ISANG buwan din ang On-The-Job Training namin ni Tads sa ibang lugar. Iniisip ko si Yuji kung paano na siya kung wala ako sa apartment. Bakit ko ba iniisip ang kalabaw na 'yon? Matanda na siya at kaya na niya ang sarili niya. Hindi niya ako kailangan. Ano ba naman ang papel ko sa buhay niya? Isa lang akong simpleng babaeng malayo sa kalingkingan niya. Maingat kong pinupunasan ang lens ng camera ko. Inaayos ko na 'to sa bag nito upang makaalis na rin ako. "Eunri, mauna na kami, ha? Bye!" Napalingon ako sa dalawang babaeng kaklase ko. Kumaway naman ako sa kanila. "Bye! Ingat kayo," napangiti ako. Isinukbit ko na ang bag ko at saka lumabas ng silid. Bumagal ang lakad ko nang mapansin ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Ano bang nangyayari? "Waahh! Maglalaro ang Team ni Yuji at Zw