Chapter 2

1615 Words
Kaya’s POV Oras na para gawin ang mission ko. Ako ‘yung tao na kapag ginusto kong gawin, gagawin ko. No one can stop me. “Hoy, Kellan, maghahapon na ah! Ano na, nasaan na ‘yung uniform mo na sinasabi mong pinagkaliitan mo na?” Kanina pa siya naghahanap ng uniform niya. ‘Yung uniform kasi ni tatay ay masyadong malaki sa akin nang sukatin ko ito kanina. Kapag sinuot ko ‘yun at napansin ng mga tao doon na hindi pakat sa akin ang uniform na ‘yon, maaga akong papalpak sa gagawin ko. At ayoko namang mangyari ‘yon. “Heto pala, nakita ko na. Akala ko nawala na eh,” sagot niya at saka kinuha sa aparador ang isang supot. Nilabas niya roon ang mga uniform niyang maliliit na sa kaniya. Napangiti ako nang makita kong halos saktong-sakto sa akin ang uniform na ‘yon. Agad ko itong inagaw sa kaniya. “Salamat. Maiwan na kita, wala na akong oras, malapit ng mag-agaw ang liwanag at dilim,” sabi ko. “Sandali lang, Kaya. Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot doon. Mag-usap muna tayo,” pigil niya sa akin pero hindi na ako lumingon o sumagot. Sabi ko nga, wala nang makakapigil sa akin. My father almost died, so I won’t let what Kohen did to him pass. Mabilis akong umuwi sa amin para maghanda. Malapit lang kasi ang bahay nila sa bahay namin. Wala na talaga akong oras. Pagdating sa bahay, hinanda ko na agad ang bagpack ko. Wala naman akong dapat dalhin, mga damit na pamalit lang ang need ko. Palabas na ako ng bahay nang biglang sumulpot si Kellan sa harap ng pinto ng kubo namin. “Sasamahan kita, mainam na ‘yung kasama mo ako. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ka doon. Para akong hindi lalaki kung hahayaan lang kita. Kung ayaw mong magpapigil, sasama na lang ako.” Ang sweet niyang pakinggan, pero pinili kong maging cold. Ganito naman kasi palagi si Kellan eh. Sweet sa lahat. Sometimes, you’ll just think that he likes you, but the truth is, he is just genuinely kind to everyone. “Papayag akong sumama ka sa akin pero huwag mo akong sisisihin kapag nahuli tayo at nawalan ka ng trabaho,” sagot ko sa kaniya habang naglalakad na papunta sa pinag-parking-an ko ng motor ko. “Bahala na. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa trabaho ko.” Napahinto ako sa paglalakad para harapin siya. Kinikilig na ako at ayokong nagiging tanga ako. Ayokong maramdaman ‘yung ganitong pakiramdam sa kaniya. Ayoko ‘yung nakikiramdam na lang palagi. “May gusto ka ba sa akin?” First time kong tinanong ito sa kaniya. Close naman kami, sobra. Pero nitong mga nagdaang araw kasi, biglang nagiging iba ang kilos niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang may nangyaring kung ano nung mag-inuman kami sa bahay nila nung birthday ng kapatid niyang babae na si Kylie. Bestfriend ko rin kasi ang kapatid niya, pero mas close kami nitong si Kellan. “P-parang,” maikli niyang sagot at saka ito hindi makatingin nang maayos sa akin. “Anong parang? Anong klaseng sagot ‘yan, Kellan?” Kahit ako nahiya rin bigla. Pakiramdam ko kasi ay may gusto na nga siya sa akin. “Nalasing ka ng sobra nung birthday ng kapatid ko. Ako ang nag-alaga at naghatid sa iyo pauwi dito. Nung ihiga kita sa kuwarto mo ng gabing ‘yon, hinila mo ako kaya nabuwal ako sa ibabaw mo. Naglapat tuloy ang ating mga labi. Nung una, hihiwalay na dapat ako kasi alam kong mali. Pero hinila mo ulit ako kaya muli kitang nahalikan sa labi. Nagpaubaya na lang ako dahil nalunod na lang din ako sa mga halik mo. Wala na akong nagawa nang magtanggal na tayo kapwa ng mga saplot.” Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang may nangyari sa amin. Nakakahiya. “Nag-s*x tayo nung gabing ‘yon, Kellan?” Sobrang bilis ng tibók ng puso ko. Hindi ko inaasahang may ganoon palang pangyayari. Bakit hindi ko manlang natandaan. Siguro nga ay lasing na lasing ako. “H-hindi naman. Pero parang ganoon na rin ang nangyari.” Napakunot ang noo ko. “Ang gulo. Paanong parang ganoon na nga ang nangyari? Hindi ko ma-gets, Kellan!” Napapalakas na ang boses ko. Nahihiya na rin kasi ako. “Sinubo mo kasi bigla ang pagkalalaké ko. Again, pinigilan kita kasi first time kong makaranas ng ganoon, kaya lang talagang malakas ka. Mas hindi ka nagpapapigil kapag lasing ka. Hinayaan na lang kita, nasarapan na rin naman ako eh.” Namumula na ang mukha niya sa lahat nang mga inaamin niyang mga nagawa namin. Sa oras na ‘yon parang gusto ko na lang tuloy lamunin ng lupa. Hiyang-hiya ako, sobra. “Putcha. Hindi na talaga tama sa akin ang naiinom ng alak.” Ako ngayon ang hindi makatingin nang maayos sa kaniya. Pinipilit kong tumawa, pero pekeng tawa ang nagagawa ko. “Ganoon lang naman ang nangyari. Hindi naman ako umibabaw sa iyo dahil sa ginawa mo pa lang na pagkain sa ari ko, nilabasan na agad ak—” “Enough, I don’t want to hear your story anymore. Nahihiya na talaga ako. Mabuti pa ay umalis na tayo at baka mahuli pa tayo sa kasiyahan sa barkong ‘yon.” Nanginginig tuloy ang mga kamay at tuhod ko habang nagmamaneho na ako ng motor ko paalis sa bahay namin. Dala-dala rin ni Kellan ang motor niya. Sa tuwing mapapatingin ako sa kaniya, hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na kinakain ko ang ari niya nung gabing ‘yon. Nakakahiya ako. Sobra akong nahihiya. Sa dinami-dami ng lalaking magaganoon ko, si Kellan pa talaga na matino, mabait at virgin. Ngayon, gets ko na kung bakit biglang nag-iba ang mga kilos niya kapag nagkikita kami. ** Isang luxury yachts ang tumambad sa amin ni Kellan pagdating namin sa location kung saan gaganapin ang birthday party ng gagong si Kohen. Napanganga ako sa laki at ganda ng yate na ito. Sa itsura palang ng yate niya, talagang ngang masasabi kong bilyonaryo ang lalaking ‘yon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pang ituloy ang plano ko o huwag na. Bigla akong nakaramdam ng takot. Kaya lang, narito na kami, kaya ilalaban ko na. “Kung hindi pala kita sinama, hindi ko alam kung paano ako makakapasok diyan. May idea ka ba kung paano tayo makakapasok sa loob ng yate na ‘yan?” tanong ko sa kaniya. “Iyan din ang naisip ko kaya talagang gusto kitang samahan. Masusungit at nanakit ang mga crew sa mga ganitong klaseng yate, lalo na’t boss pa ang may birthday ngayong araw. Kaya naman kung wala ako, talagang hindi ka makakapasok sa loob. Pero, tara, makakapasok tayo sa loob kapag kasama mo ako. Kilala ko ang lahat ng staff diyan.” Naglakad na kami palapit sa yate. Ang lamig dito dahil sobrang mahangin. Tumatama tuloy ang mahaba kong buhod sa balikat niya kaya medyo lumayo ako sa kaniya. Pansin ko na panay pa rin ang tingin niya sa akin. Nang malaman ko ang nangyari sa amin, nag-iba na rin tuloy ang mga kilos ko. May hiya na. Napakagaga ko rin sa part na ‘yon. Ilang beses ko kayang inisip na kainin ang alaga ni Kellan. Sabagay, kapag lasing ako, hindi ko na rin alam ang tumatakbo sa isip ko. Saka, kilala ko na rin ang sarili ko na kapag nakakainom ng alak, nag-iinit ang katawan ko at talaga namang naglilibóg ako. “Saan tayo dadaan, Kellan?” Wala talaga akong idea kung saan ang daan sa mga ganitong klaseng yate. “Sa super yacht, mayroong mga espesyal na daan at espasyo para sa mga staff o crew upang makagalaw nang hindi nakikita ng mga pasahero. Ang mga super yachts ay karaniwang mayroong mga kagamitan para sa crew areas, na nagbibigay daan sa mga miyembro ng crew na magkaruon ng sariling espasyo para sa pagtatrabaho at pamumuhay habang nasa dagat.” Napatango ako. Mabuti pala kung ganoon. Laking pasasalamat ko na lang talaga na narito siya at sumunod sa akin. Nang papasok na kami sa yate, nakita kong maraming tumango kay Kellan. Totoo ngang kilala siya rito. Mabuti na lang din at wala silang pakelam kahit kasama niya ako at hindi nila ako kilala. Sabi ni Kellan, kapag may hindi daw sila kilala na kasama ng mga crew, ang iniisip ng mga ito ay bagong crew ako dito. Kaya hindi rin pala masyadong mahigpit pagdating sa ganito. Ang laki-laki lalo nitong yate nang makapasok na kami sa loob. Manghang-mangha ako dahil ngayon lang ako nakatuntong sa ganitong klaseng sasakyan. Tumuloy kami ni Kellan sa crew quarters “Ang mga crew quarters ay mga pribadong silid-tulugan para sa mga miyembro ng crew. Nandito tayo sa silid-tulugan namin ng tatay mo.” Kaya pala napansin ko ang ilang pamilyar na gamit niya rito. “Lumabas ka na muna. Magbibihis na muna ako,” utos ko sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Seryoso ka na ba talaga sa gagawin mo?” Halata sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. “Nandito na tayo, Kellan. Hindi na ako aatras.” Bumuntong-hininga siya. “Mag-iingat ka, ah? Ayokong mapahamak ka. Kaya sana kung maaari, huwag mo nang ituloy ang gagawin mo. Delikado kasi. Sobrang delikado, Kaya.” Bago siya tuluyang lumabas sa silid-tulugan nila, isang malamlam na tingin ang pinakawalan niya sa akin. Don’t worry, Kellan. I’ll make sure you’re not involved in this. At sisiguraduhin kong maigaganti ko si Tatay sa kaniya. Humanda ka, Kohen, nandito na ako sa yate mo. I’ll make sure you won’t forget this night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD