Chapter Two
-Uno/Callix-
"Uno, please patawarin mo ako nagawa ko yon dahil sa nangailangan ako ng pera nasa hospital ang nanay ko kailangan ko talaga ng pangbayad sa doctor." Pagmamakaawa ng isang tauhan kong nahuli kong nagnanakaw sa kompanyang pinamana sa akin ng aking ina.
Walang salitang binaril ko lang ito sa ulo, wala akong panahon para makinig sa kasinungalingan nito. Alam ko na may sakit ang ina nito pero nasa bahay na ito at nagpapagaling. Hindi rin totoo na tumutulong ito sa magulang niya dahil nalaman kong matagal na nitong inabanduna ang mga magulang nito. Kaya walang saysay ang buhay nito kung bubuhayin ko pa.
Ganyan ako magparusa di naman ako masama dahil bago ko patayin ang isang tao inaalam ko muna kung dapat pa ba itong mabuhay o hindi na. Hindi ako kasing lupit mg aking ama, hindi iyon nakikinig kahit kanino maging katotohanan man o hindo.
"Uno, Your Daddy called that you need to go to Canada on the weekends for the next transaction with William Harris." Sambit ni Jayson nang makapasok ako sa kotse.
"Ok" Simpleng sagot ko lang dito, magiisip pa kasi ako ng dahilan kung ano na naman ang idadahilan ko kay Kendal dahil halos tatlong araw ako mawawala. Napahilamos pa ako dahil sa iniinip na akong makasama ko ito ng matagal.
Dalawang taon pa bago ito mag disiotso kaya naman binabantayan ko itong mabuti, dahil mahirap ng maunahan ng iba. At hindi rin naman ako papayag na maisahan at mawala sakin ang babaeng matagal ko ng binabantayan.
"School" Salita ko kay Jayson at pumikit na ako. Gusto ko lang makita ngayon si Kendal may practice kasi ito ngayon sa swimming kasali rin kasi ito sa darating competition sa school at isa ito sa gusto niyang gawin.
Hindi na ako nagdisguise dahil sa malayo ko lang naman ito titignan. Papasok na ako sa pool area nang marinig ko ang tilian ng mga kababaiha, ganito palagi sa tuwing pupunta ako dito. Pero wala akong pakialam sa mga ito kaya naman darecho lang ang lakad ko at isa lang din ang gusto kong makita.
Naupo ako sa dulo, pero kita ko parin ang nais kong makita. Umahon ito sa tubig at nakita kong nilapitan agad ito ng head coach, napayukom naman ang kamao ko dahil sa suot nitong one piece swimsuits na kulay red lumabas tuloy ang hubog ng katawa nito.
Gusto kong mamaril ng mga matang nakaringin dito, pero pinipigilan ko dahil alam kong matatakot lang ito sa akin. Pigil ang galit na tumingin ako ulit dito mabuti na lang at inabutan ito ng kanyang yaya ng robe para takpan ang basa ang maganda nitong katawan.
Titig na titig ako dito nang mapansin kong parang may hinahanap ito sa paligid hanggang sa magtama ang mata naming dalawa. Hindi ako nagpahala na nakakaramdam ako ng kaba sa tingin nito sa akin, masama kasi ang tingin nito at halata sa kilos nito na iinis siya na tinitignan ko siya ngayon.
Hanggang sa magpatuloy na lang ito sa pag practice at hindi na rin ako muling pinansin pa. Hindi rin naman ako umalis hanggang nasisigurado kong maayos itong nakauwi, buong araw lang akong makabantay dito.
Ni ayaw umalis ng mga mata ko dito. Pero napanatag ang loob ko ng makita ko itong nakapasok na sa kanilang mansion. At sumidhi ang saya sa aking sestima ng makita kong tumatawag ito sa akin ngayon.
"Where are you now?" Mataray nitong pagtatanong sa akin. Napapakagat labi naman ako dahil kahit na mataray ito magsalita kinikilig naman ako dito.
"Nasa bahay bakit?" Pinasimple ko lang ang sagot dito.
"I wanted to tell you something, because I know you're leaving now, right? Are you really three days in your province?" Pinalambing naman nito ang boses niya. Gusto ko man ito puntahan pero nasa airport na rin ako at papasok sa private plane na ako mismo ang may ari.
"Sorry! kaylangan ko talagang umuwi ngayon, pangako sa susunod isasama na kita sa amin." Sagot naman dito. Narinig ko naman itong natitili dahil sa sinabi ko. Matagal na kasi nitong gustong sumama sa akin, kaso puro lang ako alibay dito.
"Promise me." Natutuwa pang sigaw nito sa akin. Napapangiti naman ako sa kawalan dahil naiimagine ko kung gaano ito kasaya ngayon.
"I promise" Mahina pero buo ang pangako sa boses ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Kendal ay bumalik ako sa pagiging seryoso ko sa mga tauhan ko, kaya naman nagsiayos ang mga ito ng tayo at yumuyuko sa tuwing daraanan ko ang mga ito.
"Uno, big boss said that you should go to the hotel first to get ready because the transaction is tonight." Nakayukong sambit sa akin ni Harold ang isa sa mga tauhan ko sa tuwing aalis ako ng bansa.
"Ok, let's go to the hotel so we can get ready. I don't want it to be sloppy later. Is that clear Harold?" Sagot ko habang nakapikit at iniisip pa rin ang mukha ni Kendal.
Naramdaman ko na lang ang pag-alis nito kaya naman tuluyan na muna akong nagpahinga dahil tatagal pa ng ilang oras ang bayahe namin sa himpapawid.
Nangsumapit ang gabi ay nakarating na kami sa isang malaking bodega na kung saan magaganap ang isang transaction ng mga baril at iba pang armas na ginagamit sa pakikipaglaban. Nasa malayo ako at hindi ako basta humaharap lalo na kung hindi naman kaaya-aya ang kaharap ko.
Napapabuga na lang ako ng usok galing sa seragilyo ko ng marining ko sa mouthpiece na nasa tenga ko ang sinabi ng mga katransaction namin.
"Before we start I want to see your big boss? We know you're just staff, so we should just get to know him. Our transaction with you is a big deal so he should just deal with us." Nakangising sabi nito kaya Harold.
"It would be better if we end it properly and quietly. Because my boss doesn't want to be waited on by useless people." Baliwalang sagot naman ni Harold dito. Alam ng lahat ng tauhan ko ang gagawin nila, kaya naman hinayaan ko lang ang mga ito.
"It's true what I heard your big boss's men are brave. But how come I don't want this transaction to end quietly." Sagot naman ni William kay Harold. Maliwanag kong nakikita ang dalawa at makikita sa pagmumukha ni Harold na gusto na niya ito tapusin. Kaya naman kinausap ko ito sa pamamagitan ng mouthpiece na nasa tenga nito.
"Relax, i have a plan." Mahina kong sagot kay harold.
Nakita kong tumango ito kaya naman nag-ayos ako nang tayo at hawak ang baril na paborito ko ay isa-isa kong binaril ang lahat ng tauhan ni William ng hindi nito nalalaman.