SIMULA

803 Words
SIMULA “You’ll only have 5 months to live.” Nang marinig ko ang mga kataga na iyon, wala manlang akong naramdaman. Walang kaba, walang pagkabahala, walang takot, walang lungkot. Ngumiti ako sa pinakamahusay na doktor sa harap ko. Ako ang mamamatay, pero sila ang umiiyak. Am I worth of those tears? As for me, I’ll live my life to the fullest on those remaining 5 months. Gagawin ko iyon na wala akong pagsisisihan sa huli; that I’ve lived my life happily and I’ll die with a satisfied smile on my lips. Tinanaw ko ang malinaw at bughaw na kalangitan. When I was young, I often wonder what is beyond those clouds. It must be amazing reaching those floating things, sit there and look down to the world. Well, mukhang matutupad ko na iyon. Malapit na. Ngunit sa ngayon, mabubuhay muna ako ng masaya na tila ba bukas ay hindi ako mamamatay. What’s the point of getting depressed over this? Ayaw kong mamatay na mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa. I have a happy life. I have my family and friends with me. There’s nothing to worry about. That day, I went out of the hospital with a smile on my face. Para sa may taning ang buhay, mas masaya pa ang mukha ko noon kaysa sa mga naka-confine roon. Dumaan pa ako sa parke at nakipaglaro ng basketball sa mga tambay kahit na bawal sa akin ang sobrang mapagod. Wala namang nangyari sa awa ng Diyos. Kumain ako sa isang café gamit ang huling allowance ko na natira sa akin para sa linggo na iyon. Feeling ko nga, may sini-celebrate ako noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit sobra akong tuwa. My friends called me and our school opening is about to start. The start of a new term. Our last year in highschool. Hindi ko siguro muna sasabihin sa kanila. I need to enjoy our last year. I don’t want them to worry. My friends, sila ang isa sa mga pinakaimportanteng mga tao sa buhay ko. Para ko na silang pamilya. They’re like an extension to my life. On my way there, I met you. Tahimik kang naglalakad, nakayuko, walang kabuhay-buhay. Naglakad ako sa likod mo, nakatitig lamang sa iyong likod. Iniisip ko noon kung sino ka nga ulit? Kung sa paaralan ka ba namin nag-aaral? Ngunit pareho ang daan na tinatahak natin kung kaya siguro nga. Nagtaka lamang ako dahil halos kilala ko ang mga mukha sa paaralan, ngunit parang noon lang kita nakita. Sumagi sa isip ko na baka transferee ka. Hindi kagaya ng ibang babae ay sobrang haba ng uniporme mo, halos lagpas na sa tuhod. Hindi ko alam kung bakit sa tirik ng araw ay nakasuot ka pa ng jacket samantalang ang init na nga ng uniporme natin. Laylay ang bag sa isa mong balikat na hindi ko alam kung may laman manlang ba. Sa kamay mo ay isang brown na notebook na mahigpit mong hawak. Sa kaoobserba ko sa iyo ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala tayo ng paaralan. Nawala lamang ang atensiyon ko sa iyo nang tinawag ako ng mga kaibigan ko na nag-aabang sa akin sa gate. “Nasaan na ‘yun?” I murmured nang sa muli kong pagtingin sa paligid ay wala ka na. “Sino? May hinahanap ka ba?” tanong ng isa kong kaibigan na si Hyacinth. “Iyong babae…” Nakisabay sila sa akin sa paglinga sa paligid. Sinabi ko pa ang deskripsiyon mo, pero wala rin silang nakita. I don’t know why we wasted our time looking for you, but you got me curious there for a second. Iyong feeling na may bago kang atraksiyon na nakita at hindi ka papigil hanggang hindi ka magsawa. Parang ganoon ang feeling. “Wala naman, eh! Sure ka ba na hindi multo iyong nakita mo? Sa tagal nating magkaibigan, mga ganoon pala ang type mo,” iiling-iling na sambit naman ni Mark. “Tara na nga, tara na nga! Mali-late na tayo sa opening ceremony,” the ever strict Franciz stated. Winaglit na lamang kita sa isip ko noon at nakaakbay na sumama sa kanila papasok sa paaralan. As the wind swayed those leaves and the clear sky shine on the sky, I didn’t know that, that short but simple meeting will be the start. Hindi ko akalain na noon ko na pala makikita ang rason ko para mabuhay pa. I never cried for my poor life, but leaving you behind will be the hardest part. Handa na ako noon, I am just waiting for death to come knocking at my door. Pero bakit kailangan mo pang makikatok para kuhain ang puso ko? I was never scared of dying, but seeing you cry because of me, that’s the scariest. Mahal kita… that’s why you have to smile and live for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD