Kabanata 10 Parang nerbyos si Lacey na bumaba ng kotse. Driver niya si Rodney, na isa sa mga sinasabing bodyguards ni Donya Smile. Pati na kotse ay ipinahiram na muna sa kanila hangga't hindi pa sila nakakabili ng bago. Hindi naman daw iyon madalas na gamitin. Wala talaga siyang masabi sa mag-asawang Valle na iyon. Napakababait ng dalawa. Nakatingin lang siya sa mga kaibigan niyang kandahaba ang mga leeg sa kakatanaw kung nasaan na siya. Lihim siyang napahagikhik habang nakatingin sa mga iyon. Tumingin siya sa rearview mirror. Nakatingin sa kanya ang binatang driver bodyguard, nakatitig kaya ngumiti siya. “Ilang taon ka na, Ma'am Lacey?” tanong nito, “kung walang masama na magtanong.” “Seventeen. Mag-e-eighteen na rin ako.” “Bata ka pa pala na sobra,” anito saka bumaba ng sas