school festival part 1

1064 Words
VENUS ATHLEA SARVANTES Kahit ayaw ko pa maagang pumasok ay kailangan dahil sa school festival na mangyayari. Isa pa kabilang ako sa student council at maniwala man kayo sa maniwala ako lang naman ang President habang si pinsan ay ang Vice President. Nagpatawag ako ng meeting ng buong school council dahil kailangan ko na sila masabihan sa magaganap na ito. Ilang sandali lang ay nagsidatingan na sila. Kasama ang kambal din sa council at ng makumpleto ay binati ko na sila. "Good morning, i have special announcement today and it's all about our school festival"pagsisimula ko. Nakita ko si pinsan na nagtaas ng kamay. "President nakagawa kana ba ng list kung sino ang mag aayos ng mga magiging booth ng bawat year level?"seryosong tanong nito sa akin at ngumiti naman ako dito. "Yes pero may iniba ako imbes na bawat year level ay per department ng college ang gagawin natin at kung sino ang pinaka magandang theme ng bawat booth ay may suprise"sagot ko dito at tumango tango naman. "Kailangan maiannounce na ito agad sa buong department dahil next week na agad ito gaganapin"pagpapatuloy ko pa at napataas naman ng kamay si Zyla ang secretary. "Ms. President bakit ang bilis ata? Baka mahirapan tayo niyan at alam ko naman na walang problema sa pera pero sa oras malaki dahil alam kong kukulangin lalo na sa pag prepare ng mga gagawing booth"sabi nito sa akin at ngumiti lang din ako bago sagutin ito. "Then make a magic may tiwala ako sa inyo at alam kong magagawa ninyo yan"sagot ko at wala naman ng sumagot at ng matapos ay pinadissmiss ko na sila. Naiwan lang dito ako, si pinsan at ang kambal. Napansin ko na mukhang may sasabihin sila sa akin. "Yes?"tanong ko sa kanila habang pinipirmahan ang mga gagamiting pera para sa gaganapin na festival. "Venus bakit parang minamadali ata ngayon ang school festival kahit na next month pa ito"tanong sa akin ni Zhia at napahinto naman ako sa ginagawa ko. "Yun din ang pinagtataka ko pero sumunod lang ako sa president ng school na ito"sagot ko at pinagpatuloy ang pagpipirma. "Hoy pinsan yung phone mo kanina pag nagriring"biglang sabi sa akin ni pinsan at napansin ko agad ang name ni Athena at napangiti ako napansin ko ang binibigay na kakaibang tingin nito pero hindi ko pinansin. "Sasagutin ko lang"sabi ko at bago pa sila makapagtanong ay lumayo na ako sa kanila. "Hello"sagot ko sa kabilang linya. "Hi"masiglang sagot nito at napangiti naman ako. "Bakit?"tanong ko agad dito at tinitignan ako nila pinsan ramdam ko. "Kamusta?"tanong nito sa akin. "Ayos lang ikaw? And i miss you"sabi ko bigla dito at napatahimik naman ito kabilang linya. "I miss you too wifey"doon ko na hindi mapigilan ngumiti ng malaki at napansin ko ang tingin ni pinsan na para bang sinasabi na may-eexplain-ka-sakin-look. "Bye wifey i call you later"sabay baba nito at binalik ko naman sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko. Pagbalik ko ay hinarangan ako ni pinsan na tinititigan ng mabuti at sinusuri ako. "Bakit pinsan?"takang tanong ko dito at bigla naman ito nagtaas ng kilay. "Sino kausap mo?"tanong agad nito sa akin at napangiti naman ako bigla sa sinabi nito. "Si Athena"totoong sagot ko dito at natigilan ito pero nagtanong ulit. "Bakit siya tumatawag sayo?"sunod na tanong pa ulit nito. "Wala lang, kinakamusta ako"sagot ko dito sabay punta na sa upuan ko dahil madami pa akong aasikasuhin. "Wala ng iba pa?"tanong pa ulit nito sa akin at tumango na lang ako. ----- ALEXANDRA CHLOE SARVANTES May napapansin na akong kakaiba kay Venus at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Tuwing gabi ko na lang siya naririnig na may kausap sa phone at napapansin ko din na kakaiba ang kislap ng mga mata niya. "Alex may napapansin ka din bang kakaiba kay Venus?"tanong sa akin ni Zyla at tumingin naman ako dito at alam kong may gusto siya sa pinsan ko sadyang manhid at slow isama mo pa na tanga si Venus. "Oo bakit?"mataray na tanong ko agad dito at ngumiti naman ito sa akin ng malungkot. "Wala naman"tipid na sagot nito at lumabas na ng office kasama ko naman ngayon ay si Zhia. "Ang init nanaman ng ulo mo"lambing na sabi nito sa akin at inikutan ko lang ito ng mata. "Wala kang paki alam"mataray na sabi ko at lumabas na din at napansin kong nakasunod pa din ito sa akin. "Stop following me Zhia May"madiin na sabi ko at hinarap ito pero ngumiti lang ito sa akin ng matamis at dahil sa inis ko tinaasan ko lang siya ng kilay at nilayasan ito. ----- ZHIA MAY VASQUEZ Ang taray niya talaga kahit kailan pero ayos lang hindi ako susuko hanggat hindi pa namin graduation. Tinignan ko na lang ito hanggang sa mawala siya sa paningin ko at ako naman ay pumunta sa mga department na naassign sa akin. Mabilis na nakuha ko ang mga gusto nilang booth at gagawan ko na lang ito ng report. Kailan ka kaya magiging akin Alexandra.. ----- ZYLA MAE VASQUEZ Nahuli na kaya ako? Hay bakit ganun? Ako naman ang nakakasama niya lagi pero hindi man lang niya nararamdaman na gusto ko siya. Ginagawa ko ang lahat para lang mapansin niya ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya. Alam kong inlove si Venus, masakit na malaman kong may mahal na siyang iba. Hindi ko alam kung paano niya minahal iyon pero alam kong hindi pa sila at alam kong may pag asa pa ako. Ang masaklap pa hindi ko naman kilala ang kakumpetensya ko sa kanya. Hindi sa assuming ako na may mahal na si Venus pero nakikita ko sa mata niya lalo na kapag nakakausap niya yung taong laging tumatawag sa kanya. Sisiguraduhin kong magiging akin siya hanggat hindi pa nagiging sila. Pero pag alam kong sila na ako na mismo ang kusang magpapaubaya. Pero nacucurious talaga ako kung sino yung lagi niyang katawagan at tuwing natatapos sila magtawagan ay ang laki ng ngiti ni Venus. Aalamin ko kung sino ito at ako na mismo ang gagawa ng paraan pero bago iyon aasikasuhin ko muna ang mga gagawin sa school festival. Habang may buhay may pag asa yan ang laging nakatatak sa isip ko. ----- Author's Note Nag update ako ngayon hahaxD Kaysa idraft ko ipublish ko na lang :) Pasensya na medyo sabaw hahaxD wala ako ngayon sa katinuan ko hahaxD Comment? FantasyLover1499
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD