Chapter 4

4109 Words
Chapter 4 Lunchtime Walang kibuan ang lahat ng madre habang kumakain ng tanghalian sa kusina ng bahay ampunan. Nagtaka naman ang Mader Superior dahil dati rati naman ay masaya ang kwentuhan nila ng mga nangyayari sa bawat isa kapag nasa hapag kainan at puno palagi ng tawanan ngayon ay daig pang may namatay sa sobrang tahimik. Madre Superior:”Masarap itong pakbet na niluto mo Sister Carol nagustuhan din kanina ng mga bata” Sister Carol:”Salamat po Mader” Wala naman ibang nag react at tahimik pa rin ang mga ito na kumakain parang mga nagpapakiramdaman pa. Lahat ay seryoso lalo na si Sister China at Sister Cathy na parang imbyerna pa ang mga mukha ng mga ito habang kumakain at mga nakasimangot. Mabilis na tinapos ng mga ito ang pagkain ng tanghalian tapos ay tumayo na kaagad. Sister China:"Mauna na po ako Mader tatapusin ko pa ang mga lesson plan ko po saka gagawa pa po ako ng exam ng mga bata" Paalaam nito sa Mader superior. Halos hindi nito naubos ang kinakain. Bitbit nito ang pinggan at baso na pinagkainan at dinala na sa lababo. Sister Cathy:"Ako rin po mauna na. Aayusin ko pa po ang mga gamit ko baka uuwi po ako bukas sa bahay namin may sakit po kasi ang lola ko" tumayo na rin ito at sumunod kay Sister China. Tumango lang ang Mader Superior sa dalawa pero sinundan ng tingin. Nagtataka talaga ito dahil sa katahimikan ng mga kasamang Madre. Nagtitinginan naman ang mga natirang Madre dahil maski sila ay nagtataka wala naman gustong mauna na magsalita dahil ramdam nila na may hindi tama. Maya maya ay kinamusta naman ng Punong Madre si Santa na nasa tabi nito tahimik lang at wala rin imik ito na kumakain. Madre Superior:”Ikaw kamusta ka naman dito Santa?" Napatigil naman sa pagkain si Santa at malungkot na tumingin sa Punong Madre. Santa:"Ma-maayos naman po... sana" Madre Superior:”Sana? Bakit may problema ba?" Huminto ito sa pagkain sa narinig kay Santa. Santa:"Ka-kasi po..." tumingin siya sa tatlong madre tapos ay bigla siyang umiyak. Nagkatinginan naman ulit ang tatlo ng makitang umiyak ang babae. Madre Superior:”Napano ka? Bakit ka umiiyak Santa? Anong problema?" Napatingin rin ito sa tatlong madre na nagtataka naman ang mga itsura at napahinto na rin sa pagkain. Santa:"Mader, kasi po narinig ko po sila Sister Carol, Sister Cher at Sister Cindy na pinag-uusapan po ako.  Naghihinala daw po sila sa akin. Ako po ang sinisisi nila kung bakit nag away-away ang mga bata pati po sa mga nasirang gamit sa loob ng mga lalagyan ng santo ako po ang sinisisi dahil nung mula lang ng dumating ako dito saka daw po nagkaganun, Sabi pa po mamatyagan po daw nila ang mga kilos ko dito sa ampunan. Ang gusto ko lang naman po maging isang ganap na madre. Wala po akong alam sa mga nangyayaring gulo dito." Patuloy ang hagulgol niya nagulat naman ang tatlong madre sa sinabi nito. Imbyerna naman ang Punong madre at tumingin ng masama sa tatlo. Madre Superior:”Ano? totoo ba ‘yon?!" Tanong nito sa tatlo. Parang napahiya naman ang mga ito at nakayuko nalang. Santa:"Opo, aaminin ko ulila na ako talaga at lumaki rin sa bahay ampunan pero may umampon po sa akin na mag asawa, sila po ang may ayaw mag madre ako. Isa pa po hindi naman nila ako halos tinuring na anak dahil hindi naman nila pinagamit ang apelyido nila sa akin kaya parang hindi naman magulang ang tingin ko sa kanila" patuloy sa pag iiyak iyakan ang babae. Sister Carol: “Santa, sorry ha hindi naman namin intensyon na masaktan ka sa mga narinig mo" Sister Cher: “Sorry Santa kung narinig mo kami nag uusap tungkol sa iyo" Sister Cindy: “Sorry Santa hindi namin sadya" Inis naman na binitawan ng Madre Superior ang mga kubyertos na hawak nito. Madre Superior: “Kelan pa kayo naging mga chismosa at mapanghusga sa kapwa? May patunay ba kayo? Baka kaya parang galit yung dalawa may sinabi rin kayo sa kanila?" Sunod sunod na iling at pagtanggi naman ang tatlo. Tumayo na ang Madre Superior na nakabusangot ang mukha. Ayaw na ayaw nito kasi na may ganung issue sa loob ng ampunan sumunod na rin si Santa na tumingin muna sa kanila at saka iniwan ang tatlo. Sister Cher:"Hala siya! Wow! Nag sumbong with paiyak iyak pa!" Sister Cindy:"Sssshh! Ano ka ba? marinig ka niya!" Sister Carol: “Hay! iba talaga hinala ko sa babaeng iyan! Ang Galing magdrama!" Sister Cher:"Hay na ko! teka ano nga ba nangyari dun sa dalawa? Bakit pati sila parang imbyerna? Napano ba sila?" Sister Cindy:"Aba! ewan nga eh! Tara puntahan kaya natin ng malaman" Sister Cindy:"Oo sige” Nagligpit na ang tatlo tapos ay pinuntahan nila si Cathy na hindi naman gaano sumasagot sa mga tanong nila puro tango at iling lang ito at busy sa pag-aayos ng gamit medyo padabog pa nga ito kumilos kaya hinayaan na nila. Ganun din si China na hindi kumikibo at patuloy lang sa pagsusulat ng lesson plan pero ramdam nila na parang inis ang dalawa at walang gana makipag usap. Hindi naman ganito ang mga ito dati. Kaya lalo silang nagtataka kung napapano ang mga ito. Hinayaan na nila ang dalawa dahil mukhang banas ang mga ito. Pumunta na lang ang tatlong madre sa mga bata. Nadaanan nila si Santa na nasa opisina ni Madre Superior. Bakas sa mukha ng Madre Superior ang galit kaya lalo sila nabahala. Sister Cher:"Naku ano na naman kaya ang sinasabi niya kay Mader? Mukhang na High blood yung mukha ah!” Sister Carol:"Malalaman din natin ‘wag lang talaga gumawa ng kwento ‘yang si Santa naku at makakatikim na siya. Malay ninyo may sinabi ‘yan sa dalawa kaya parang galit sa atin" Sister Cher:"Siguro nga! Eh ano naman sasabihin niya?” Sister Cindy:"Teka Carol hindi ba may pinasa siya na biodata noon dito?" Sister Carol;"Oo, kaso nasa opisina ni Madre Superior bakit?" Sister Cher:"Tama! Kunin natin tapos icheck natin yung info na nilagay niya tulad kung saan siya graduate at saan ba talaga siya nanggaling. Para malaman natin kung meron siyang tinatago" Sister Cindy;"Sige okay 'yan! kaso paano? Baka mahuli tayo, lalo magalit si Madre Superior sa atin!" Sister Carol:"Basta mamaya, oras ng linis ng opisina niya ako ang nakatoka ngayon hahanapin ko yung folder niya tapos pipicturan ko saka natin basahin" Sister Cher:"Pipicturan? paano? May camera ka-- teka may cellphone kang tinatago?" Sister Cindy:"Diba hindi pwede ang cellphone? Hoy Carol! bawal diba? Meron ka?" Sister Carol:"Ssssshhh ano ba kayo! syempre patago lang kasi si mama gusto ko lagi makausap" Palusot nito. Sister Cindy:"Nge! weh? Mama ka diyan! May telepono naman kung gusto natin tumawag sa mga pamilya natin. Pwede ka rin naman umuwi ng sabado o linggo ang lapit lapit ng bahay mo dito oh! Isang sakay lang! Hay nako Carol huwag mo sabihin may communication pa kayo ng ex mo? Huwag kami Carol! umamin ka! Ano sagot? Tsk!" Hindi naman nakasagot si Carol. Nadulas siya tungkol sa cellphone na tinatago niya bakit kasi madaldal talaga siya. Tinatago pa man din niya na may cellphone siya dahil bawal sila gumamit sa loob ng kumbento dahil para malayo daw sa mga negative vibes at tukso. Oo aaminin niya nakakatext na naman niya ang ex-boyfriend niya na may asawa yung nakabuntis sa kanya noon. Ang Sabi nito kasi ay tuluyan na ito nakipag hiwalay sa asawa nito. Kaya tuloy napapaisip na naman siya tungkol sa relasyon nila. Inaalok kasi siya nitong pwede na silang magsama at ituloy ang relasyon noon. Minahal naman niya kasi talaga ang lalake at dahil naman dito ay kaya siya pumasok sa magmamadre. Sister Cher:"Ano ka ba? patay tayo diyan Carol! Ano kayo na ulit?" Sister Carol:"Ha? Hi-hindi noh!" Sister Cindy:" Carol, the fact na katext mo na ulit siya it means may something na sa inyo ulit! ano ka ba! Hindi ka na natuto!" Sister Carol:"Wait wait wait...teka...teka nga lang ang mahalaga muna sa ngayon ay malaman natin ang totoo kay Santa. Saka ninyo na problemahin ang tungkol sa ex-boyfriend ko. Yung pag-iimbestiga natin sa kanya ang unahin natin" Sister Cher:"Palusot pa ka! naku Carol ha! bahala ka nga! wala kami diyan" Sister Cindy:"Oo nga! pero basta kung kayo na ulit ng lalake na iyan ay lumabas ka na sa pag mamadre niloloko mo lang ang sarili mo kung magpapatagal ka pa dito. Pag-isipan mo na anong gagawin mo habang maaga pa!" Sister Cher:"Bakit mahal mo pa ba?" Sister Cindy:"Malamang! Kaya nga nakikipag text na ulit siya eh!" Hindi na sumagot si Carol hindi naman niya maintindihan ang nararamdaman kung mahal pa niya o natutukso lang siya ulit. Hindi nila alam na nasa isang sulok si Cathy at China na lalo nainis sa kanila sa narinig. Sister Cathy:"Hmp! tignan mo ate China akala mo ang lilinis nga mga iyan! Kung ano ano ang mga pinaggagawa nila!" Sister China:"Oo nga eh! Wag ka mag alala tayo naman ang mag chichismis kay Madre Superior ng plano nila at 'yang Cp ni Carol pati tungkol sa ex-boyfriend niya" Umalis na ang dalawa at pumunta sa opisina ni Madre Superior nasa loob pa din noon si Santa. Kinukwento nito ang mga nalaman sa bawat madre. Kumukulo na ang dugo ng Madre Superior. Pinapasok niya naman ang dalawang madre ng makita itong nakasilip sa pintuan dahil sabi ni Santa ay sinabi nito sa dalawa ang mga nalaman sa mga ito sa mga narinig na chismis ng tatlo. Pumasok naman agad sila Sister Cathy at Sister China sa loob at tumabi ng upo kay Santa sa harap ng Punong Madre. Sister China:"Mader, May sasabihin po kami" Sister Cathy:"Opo Mader tungkol po dun sa tatlo" Madre Superior:"Bakit? ano ang sasabihin ninyo?" Sister China:"Mader superior narinig namin na sila Sister Carol, Sister Cher at Sister Cindy na nagbabalak po nakawin ang biodata ni Santa mamaya kapag naglinis sa opisina po ninyo. Hindi po daw kasi sila naniniwala sa mga info na binigay ni Santa. Nag hihinala pa din po sila ng masama" Medyo nabigla naman si Santa sa sinabi nito tapos ay pumikit. Santa:"Mader, kunin niyo po ang biodata ko" Kinuha naman ng Madre Superior nag biodata ni Santa at inabot dito. Tinginan muna ito ni Santa at dinasalan sa isip tapos ay iniabot kay Sister China. Santa:"Sister China, maari mo bang tawagan ang Mga School at mga trabaho na nalalagay dito?" Pumayag naman ang Madre tinawagan lahat. Lahat naman ng tinawagan ay sumang ayon na may Santa Chavez na nag aral sa school at university maging sa mga kompanya ay sumang ayon din ang mga ito. Maganda din ng record niya sa mga ito. Napailing nalang ulit ang Madre Superior. Masaya naman si Sister China at Sister Cathy dahil sa nalaman na totoo ang records ni Santa. Santa:"Gusto ko pong hayaan ninyo sila na makita ang biodata ko para sila din mismo ang makaalam ng totoo. Ewan ko po bakit may mga ganyan tao mga madre pa naman pero ang sasama ng mga isip sa kapwa" malungkot na sabi nito. Madre Superior:"Pasensya ka na Santa palagay ko ay inggit sa iyo ang mga iyon maganda ka kasi at mukha kang anghel sa totoo lang." Sister China:"Oo nga Santa, parang dyosa ka nga sa ganda" Sister Cathy:"Hehe. Oo ate ang hinhin mo pa" Santa:"Naku maganda ka din Sister Cathy pwede ka nga maging artista. ikaw din Sister China at lalo kana Madre Superior " nagtawanan ang apat. Madre Superior:"Hahaha Oh siya! Huwag niyo na pansinin yung tatlo nayun mga matatagal na din kasi silang madre at hindi naman maiiwasan ang makagawa pa din ng kasalan pero huwag kayo mag alala hindi ko naman palalampasin ang mga ginawa nila" Sister Cathy:"Naku lalo po si Sister Carol... May cellphone po siya na tinatago mader" Madre Superior:”Ano? ano kamo? Cellphone? Nakompiska ko na noon ah!" Ilang beses na kasi nitong nahulian dati si Carol na may cellphone lagi naman itong nangangakong hindi na uulit. Sister China:"Opo may isa pa siyang cellphone na tinatago. Iyun nga daw po ang gagamitin niya na pang picture sa biodata ni Santa mamaya... pero Mader ang malala po niyan ay ano...” Madre Superior:"Ano?" nagtinginan ang dalawang madre. Sister Cathy:"Kasi Madre Superior mag ka text po sila ulit ng ex-boyfriend niya dati at parang sila na po ulit sa narinig namin na pag-uusap nila kasi sinisita nga po siya nung dalawa at sinasabihan na pagisipan niya ang gagawin kung sila na daw po ay tumiwalag na siya sa pag Mamadre" Napatayo naman sa gulat ang mader superior. Madre Superior:"Lintek! tumaas na naman nag dugo ko! Ginagawan niya ang kahihiyan ang kumbentong ito! Paano kung malaman ng mga nasa taas baka mapasara ma itong bahay ampunan!" Santa:"Huminahon ka mader kung plano po niya kunan ang biodata ko ay hulihin rin po natin sila para makastigo ninyo sa patong patong na po ng kasalanan nila" Sister Cathy:"Tama po, ang sabi po nila pag naglinis na siya dito sa opisina po ninyo mamaya saka niya kukunan" Madre Superior:"Kung ganoon ay maghanda din kayo mamayang 5 pm ang oras ng linis pumunta din kayo dito" Sumang ayon ang lahat at nagpuntahan na sa mga dapat gawin. Ngingisi ngisi naman si Santa. Mas natutuwa siya na nagkakaroon ng gulo sa loob ng kumbento. Alas 5 ng hapon Kakatapos lang magdasal ni Santa sa rebulto ng kambing na may tatlong sungay ng maramdaman niyang papunta na ang tatlong madre sa opisina ng madre superior. Napangiti naman siya dahil gustong gusto niya ang nangyayaring gulo sa loob ng ampunan. Nagdasal siya sa isip at tinawag ang Mader Superior na pumunta sa harap niya. Parang wala ito sa sarili na tulala ng tumapat sa kanya habang may binubulong dito na dasal. Biglang bumangis ang mukha nito at galit na galit na lumakad papunta sa opisina nito. Tatawa tawa naman si Santa na pumunta kila Sister China at Sister Cathy na kasalukuyang kasama ng mga bata at nag aaral. .......... Dahan dahan na pumunta sa opisina ng Madre Superior sila Sister Carol, Sister Cindy at Sister Cher. Wala naman tao sa labas kaya madali lang nakapasok ang tatlo. Naglinis kunwari ang dalawa habang si Carol ang abala sa paghahanap ng Biodata ni Santa. Sister Carol:”Saan kaya ‘yon tinago ni Mader?” Sister Cher:”Bilisan mo Carol baka biglang may pumasok na iba o baka bumalik na agad si mader sabihin tatlo pa tayo dito” Sister Cindy:”Oo nga, Badtrip na nga kaninang lunch ‘yun” Nakita naman niya iyon sa drawer at pinicturan nya ito. Nag thumbs up pa sa dalawang kasamahang madre ng matapos at itinago ulit sa cabinet ang biodata. Sister Carol:”Okay na mamaya natin tignan ang mga nakalagay” Tinapos na ng tatlo ang paglilinis at dali daling lumabas pero bigla sila nagulat dahil nakatayo sa labas ang Madre superior. Nakapamewang pa ito at parang inaantay lang silang lumabas. Madre Superior: "Sinong nagbigay ng pahintulot na makielam kayo ng gamit ko?! Nakita ko ang ginawa ninyo! Gawain ba 'yan ng matinong madre?! Ikaw Sister Carol bakit ka may cellphone?! Para saan?! Para sa kalandian mo?!" Nanlilisik ang mata ng Punong Madre. Galit na Galit ito sa ginawa ng mga madre. Hindi naman makatingin ang tatlo at nakayuko lang. Tulala ang tatlo sa nakitang galit sa Punong madre ngayon lang nila nakitang nagalit ito at nagtaas ng boses. Nanginginig pa ito sa galit at lisik na lisik ang mga mata. Madre Superior: "Hala sige! Tawagan mo ngayon ang mga nandyan para mapatunayan ninyo kung ano mang gusto ninyo mamalan!" Wala naman nagawa si Sister Carol kundi ilabas ang cellphone at isa isang tawagan ang school ang mga naging trabaho ni Santa. Hiyang hiya siya dahil sa bawat nakausap niya ay halos magaganda ang mga sinasabi  at feedback kay Santa at kinakamusta pa ito. Napaluhod nalang si Sister Carol at napaiyak ganun din ang dalawa pang madre. Tatlong madre: "Patawarin niyo po kami!" Sabay sabay na sabi ng mga ito. Madre Superior:"Hindi ako ang makasagot niyan! kung hindi si Santa!" Sumunod kayo sa akin!" Lumabas na ito kasunod ang tatlong madre na naiiyak. ........... Samantala Busy ang mga bata habang nag-aaral ng kumatok si Santa. Agad naman ito pinapasok nila Sister Cathy at Sister China. Tinigil muna ang lesson nakita kasi nilang parang kakagaling lang sa iyak ni Santa kaya tinanong nila kung napano ito. Sister China:”Oh napano ka Santa?” Sister Cathy:”Bakit ka umiiyak ate?” Napatingin muna si Santa na nakatingin lang sa kanila. Santa:"Kasi narinig ko na naman sila Sister Carol na nag-uusap bakit pa daw ba nag sasayang kayo ng panahon na turuan ang mga batang ito mga putok naman daw sa buho at mga patapon ang buhay. Dapat daw ay hayaan nalang sila sa lansangan dahil wala naman daw din patutunguhan ang mga buhay dahil walang mga gustong umampon. Nagpapagod daw lang po kayo sa pagtuturo pagnagsilakihan daw ay malamang mga wala rin silbi sa lipunan dapat nga daw mga hindi na sila pinanganak nalang" Agad naman uminit ng dugo ng dalawa. Sister China:"Ano? Kaya nga may bahay ampunan para maalagaan ang mga batang ito at hindi lumaking masasama" Sister Cathy:"Hmp! nakakainis talaga yung tatlong 'yon!" Pinaglaro muna nila ang mga bata dahil nawalan sila na ng ganang magturo pero ni isa ay walang tumayo parang nasaktan kasi ang mga ito sa sinabi na mga patapon lang sila. May nag-iyakan at nagpasubsob nalang sa mga upuan. Inalo naman ng dalawang madre ang mga bata at sinabing huwag mawalan ng pag-asa sa buhay. Jandi: "Huhu! totoo naman po . 7 taon na ako dito pero ni isa walang gustong umapon sa akin. Wala po talagang kwenta ang buhay ko" umiiyak nitong sagot. Ganun din ang sinabi ng ibang bata. Napapailing na lang sila Sister Cathy at Sister China. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Madre Superiora. Galit na galit pa din ito. Nasa likod nito sila Sister Carol, Sister Cher at Sister Cindy na umiiyak pa din. Narinig nila ang sinabi ni Santa. Alam nilang nagsisinungaling ito. Madre Superiora: "Mga wala kayong kwentang madre! Napaka sasama ninyo1 pati mga bata ay hinahawal ninyo! Dapat sa inyo parusahan!" Galit na sabi nito sa tatlo. Sumimangot naman sila Sister China at Sister Cathy ng makita ang tatlo. Pinapasok na ang mga umiiyak na bata sa mga silid ng mga ito habang pumunta naman sa ground field ang mga madre. Madre Superiora:"Santa, anong gusto mo na parusa sa mga walang kwentang madre na ito?!" Galit nitong sabo. Santa:"Mader bago ko po sabihin dapat ay mag bigay din ng parusa sila Sister Cathy at Sister China" Tumango ang Punong Madre. Sister Cathy:"Ako gusto ko mag rosaryo kayo maghapon pagsisihan niyo ang mga kasalanan niyo!" Sister China:"Oo nga magkumpisal kayo at ipangako niyo na hindi na kayo magchichismis at magsasabi ng masama sa amin, sa mga bata at sa ibang tao" Tumango namang ang tatlong madre na lumuluha. Madre Superiora:":"Eh ikaw santa?" Santa:"Hmm Ang gusto ko? Una kay Sister Carol gusto ko ay aminin mo sa asawa ng ex-boyfriend mo na naging kabit ka ng asawa niya tutal may cellphone ka di ba? Aminin mo na hanggang ngayon may communication kayo ng asawa niya kahit hiwalay pa sila o hindi basta umamin ka na ikaw ang naging kerida. Sa Tingin ko kasi ay hindi pa din alam ng asawa kung sino ang naging kabit ng asawa niya at nabuntisan noon. Kay Sister Cher? Hmm tomboy ka di ba? at may lihim kayong sekswal na relasyon ni Sister Cindy! Nakita din kitang may pagtatangi sa isang dalagita na bata dito dapat sa iyo ay ipakulong dahil nakita kong hinahawakan mo sa maselang parte ng katawan ang bata. Kaya ang gawin mo ay aminin mo sa Mga mataas na Pari at Official ng simabahan ang naging relasyon ninyo ni Cindy at sa Pulis naman ang ginawa mo sa bata dito at sa iyo naman Sister Cindy, Tulad kay Cher aminin mo ang naging bawal ninyong relasyon sa mga official at isa pa hindi ba meron ka na naman ulit matandang kinabitan? nakita kita ng hinahalikan nung matandang mayaman na nagpadala ng mga pagkain dito at nagbibigay ng mga luho mo kaya tulad kay Sister Carol aminin mo sa pamilya niya na kabit ka at ibigay mo dito ang mga pera na dapat ay para sa ampunan na kinamkam po mula sa matanda! Mga pera na dapat sa mga bata dito pero sinosolo mo" Tulala ang Tatlo sa sinabi ni Santa. Hindi nila alam kung paano nito nalaman ang mga sikreto nila. Maging sila Madre Superiora , Sister Cathy at Sister China ay nabigla rin. Madre Superiora:"Iyun lang ba santa?" Santa:"Hindi, meron pa po... gusto kong lumuhod sila sa munggo pagkatapos nila gawin ang mga inutos ko mula ngayon hanggang bukas ng gabi hindi sila kakain o tatayo man lang sa pagkakaluhod oara sa mga luhang ng mga bata dito sa ampunan" Napalunok sila Sister Carol sa sinabi ni Santa ang lupit nito. Wala silang nagawa kundi sunduin lahat ng inutos nito hiyang hiya sila sa mga pinagawa ni Santa. Galit na galit ang pamilya ng mga ito lalo ang mga catholic officials. Samantalang may kaso na nakahanda kay Sister Cher dahil sa pamomolestya nito sa isang dalagita. Nakaluhod na ang tatlong madre sa munggo sa labas ng field ng ampunan. Tuyo na ang mga mata nila sa dami ng niluha. Isang buong araw pa silang luluhod dito. Nagtataka naman sila dahil parang naging sunod sunuran ang Madre Superiora kay santa pati ang dalawang pang kasamahan na madre. ....... Tuluyan na kasing na hipnotiko ni Santa ang Punong Madre tulala lang ito habang nakikinig sa mga bulong ni Santa sa kanya. Tanging pag tango lang ang sagot nito. Hindi naman sinasadya ni Sister Cathy na makita ang ginagawa ni Santa sa Madre Superiora sa totoo lang naawa siya sa mga kasamahang madre parang sobra naman kasi ang parusa ng mga ito. Nagtataka na sumilip siya sa ginagawa ni Santa parang dinadaasalan kasi niya ito na hindi mawari. Naramdaman naman ni Santa ang presensya ni Sister Cathy napatingin siya sa pinto at nagulat pa ang madre na nakita siya ni Santa dahil nakatalikod ito. Santa:"Sister Cathy? Halika" Pumasok naman ang batang madre at lumapit sa dalawa. Maya maya pa ay dalawa na silang dinadasalan ni Santa. Parehong naging puro puti ang mga mata ng mga ito. ........... Hindi na kinaya ni Sister Cher ang hirap isa pa ay natatakot siya na makulong! Totoo na nagkaroon siya ng relasyon kay Sister Cindy pero hindi naman nagtagal dahil sadyang malandi si Sister Cindy at lalake pa rin naman ang gusto nito. Totoo rin na nagkaroon sila ng bawal na relasyon ni Melay pero 18 years old naman na ito kaya lang sa batas ay menor de edad pa rin. Pinakatago tago pa man din niya ang sikreto nila nito. Oo tomboy talaga siya pero tapat ang hangarin niya na maging madre natukso lang siya dahil pusong lalake siya at may pagkamalandi naman rin kasi si Melai. Tumayo na siya. Hirap na hirap na lumakad palayo sa mga munggo na niluluhuran nila. Sister Carol:"Hala! huy! Sister Cher! Bakit ka umalis?" Sister Cher:"Bakit? para saan ba ang pagpapahirap na ito? Eh ipakukulong naman din ako!" Sister Cindy:"Anong plano mo tumakas?" Sister Cher:"Ba-bahala na uuwi muna ako sa probinsya siguro" Sister Cindy:"Magtatago ka?” hindi na ito sumagot. Tumakbo ito papasok ng ampunan at naghakot ng gamit nito. Nakita naman siya ni Sister China. Sister China:"Sister Cher? Saan ka pupunta?! Tatakas ka?!" Nagulat siya ng makita na nasa likuran na niya si Sister China puro puti ang mga mata nito. Nabitawan niya ang mga gamit niya at tumakbo palabas. (Nadasalan na din kasi ni Santa si Sister China kaya pati ito ay nasaniban na din ng masamang espiritu) Takang taka naman sila Sister Carol at Sister Cindy dahil takot na takot na lumabas ng ampunan si Sister Cher putlang putla ito. Bigla itong tumawid. Hindi na nito nakita ang isang paparating na van at nahagip ito talsik siya sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa kanya. Sister Carol:"Cher!” Sister Cindy:"Cher! Cher!" Sigaw ng dalawang madre na nakaluhod parin. Bigla naman dumating sa kung saan ang mga pulis at nilapitan si Sister Cher. Nakita rin ng mga ito ang pangyayari. Hinuli ng mga ito ang lasing na Driver ng Van at isinakay na sa mobile. Nakatanaw sa bintana sila Santa habang nasa likod ang Punong Madre at sila Sister Cathy at Sister China tawa ng tawa ng mga ito. Habang takot na takot naman sila Sister Carol st Sister Cindy sa nasaksihan. Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD