TADDIAH's POV "AYUSIN niyo naman 'tong mga isinusulat ninyo, ang pangit na nga ng headline, ang pangit pa ng pagkakadeliver ng mga words ninyo. 'Yong totoo, writers ba talaga kayo? Gusto niyo bang ipaalam ko 'to kay Mrs. Pink?" Ibinagsak ko ang mga diyaryong hawak ko sa mesa. Sa sobrang lakas niyon ay nagdulot 'yon ng ingay sa loob ng silid. "Pa-Pasensya na po," Napabuntong-hininga na lang ako. "Oh, siya, ayusin niyo na lang sa susunod. Ayoko ng palpak, ha?" kalmadong sambit ko at bumalik na sa kinauupuan ko. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa mesa. Tumataas yata 'yong presyon ko dahil sa inis ko kanina. Paano ba naman, sinabihan ko na sila na gandahan nila 'yong headline at kabuuan ng kuwento ngunit hindi nila ginawa. Hindi nila makukuha ang mga mambabasa kung gano'n. "Mag kape