bc

Kidnapped by the Mafia Boss (COMPLETED)

book_age16+
81.9K
FOLLOW
405.7K
READ
kidnap
love after marriage
age gap
forced
goodgirl
independent
student
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kapag nagising ka sa hindi pamilyar na kwarto?

At biglang may papasok na gwapong lalaki at sinabi niya na gusto ka niyang pakasalan.

Syempre tatanggi ka. Hindi mo naman siya kilala 'di ba? At magtatanong ka kung bakit ka niya kinidnap?

At ang sinagot niya lang sa'yo, "I kidnapped you because I want you to be my wife, whether you like it or not."

Syempre tatanggi ka pa rin. Sino ba siya para gawin 'yon sa'yo? May paninindigan ka.

Pero may choice ka pa ba kung sasabihin niya sayo na buhay ng mga kaibigan mo ang magiging kapalit kung hindi ka papayag na pakasalan siya?

Mahal mo ang buhay mo at mahal mo rin ang mga kaibigan mo. At kung sakaling papayag ka na magpakasal sa kanya ay kalayaan mo naman ang maisasakripisyo.

Ano ang pipiliin mo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alexiz's POV "BYE,Tita Analiza!" Paalam ko sa may-ari ng café na pinagta-trabahuan ko. "Bye,Lex. Take care!" Part-timer ako dito sa café ni Tita Analiza. Mula pagkatapos ng klase ko ng two o'clock ay dito na ako dederetso para magtrabaho hanggang alas nuebe ng gabi. Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin malamig na hangin. Dahil malapit lang naman ang tinitirhan kong subdivision sa café ni Tita A ay naglakad na lang ako. Hindi naman nakakatakot maglakad mag-isa dahil may mga street lights naman at marami ring mga namamasyal. Pagkadating ko sa subdivision na tinitirhan ko ay pinapasok agad ako ng guard. Pagdating ko sa bahay ay inilapag ko ang bag ko sa center table at ibinagsak ang sarili ko sa sofa. I sighed. Kinuha ko ang remote na nasa tabi ko at i-on ang tv. Napanguso ako dahil walang magandang palabas. I-off ko ang tv saka ako tumayo at pinulot ang backpack ko sa center table at umakyat sa ikalawang palapag. I went to my room. Naglinis muna ako ng katawan bago ako humiga sa kama ko. I stared at the ceiling. Nagbibilang kung ilang butiki ang dumaan. Napailing ako dahil sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpa-gulong gulong sa kama ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Insomnia again. Tinignan ko ang orasan na nasa bedside table...12:05 AM. It was already past midnight. Then my phone rang. Kumunot naman ang noo ko. Sino naman kaya ang tumatawag sa ganitong oras ng madaling araw. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ng unan ko. Marion calling... Si bakla. Ano naman kaya ang sasabihin nito? "Hello?" "Tumawag ako dahil alam kong hindi ka na naman makatulog." I rolled my eyes, "hindi ba pwedeng nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ng cellphone ko." "Nah. Sa klase ng boses mo halatang hindi ka natulog." I chuckled. "Kilala mo na talaga ako." I said. "Duh! Magkaibigan na tayo mula pa mga bata tayo. Alam ko ang mga pinagdadaanan mo." Marion said. I sighed. "Anyway,bakit ka nga pala tumawag ng ganitong oras?" Tanong ko. Mas pipiliin pa nitong mag-beauty rest kaysa ang tumawag ng ganitong oras o hindi kaya... "It's about Lia..." "Bakit? Anong nangyari kay Lia?" I asked,worried. "Nagyaya na mamasyal daw tayo bukas. Linggo naman kaya gora ako,ikaw babae?" Akala ko naman kung may nangyari ng masama kay Lia. "Sige..." I answered. Anong meron at nagyaya ang babaeng 'yun? "Oh,sige. Itutuloy ko na ang aking beauty rest. Matulog ka na rin,bakla. Babush!" Pinatay nito ang tawag na hindi man lang ako pinagsalita. Napailing na lang ako. I sighed. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako ng living room. I'll just watch tv to pass the time. Hindi rin lang ako makakatulog. Until morning came,I'm still watching. Pinabayaan kong naka-on ang tv at pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng insant cup noddles sa cupboard at nilagyan ng mainit na tubig mula sa thermos. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa sala dala ang cup noddles at ipinagpatuloy ko ang panonood. Pagkatapos kong kumain ay pinatay ko na ang tv at umakyat ako sa ikalawang palapag. Pumasok ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan. Pagkatapos kong makapaglinis ng katawan ay nagsuot lang ako ng plain blue v-neck t-shirt at ¾ maong pants at rubber shoes. I tied my hair into a bun. Katatapos ko lang i-lock ang bahay ng may nag-doorbell at sinabayan nito ang pagtawag sa pangalan ko. "Alexiz Vergara!" Si Bakla. Umalis agad kami at pumunta sa bahay nila Lia. "LIADEL KAYE CHAVEZ!" Sigaw ni Marion sa kaibigan namin. Ang lakas ng sigaw niya. Mabuti na lang at bago pa siya makasigaw ay natakpan ko ang aking tenga kung hindi ay basag ang eardrums ko. Napailing ako. "Ang lakas ng sigaw mo. Mahiya ka nga sa mga kapit-bahay nila." I said. "Wala akong paki sa kanila. Ang mahalaga ay marinig tayo ng babaita!" He flip his imaginary long hair. I rolled my eyes. Tsk! Bakla talaga ang Marion na toh. "Pwede naman kasing mag-doorbell,bakla." Sabi ko at pinindot ang doorbell. "Lex,kahit makailang beses ka pang mag-doorbell diyan, hindi ka papansinin ng bruha. Sigaw na lang para pansinin niya tayo." "Bahala ka nga." I pouted. "Bulabugin natin ang bruha na nakatira dito." Napailing na lang ako. "LIA!" "LIADEL!" "HOY! LIADEL!" Pinabayaan ko na lang na sumigaw si Marion. "LIA---" Bumukas ang gate at lumabas si Lia. "Alam mo ikaw na bakla ka?! Ang lakas ng boses mo." Inis na sabi niya. "This is me,take it or leave it." Namewang si Marion or let say preferred niya daw ang matawag na Marian. "Oh,ano? Tara na?" Marion asked. "Oo ... pero teka ..." Tinignan ako ni Lia sa mata. Iniwas ko naman ang mata ko. "Hindi ka na naman natulog 'no?" I just smiled. Napailing si Lia. "Saan tayo pupunta?" Marion asked. Nauuna itong naglalakad kaya nakikita namin ni Lia ang umeebay-ebay nitong balakang. Nakatinginan kami ni Lia at mahinang natawa. "Sa Centro tayo." Sagot ni Lia. "Ano bang gagawin natin doon?" I asked. "Mamasyal. Syempre, treat ni Lia, siya ang nagyaya, eh." Sabi agad ni Bakla. "Yep ... it's my treat. Let's go." Naglakad kami palabas ng subdivision at pumara ito ng taxi. "Sa Centro po,manong." Pagdating namin sa centro ay si Lia ang nagbayad. Much money,kunsabagay,mayaman naman ang pinagmulan niyang pamilya,pareho sila ni Bakla. Nagsimba muna kami bago sila nagshopping dahil ako,wala akong hilig diyan. Ever Since,I hate shopping. I puffed a breath habang nakatingin sa dalawang kaibigan ko na nagbabanyagan kung ang susunod na pupuntahan nila. Hayyy... "Sa boutique tayo." Si Lia. "Bakla ka talaga, magpa-salon muna tayo." Si Bakla 'yan. "Sa boutique." "Salon." "Boutique." "Salon." "Bou---" pumagitna ako sa dalawa. kung hindi ko ang aawatin ang dalawa baka walang tigil ang banyagan ng mga ito hanggang hapon. "Para walang away kumain muna tayo. May McDo sila dito. Kanina pa ako nagugutom." I said. Humalikipkip ako at tinaasan sila ng kilay. Nagkatinginan ang dalawa. "Kumain muna tayo." Sabi ni Lia at nagpatiuna na. I smirked. Pero napatigil ako sa paglalakd ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Pasimple akong tumingin sa paligid ko pero wala naman akong nakitang nakatingin sa akin. I sighed. Who could it be?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
620.0K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.6K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.7K
bc

Chained By the Mafia Lord (Mafia Series1)

read
488.1K
bc

Owned By The Mafia Boss

read
620.8K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.6K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
327.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook