Nandito kami ngayon ni Daddy sa balcony at humihigop ng masarap na kape. Ito ang bonding namin araw-araw na talagang mamimiss ko. Di ko na Kasi ito magagawa kapagkasal na kami ni Hurry dahil doon na daw kami titira sa bahay nila.
Maingat kong binaba ang tasa ng aking kape at humarap kay daddy na kasalukuyan nasa labas parin ang tingin. Naging mahina ang pa ngangatawan ni Daddy nitong mga nakararaan taon.
Simula ng umalis sila Mommy at Ate Ara ang aking kakambal. Naging malungkot si Daddy at laging umiinom, mga Ilan buwan lang pagkatapos umalis sila Mommy naging aligaga si Daddy. at hingi ng hingi ng kapatawan habang kausap ang picture ni Mommy. At matapos nun nalaman kong pinapahanap na ni Daddy si Mommy at ang kambal ko pero hanggang ngayon wala parin kaming balita.
"Dad wala parin po ba kayong balita sa kanila?" ibinaba ni Daddy Ang tasa Ng kape nya at huminga ng malalim bago nagsalita.
"No trace parin tayo hija, sobrang tagal ng panahon na ginugol ko sa paghahanap sa kanila pero hanggang ngayon wala parin makuhang impormasyon sa kanila" malungkot na pahayag ni Daddy at ramdam ko Ang sakit sa mga salita ni Daddy.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung naniwala lang sana ako sa kanya di sana magkakasama pa tayong apat" nakita ko kung gaano nagsisisi si Daddy sa maling desisyon nya pero alam ko nabiktima lang sila.
Dahil ang gumawa ng lahat ng kwento ay ang secretary ni Daddy na obsessed sa kanya at ang mga picture na nakita ni Daddy ay edited lang. Nalaman ni Daddy ang lahat noong panahon na lunod na lunod si Daddy sa alak at tangkain sya akitin ng kanyang secretary namabilis naman tinanggihan ni Daddy.
Sa sobrang galit ng secretary ni Daddy kumuha ito ng matalim na bagay at tinutok sa sarili nyang leeg. At dun nabunyag ang lahat ng pinaggagawa nya para lang maangkin si Daddy kasabay noon ang pagsaksak nya sa kanyang sarili na naging dahilan ng pagkamatay nito.
"Dad wag na kayong malungkot. Alam ko balang araw magkakasama din tayong apat."Hinawakan ko ang kamay ni Daddy at ngumiti.
"Alam ko yun hija kaya hanggang sa ngayon pinapahanap ko parin sila sa America." Iyon ang lugar nabinanggit samin ni Mommy nung araw na aalis kaming tatlo. Pero di namin alam kung bakit hanggang mgayon no trace parin at walang ni isa impormasyon tungkol sa kanila.
Nasa malalim akong pag iisip nung nagsalita ulit si Daddy.
"excited kanaba sa kasal nyo ni Hurry?" pag iiba ni Daddy sa usapan. Kaya napangiti ako at tumango.
"Yes Dad!" Masaya ako dahil ang lalakeng mahal ko ang aking papakasalan. si Hurry ay anak ni Tito Henry na best friend ni Daddy pero Ang nakakalungkot lang Wala na si Tito patay na dahil tumalon ito sa building ng aming company.Dahil sa kwentong ito daw ay kabet ni Mommy at dahil din sa sapilitan pinaalis ni Daddy ito sa company.
Hindi mayaman si Tito Henry kaya nung paalisin sya ni Daddy sa company parang pinagbagsakin ito Ng langit at lupa na humantong sa pagpapakamatay nito.
Pero matapos Malaman ni Daddy Ang katutuhanan. Hinanap ni Daddy ang pamilya ni Tito Henry at tinulungan ito. Maging si Hurry at ang nakababatang nitong kapatid na si Hanna ay pinag aral ni Daddy.
Noon galit na galit sakin si Hurry dahil si Daddy ang sinisisi nya sa pagkamatay ni Tito Henry. Hanggang sa mag college naging malamig ang pakikitungo nito sakin pero isang araw bigla syang nag-iba at naging mabait sakin dahil dun naging magkaibigan kami. At nung matapos kami sa aming pag aaral sabay kaming nagtrabaho sa company ni Daddy. Ako bilang CEO dahil pinalitan ko si daddy at si Hurry ay head naman ng IT department.
Naging maayos ang aming trabaho at maging ang aming pagkakaibigan.Pero lihim akong may pagtingin Kay Hurry kaya nung nanligaw sya sakin agad ko syang sinagot at ngayon hito at ikakasal na kami.
"Dad salamat sa pagsuporta mo sa kasal ko" masayang pagpapasalamat ko kay daddy.
" Hija basta para sayo lahat gagawin ko, maging masaya ka lang" panangiti Ako sa mga sinabi ni Daddy at may luha din umagos sakin mga mata.
"Dad naman eh pinapaiyak nyo ako." Natatawa na naluluha na sabit ko, na kalaunan napahalakhak nalang kaming dalawa.
"Hija kahit noon pa man iyakin kana hahahha." Minsan talaga bully si Daddy lagi nya nalang pinagtatawanan pagiging iyakin ko.
"Daddy naman eh!" Parang batang reklamo ko at pabirong pinalo ko Ang kamay ni Daddy
"Joke lang hija hehhehe. By the way nasabi mo na ba kay Hurry na may kakambal ka?" napawi ngiti ko sa labi at umilin.
"Hindi pa Dad, siguro sasabihin ko nalang kapag nakita natin ang kakambal ko" Sabi ko nalang ayaw ko pa talagang ipaalam sa lahat na may kakambal ako dahil mas gusto ko na nandito na sya kapagpinakilala ko na sya sa lahat.
Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami madalas kaming magpalitan dahil ako home schooling lang dahil sa opera ko sa puso. Habang si ate naman ay sa totoong school nag aaral. Madalas nagpapalitan kami ni Ate at hindi alam nila daddy. Magkamukhang magkamukha masi kaming dalawa ni Ate Ara maliban nalang sa maliit na nunal nya sa mukha,n a hindi naman ganun kahalata. Nakakatuwang isipin ang mga naging kalokohan namin ng kambal ko.
Pero madalas nagseselos din si ate sa treatment sakin ni Daddy dahil sa pagiging mahina ko kaya si Daddy ay sobrang maalaga sakin. "Hay sana Makita na namin sila." sambit ko sa isip ko at napabuntong hininga.
"oh hija bigla ka naman nalungkot dyan." Napatingin naman ako kay daddy at pilit na ngumiti.
"Dad may na alala lang ako." malungkot na sambit ko.
"Ganun ba hija, wag kana munang masyadong maisip kasi bukas na sng kasal mo. Kelangan ikaw ang pinakamaganda sa araw ng kasal mo hija" tumango naman ako at naexcite sa sinabi ni Daddy.
"Ikaw naman daddy binubola mo pa ako hahhaha, at ikaw din daddy sure ako ikaw ang pangalawang gwapo bukas sa kasal ko" natatawa pahayag ko kay daddy na bigla naman sumimangot. Kaya natawa ako ng sobra.
"at bakit pangalawa lang ako hija?" kunwaring halit na tanong ni Daddy.
"Syempre si Hurry Ang nangunguna sa kagwapuhan daddy hahahha" napailing nalang si Daddy at kalaunan ay ngumiti narin.
"Mahal na mahal mo talaga si Hurry hija. At pinagpapasalamat ko na kayong dalawa ang nagkatuluyan. At least Ngayon kung mawawala Ako mapapanatag akong nasa mabuting kamay ka" nadamdamin pahayag ni Daddy
"Dad naman wag ka magsalita Ng ganyan. Tatagal kapa sa mundong ito at makikita mo pa ang iyong magiging apo
" Sabi ko nalang.
"Sana nga hija kaya bilisan nyong gumawa ng apo ko hahhaha" napapailing nalang Ako sa bilis magbago Ng mood ni Daddy
"Opo Daddy gusto mo isang dosena pa eh" pagbibiro ko naman
"hahhaa ikaw talaga hija. Oh Sige na pupunta muna ako sa office at madami pa akong tatapusin papeles" tumayo na si Daddy at inayos ang kanyang suot, Ako naman ay tumayo na rin dahil pupunta muna ako kila Hurry.
"Sige po dad ingat ka pagpasok at ako naman pupunta muna kila Hurry" at humalik na ako sa pisngi ni Daddy at sabay na kaming umalis sa balcony papunta sa group floor.
"oh si hija mag iingat ka rin, at ikamusta mo nalang ako sa kanila" tumango naman ako at pumunta na sa aking kotse.
"Bye dad!!" Pahabol kong sigaw para magpaalam kay daddy.Sumakay na rin sa aking kotse at pinaandar agad ito.