ALEXANDRA CHLOE SARVANTES
Natapos din ang kailangan dapat ayusin at alam kong hinahanap niyo si Venus aka tanga kong pinsan -,-
Hard ba? Yun ang totoo kaya wag na kayo pumalag at ng hindi kayo masaktan tsk !
Nandito ako sa school, alam kong hindi kayo nagtatanong pero gusto ko lang sabihin wag na kayo umangal.
Pumunta ako ng council office at akala ko makikita ko si Venus pero ang makulit na Zhia lang pala ang makikita ko. Mukhang napansin naman ako nito at tumingin sa akin at biglang ngumiti.
"Hi Alex"masayang sabi nito sa akin at napataas naman ang kilay ko.
"Tss"sabay irap dito at pumunta sa desk ko.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Venus na madaming bitbit na mga papeles.
"Ano ang mga yan?"tanong ko agad dito ng mababa niya ang mga hawak niyang papeles.
Napansin ko ang kakaibang tingin nito sa akin at napailing na lang ako at alam ko na ang isasagot niya.
"Ah pinsan mga papel yan, hindi mo ba napansin?"takang tanong nito sa akin at narinig kong tumawa si Zhia at tinignan ko lang ito ng masama at pinigilan ang pagtawa nito.
"Alam ko, anong akala mo sa akin katulad mong tanga"inis na sabi ko dito at napa pout naman ito bigla sa sinabi ko.
"Ang bad mo talaga"sabi nito pero inirapan ko lang siya at tinignan ko ang mga dala niyang mga papeles.
Mga booth na gagawin lang pala at mukhang magaganda naman ang mga suggest nila.
"May napili kana ba na gagawing booth ng department niyo?"tanong ko dito habang nakatingin sa mga papeles at ilang minuto ang lumipas walang sagot ako narinig dito.
Kaya tinignan ko ito at napansin kong nakatingin lang ito sa mga papeles.
"Hoy, tinatanong kita"sabi ko dito at bigla naman ito napatingin sa akin.
"Ahh ako pala yung tinatanong mo pinsan akala ko yung mga papel eh hehe"tangang sabi nito sa akin na ikinabwiset ko lalo.
"Tanga mo talaga tss"sabay irap dito at lumabas na ng council room at baka mahawa ako sa katangahan na meron siya.
-----
VENUS ATHLEA SARVANTES
May saltik siguro si pinsan at hindi ko talaga alam kung saan siya pinaglihi.
Kakaiba siya eh, lalo na kanina kinakausap yung mga papel alam naman niyang hindi siya sasagutin nun.
"Venus labas lang ako ah"paalam sa akin ni Zhia at ngumiting tumango ako dito.
Nang makalabas siya ay binasa ko na yung mga booth na mga gusto ng bawat department.
Nakita ko ang department namin at nakita ko kung anong booth ang gusto nila.
Business Administration Department
Sweet and Cafe booth
Pwede na din at tinatakan ng accept ang department namin at tinignan ko naman ang sa kambal.
Psychology Department
Kissing booth
Inaaccept ko din at hinanap ko naman ang kay pinsan at nang makita ko ay ang name ng department niya.
Accounting and Economics Department
Marriage booth
Inaaccept ko na din at yung iba naman ay nabasa ko ang mga booth na gustong gawin nila may mga
Horror booth
Photo booth
Sweet booth
At marami pang iba at agad ko naman inaaccept dahil magaganda naman at ng matapos ko ay dinala ko na sa office ng president ng school.
President office
Hillario Santos III
Kumatok muna ako at ilang sandali lang ay bumukas na ito at sinalubong ako ng secretary niyang si Kuya Jay.
"Hi Good morning Ms. Venus"bati nito sa akin at bumati naman ako pabalik.
"Hi Kuya Jay pwede bang makausap si Mr. President?"tanong ko dito at ngumiti pa ako dito.
"Yes Ms. Venus and kanina ka pa niya hinihintay"sabay papasok nito sa akin at ngumiti naman ako para sa pasasalamat.
Nang makapasok ako ay nakita ko si Mr. Pesident at makikita mo na sa itsura nito ang katandaan dahil sa may mga puti na ang buhok niya at may iilang rinkles na din siya.
"Good Morning Ms. Sarvantes"bati nito sa akin.
"Good Morning Too Mr. President"bati ko din dito at nanalangin ako ng palihim na pauupuin na ako dahil ang bigat ng dala ko.
"Have a sit"sabay turo sa upuan at mabilis naman akong umupo.
"Natapos mo na ba ang pinagagawa ko?"tanong agad nito sa akin at mukhang wala siyang balak na paghingahin ako.
"Yes Mr. President and sasabihin ko na lang kay Ms. Alexandra Sarvantes na pwede na niya pasimulan sa bawat department ang dapat gawin"sabi ko dito at tumango tango naman ito.
"Thank you Ms. Sarvantes and you may leave"sabi nito at tatayo na sana ako ng bigla ako nitong pigilan.
"Ms. Sarvantes please wait"sabi nito at tumayo bigla at ilang sandali lang ay bumalik na ito na may kasamang babae na pamilyar sa akin.
"Nagkita na po ba tayo?"tanong ko agad dito at ngumiti naman ito bigla at may hawig siya kay Athena lalo na sa ngiti pero mas gusto ko pa din ang ngiti ni Athena.
"Ms. Sarvantes i want you too meet Atty. Aphrodite Saavedra one of the owner this school"pakilala ni Mr. President.
"Nice to meet you po"magalang na sabi ko at ngumiti naman ito sa akin.
"Nice too meet you again Venus"sabi nito at ng magsalita ito ay kaya pala pamilyar siya sa akin dahil siya yung nabangga ko.
"Hello po"bati ko dito at napansin ko na wala na pala si Mr. President.
"Hi"sabi nito at umupo sa tapat ko at napansin ko ang titig nito sa akin.
"Bakit po?"tanong ko dito at umiling lang ito.
-----
APHRODITE SELINE SAAVEDRA
Kaharap ko na ang asawa ng kapatid ko. Maganda nga siya at mukhang inosente.
Kaya siguro nainlove sa kanya ang kapatid ko dahil sa kainosentehan na meron ito.
Alam ko din na kasama sa last will nila mommy na kailangan bago mag 23 si little sis ay kasal na ito.
"Kamusta?"tanong ko dito at ngumiti naman ito sa akin at napangiti din ako nakakahawa ang mga ngiti niya.
"Ayos lang naman po ako"magalang na sabi nito sa akin at ngumiti ako dito.
May sasabihin pa sana ako ng biglang mag ring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.
Little sis Calling...
"Sasagutin ko lang"sabi ko kay Venus at tumango naman ito at mabilis na sinagot ko kahit nasa harap ko lang si Venus.
"Hi Little sis"bati ko agad dito.
"Big sis what are you doing?"cold na tanong agad nito at ngumiti naman ako.
"Talking to your wife"bulong na sabi ko dito at napansin ko ang curious na itsura ni Venus at ang cute niya.
"Leave her now big sis"may pagbabanta na sabi nito sa akin at ngumiti naman ako dito kahit hindi niya nakikita.
"Ayaw"parang bata na sabi ko at bigla ako nito binabaan ng phone.
Napailing na lang ako sa ginawa nito at tumingin ako kay Venus na hanggang ngayon ay nakangiti lang.
Magsasalita na ulit sana ako ng mapansin ko na biglang hawak ni Venus ang phone niya at nakangiti ito ng malaki.
Mukhang alam ko na kung sino ang tumatawag sa phone niya at napansin nito na nakatingin ako sa kanya.
"It's ok, answer na baka kung ano pa isipin ng tumatawag sayo"sabi ko dito at ngumiti naman na nagpaalam ito.
"Hello"rinig kong sagot nito at nakatingin lang ako sa kanya na nakangiti.
Anong magic ang ginamit mo para maakit ang kapatid ko sayo?
-----
ATHENA SAMANTHA SAAVEDRA
Nakakainis talaga si big sis dapat hindi ko na lang muna sinabi sa kanya eh.
Kausap ko ngayon si Venus at napangiti naman ako ng marinig kong sumagot ito.
"Hello"sagot nito at bigla nanaman bumilis ang heartbeat ko.
"Hi how are you?"tanong ko agad dito at nakangiti lang ako at kahit na hindi nito nakikita.
"Ayos lang medyo madami lang ginagawa lalo na next week na ang school festival"sagot nito sa akin at sa totoo lang ako ang may pakana kung bakit maaga ang school festival nila ngayon.
Dahil pupunta ako doon at isusuprise ko siya at alam kong madami pa ang masusuprise sa mangyayari sa araw na iyon.
Lalo na siya..
"Young lady your meeting is now ready"biglang sabi ni Celine sa akin at tumango naman ako dito sabay kausap ulit kay Venus.
"I call you again wifey i have meeting pa eh"paalam ko dito at sumagot naman ito na ikinagalak ng puso ko.
"Ok, wag mo kalimutan ah at i miss you, wag magpagod ah bye"sabi nito at sumagot ako bago ko ibaba.
"I miss you too, yes you too wag mag pagod din bye"sabay hung up na at tumayo na ako para sa meeting na meron ako.
Alam kong once na malaman na ng marami na kasal na ako ay marami ang magugulat lalo na sila...
-----
Author's Note
Masyado na ako nalilibang dito hahaxD
Kawawa na yung ibang stories ko :3 pero ayos lang hahaxD
Comment?
FantasyLover1499