daddy niya. Kaya sana maliwanagan ang mga isip ng mga ito tungkol sa Daddy niya. Kaya hindi siya aalis doon na hindi makikilala ang ama na isang mabuting Pangulo ng bansa.