"Ayos na itong nabili natin bossing, dahil hindi masyadong kamahalan." "Tama ka, Dan. At maraming salamat sa tulong ninyo, lalo na sa iyo, Jonas." "Maliit na bagay lang iyan, bossing. Anytime para sa iyo nakahanda akong tulungan ka." "Thank you!" At tinapik-tapik niya ang balikat nito. SUMAPIT ang hating gabi at nakahanda na si Hygiean at ang kaniyang mga tauhan. Hinati-hati niya ang mga ito bawat sasakyan ay binigyan niya ng mga 'Handheld Woki Toki'. Upang may koneksyon sila sa bawat isa. "Handa na ba kayo?" tanong niya. "Handa na, bossing!" tugon nila. "Sumunod na lang kayo sa amin," aniya. "Okay bossing!" "Kasama niya si Dan sa isang sasakyan at ito mismo ang nagmamaneho. Sapagkat ay gusto niyang maprotektahan ang amo. Si Jonas naman ay nasa isang van kung saan priority