Someone's POV
"Boss, are you sure about this?" Nathaniel asked me for the fifth time. I looked at him flatly.
"Yes, any problem?" I asked.
"But you don't know her, Boss." Nathaniel said.
"Niel have a point, Boss." Sabad ni Vincent.
Napailing na lang ako sa mga tauhan ko. They don't understand.
"Boss knows what he's doing. Leave it to him." Anthony said while busy looking at the monitor. Busy in hacking.
"Anthony has a point. Hindi naging big boss si Boss kung hindi niya alam ang ginagawa niya." Sabi naman ni Blaze na nakahiga sa sahig.
Tumingin ako kay Nathaniel at tumaas ang kilay ko. Tumaas ang kamay nito. I smirked. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair.
"Boss, saan ka pupunta?" Tanong ni Vincent ng makita niya akong papalabas ng pinto.
"I'm going out." I answered.
Damn! I need to see her. I miss her.
Lia's POV
Nagkatinginan kami ni Marion at sabay rin kaming tumingin kay Lex na kanina pa naka-ngalumbaba sa desk ng upuan nito. Ang layo ng tingin nito, parang nasa outer space. Nakatulala.
Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Marion. "Anong nangyayari kay Lex, Marion? Mag-iisang linggo na siyang ganyan?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat naman ito. "Naengkanto ba siya? Halika, tumawag tayo ng albularyo." Sabi ni Marion kaya binatukan ko ang baklang 'to.
"Ouchie!" Maarte nitong hinimas ang binatukan ko. Inirapan ko siya at pumunta sa harap ni Lex.
Namewang ako pero mukhang hindi niya ako nakita. "Hoy! Babae!" Sigaw ko sa mukha niya.
Mukha naman itong nagulat dahil biglang itong napaatras. "L-lia?"
Napairap ako, "ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko at humalukipkip. Tumabi naman sa akin si Marion.
"Mag-iisang linggo ka ng wala sa Earth, Lex." Sabi nito.
Tinulak ko si Marion. "Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Inis kong tanong.
"Wala sa Earth? Palaging nakatulala. Duh!" Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong magbabanyagan na naman kami.
"N-nangyayari? Ahmm ... wala naman." Alanganing sabi ni Lex kaya napataas ako ng kilay.
Nag-iwas ng tingin si Lex kaya alam kong nagsisinungaling siya. Bumuntong-hininga ito at nangalumbaba na naman.
"Lex, ano ba ang problema?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.
Umiling si Lex.
"Girl, sabihin mo sa amin ang problema mo." Sabi ni Marion.
"W-wala akong problema ..." Bumuntong-hininga na naman.
Tumingin ako kay Marion. Umiling ito. Hindi namin mapipilit si Lex na magsabi ng problema. Hintayin na lang namin na siya mismo ang magkusang magsabi ng problema niya.
Alexiz's POV
Pagdating ko sa bahay ay may nadatnan na naman akong pumpom ng bulaklak sa tapat ng pinto ng bahay. Kagagaling ko lang sa trabaho ko sa café ni Tita A. Napabuntong-hininga ako.
'Goodnight,Lex.' The card says.
I puffed a breath.
"Halos isang linggo ka ng 'stalker' ka, ha. Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ko sa kawalan at tumitig sa bulaklak.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at inilapag ang bulaklak sa center table kasama ang backpack ko.
Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng isang instant cup noodles. Nilagyan ko ito ng mainit na tubig mula sa thermos at bumalik ako sa sala. Tinignan ko ang suot kong wristwatch...9:50 PM.
Umupo ako sa mahabang sofa at i-on ang tv. Alam kong hindi na naman ako dadalawin ng antok.
11:00 PM.
Nag-ingay ang cellphone ko. May nag-text. It was the unknown number again. Napailing ako.
Ngayon lang na naman ito nag-text.
'Please, rest.'
Napatitig ako sa text ng unknown sender. Please, rest. When was the last time I heard those from someone? Uh, when my parents are still alive. My mom always say that to me even though she know that I had a hard time to asleep.
Ngumiti ako at napailing. Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at itinuloy ang panonood ko. Limang minuto ang lumipas ng mag-ingay na naman ang cellphone ko.
It was from the unknown number again. The same text message.
'Please, rest.'
I-off ko na lang ang cellphone ko. I know, the one who's texting me are watching my move. Alam niya kung ano ang ginagawa ko. Nakaramdam ako ng kaba. And this is not good.
Buong magdamag akong gising. Hindi ako dinalaw ng antok. Kaya buong magdamag akong nanood ng mga palabas sa tv.
I-off ko ang tv at umakyat ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis. Inayos ko ang suot kong uniform at tinali ang buhok ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Halatang hindi ako natulog.
Nang bumaba ako sa sala ay kinuha ko ang backpack ko sa sofa, isinukbit ko sa balikat ko at lumabas na ako ng bahay.
'Huwag niyo na akong sunduin dito sa bahay. May pupuntahan pa ako.' And I hit send.
Bahala na si Marion kung hindi niya mabasa ang text ko. Kunsabagay, 9 AM ang unang oras ng klase namin ngayon at siguradong tulog pa ang baklang yun.
May kailangan akong puntahan. Dumaan muna ako sa isang flower shop at bumili ng dalawang pumpon ng puting bulaklak.
Inilapag ko ang bulaklak sa dalawang magkatabing lapida. Hinaplos ko ang mga ito.
"Hi po, Mama. Papa. Kumusta na po kayo?" Kinakausap ko sila na parang kaharap ko lang sila.
"Mama, Papa. Sana masaya po kayo kung nasaan man kayo ngayon."
Tumayo ako. "Paalam na po. Dadalaw po ulit ako sa susunod."
Ngumiti ako at naglakad palabas ng memorial park. Natigilan ako ng makalabas ako ng memorial park, nakita ko na naman ang kulay itim na kotse. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob dahil tinted ang salamin nito.
Napailing na lang ako at pinara ang taxi na papalapit at nagpahatid sa university. Nang makarating ako sa university ay agad akong dumiretso sa room. Sinalubong ako ni Lia at Marion.
"Saan ka nanggaling, ha?" Nakapamewang na tanong ni Marion.
Napakamot ako ng ulo. "Sa memorial park. Makatanong naman to 'kala mo nanay." Sabi ko.
"Hoy,nag-alala kami sayong babae ka ..."umirap si Marion.
"Akala namin kung napaano ka na sa daan. Kanina pa na parang hindi maka-anak na pusa 'yang si Marion." Natatawang sabi ni Lia.
Natawa rin ako.
Pumasok na kami sa loob ng room at umupo ng may natanggap na naman akong text message from the unknown number.
'I was captivated by your lovely eyes and the sweetnest of your voice. Be ready.'
kumunot ang nuo ko. Maghanda? Para saan?