Chapter 1

1230 Words
Kaya’s POV Hanggang ngayon kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil sa gagong lalaking ‘yon. Muntik na niya talaga akong masagasaan, mabuti at napreno niya agad ang magara niyang sasakyan. But he seemed foolish because he called me Vala earlier. Ako raw si Vala at pina-prank ko raw siya. Baliw ang puta. May sayad ata sa utak ang lalaking ‘yon. Ano ba naman kasing mukha ito? Napakarami kong kamukha. Natatandaan ko, may nakapagsabi na rin sa akin na kamukha ko raw si Selena Sinclair na sikat naman daw na fashion model sa ibang bansa. Ibang klase rin itong mukhang ito. Kahit na laking mukhang ewan na jologs eh, tila magaganda ata ang kamukha. I am in a hurry driving my motorcycle because Kellan, his co-worker, told me that my father was rushed to the hospital. Pagdating ko sa hospital, kahit saan na lang ay nag-park na agad ako ng motor. Alalang-alala na kasi ako sa tatay ko. Pagpasok ko sa loob, sa nurse station agad ang punta ko. “Nasaan po si Jose Santiago? Tatay ko po kasi ‘yon? Dito raw siya dinala?” mangiyak-ngiyak kong tanong sa mga nurse doon. “Wala pa siyang record eh. Tignan niyo na lang po sa ER o emergency room, baka naroon po siya.” Tumango ako. “Sige, maraming salamat.” Tumakbo agad ako sa emergency room. Sa labas nito, nakita kong nakaupo si Kellan na nakayuko. Hindi ko siya napansin kanina dahil nakayuko pala ito. I tapped him on the shoulder, causing him to look up at me. “Oh, Kaya, narito ka na pala.” Tumayo siya. “A-anong balita kay Tatay, Kellan? Ano bang nangyari?” “Kaya, aksidente niya kasing natapunan ng kape si Kohen Romano. Ayon, natanggal siya bigla sa trabaho. Sinesante siya agad-agad kaya nalungkot ito at nag-iiyak. Dahilan para mahimatay siya ma-stroke,” sabi niya kaya napaluha na ako lalo. “Nasaan siya ngayon?” Pinakalma muna ako ni Kellan. Pagpasok sa loob ng ER ay nakita ko agad si tatay. Nasa kama ito binibigyan ng pangunahing medikal na atensyon. May mga doktor at nurse na nagmamasid sa kanya at nagbibigay ng mga pangunahing pagsusuri. Hindi agad ako nakalapit dahil may mga tumitingin sa kaniya, pero naiyak agad ako sa itsura niya. Hinayaan ko na munang magamot siya ng doctor, lumabas na lang muna kami ulit ni Kellan at saka naupo. “Sino ba ang Kohen Romano na ‘yon?” tanong ko sa kaniya habang nagpapahid ng luha sa mga mata ko. “Ang amo namin. Ang amo naming bilyonaryo na may-ari ng barkong pinagtatrabahuhan namin ni Tito Jose.” “Napakawalangya niya. Aksidente lang naman ang nangyari, tinanggal niya agad sa trabaho ang tatay ko.” Napapahagulgol ako kapag naaalala ko ang itsura ni tatay sa loob ng ER. “Alam ba ng gagong amo ninyo na na-stroke si tatay at dinala rito sa ospital?” tanong ko pa. Mahal na mahal kasi ni tatay ang trabaho niya. Doon siya nakapag-ipon ng pambili ng lupa at bahay namin. Kaya mayroon kami maliit na farm na kung saan ay kami ni nanay ang nag-aalaga. Kaya naman ganitong medyo nagiging moreno na ang kulay ko. Pabor din naman sa akin ang farm na iyon dahil madalas ay doon ako nagsusulat. Tahimik kasi doon palagi kaya masarap magsulat. Isa kasi akong baguhang writer na nangangarap na magkaroon ng libro sa mga market. My dream is to become a famous author. “Hindi nito alam, kasi nung iyak nang iyak sa kusina si Tito Jose ay bigla siyang nawalan ng malay. Akala ko nakatulog o kung ano lang kaya nilabas ko na siya at ihahatid ko na sana sa inyo, pero nang makita kong kakaiba na ang itsura niya, tinakbo ko na ito dito sa hospital.” Maya maya ay tinawag na kami ng doctor. Sinabi nito sa amin na need ma-confine ni tatay. Marami ring test na kailangang gawin sa kaniya para malaman kung anong klaseng stroke o sakit ba ang mayroon sa kaniya. Kaya naman nag-fill up na ako ng mga information ni tatay sa papel para magkaroon na siya ng record dito sa hospital. Matagal nang server sa barko si tatay at kahit pa paano, may pera at ipon na siya. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na ikuha na rin siya ng private room. Deserve niya ang magkaroon ng ginhawang room. Para rin naka-aircon na siya. Laking pasasalamat ko kay Kellan dahil hindi niya ako iniwanan habang inaasikaso ang lahat dito sa hospital. Nakapamahinga na lang kami nang makarating na kami sa private room. Tulog si tatay at kakatapos lang gawin ang ilan sa mga test sa kaniya. “Kellan, gusto kong iganti si papa sa Kohen na ‘yon. Kahit isang araw lang ba,” seryoso kong sabi sa kaniya. “Eh, Kaya, delikado ‘yan. Baka mapahamak ka. Ano namang gagawin mo kay Kohen? Bilyonaryo ‘yon at nakakatakot.” “Uy, hindi naman ako papatay. Gusto ko lang ulitin ang ginawa ni tatay sa kaniya. Yung tatapunan ko ulit siya ng kape, ayos na ako roon,” sagot ko habang nakatitig sa nakakaawang tatay ko. “Ayoko, Kaya. Iba ang pag-iisip ni Kohen. Saka, hindi rin palagi ay naroon siya sa barko. Pero…” Natigil siya sa pagsasalita. “Pero?” “Birthday nito bukas. At doon gaganapin ang birthday party niya sa malaking barko.” Napatayo ako bigla. “Gagamitin ko ang uniform ni Tatay. Pupunta ako roon. Magpapanggap akong crew, igaganti ko lang ng isang beses si tatay, tapos okay na, titigil na ako. Ganoon lang.” “Kaya, natatakot ako para sa iyo eh.” “Kellan, kaya ko ito. Ako pa ba. Wala kaya akong kinatatakutan. Napasama ang tatay ko dahil sa kaniya kaya hindi ko palalagpasin ito. Saka, sakaling mahuli man ako. Sasabihin ko na rin sa kaniya ang nangyari sa tatay ko. Nang sa ganoon ay maintindihan niya kung bakit gaganti ako sa kaniya.” Wala nang nagawa si Kellan. Sa ayaw at sa gusto niya, itutuloy ko ang plano ko. Malaki rin kasi ang utang na loob niya sa amin. Pangalawang buhay na niya kasi ngayon ito. Noong maliit pa kami, muntik na siyang malunod sa ilog. Ako ang sumagip sa kaniya at ang tatay ko. Actually, kung wala rin si tatay noong araw na ‘yon, baka nadamay akong malunod. Ang tanga kasing sagipin nitong si Kellan dahil nagpupumiglas siya, hindi tuloy ako makalangoy ng maayos. Mabuti at naligtas kami ni tatay. Simula nang mangyari ‘yon, naging malapit na sa amin si Kellan. Si Kellan na isang chef ngayon sa barko. Actually ulit, si Kellan ang dahilan kung bakit napasok sa trabaho si tatay. Nung dumating na si nanay dito sa ospital kasama ang kapatid kong lalaki, umalis na kami ni Kellan para maghanda. Walang nakakaalam nito kundi kaming dalawa lang. Ayaw pa rin nga ni Kellan kaya lang kapag nagagalit na ako, natatameme na lang siya. Pag-uwi namin sa bahay namin, naghanda agad ako. Hinanap ko ang mga uniform ni tatay. Ang kagandahan dito ay medyo sakto naman sa akin ang uniform niya. Tinuro na rin ni Kellan sa akin ang mga bawal gawin doon. Tutulungan din niya akong makapasok sa malaking barko kaya sabay kaming pupunta roon. I will make sure that your birthday party, Kohen Romano, will be a joyful one. See you tomorrow, gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD