Nakatayo si Hygiean at nakatali ang dalawang kamay. Kumuha si Paullo ng tubig at ibinuhos sa mukha nito at nagkamalay naman siya. "Mabuti at nagising ka na!" kalmadong sabi ni Paullo. "Tarantado ka!" dagdag pa nito, at namimilipit si Hugiean matapos suntukin ang kaniyang sikmura. "Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita, pero ahas ka pala!" Sabay suntok ulit ni Paullo sa kaniyang mukha. Tanging ungol at dain ang lumalabas sa bibig ni Hygiean. "Sino ka?! Sinong nag-utos sa iyo?!" galit na tanong ni Paullo. "Walang nag-utos sa akin! Hindi mo na matandaan ang batang pinapapatay mo noon?" "H-Hygiean?!" Gulat niyang sambit sa pangalan nito. "Oo! Ako! Buhay pa ako at nandito para bawiin ang mga ninanakaw mo at sisingilin sa pagpatay mo sa aking pamilya!" sigaw niya. Humalakhak si Paullo. "B