Chapter 1 (beginning)
"WE'RE DONE ALISA!" sigaw ni Daddy Kay Mommy sa loob ng ganyan office.
Nandito kami ng kambal kong si Aila sa labas ng office ni Daddy at nakasilip sa medyo nakabukas na pinto.
"Noel mahal kita di ko magagawang lokohin ka. Paniwlaan mo ako, wala kaming relasyon ni Henry. " pagsusumamo ni Mommy habang nakaluhod sa harapan ni Daddy.
"Paano kita paniniwalaan kung Ang mga larawan na ito ang nagsasabi na niloloko nyo ako ni Henry!! " kilala ko si Tito Henry. Sya ang best friend ni Daddy
"Hindi totoo yan Noel! Mahal kita at hindi ko magagawang lokohin ka. Please maniwala ka sakin." Pero bigla nalang tinapon ni Daddy ang mga papel sa mukha ni Mommy
"Sign the annulment paper at umalis kana habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko nasaktan ka" tumayo si mommy at pinulot ang papel na nagkalat
" Sige ito ang gusto mo? ayan na!" sabay tapon ni Mommy ng mga papel sa table ni Daddy habang patuloy parin umaagos ang masaganang luha sa mata ni Mommy. Habang di daddy nanatili parin nakatayo at katalikod Kay Mommy.
"Ate Ara anong nangyayari? at bakit nag aaway si Daddy at Mommy?." Napatingin ako sa aking kapatid at kitang kita ko sa mga mata na naguguluhan at na mamaga na rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagluha.
Sa aming dalawa ako ang pinakamatapang at ang kapatid ko naman ang pinakamabait. Mahigpit ko syang niyakap at pilit na pinapatigil sa pag-iyak.
"Stop crying Aila!, Nandito si ate. Mommy and Daddy have little misunderstanding" pagpapakalma ko sa aking Kapatid kahit bata pa ako naiintindihan ko na kung Anong ang pinag aawayan nila. At ang annulment na sinasabi nila na ang ibigsabihin ay paghihiwalay nilang dalawa. Malaman ko to sakin kaibigan sa school na nag annulled na daw Ang kanyang mga magulang kaya nasa pangangalaga sya ng kanyang Mommy at bibihira na nyang makita ang kanyang Daddy.
Pero paano na kami ng kambal ko kung maghihiwalay Sila Mommy at Daddy. Sa pagkakataong ito bumagsak narin ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Mga anak anong ginagawa nyo dito?" nabibiglang sabi ni Mommy at nakitaan namin nagpakagulat pagkaharap namin sa kanya. Kaagad sya yumakap samin dalawa.
"Mga anak makinig kayo sakin ha?! Aalis na tayo dito" malungkot na pahayag ni Mommy samin at kumalas na rin sa pagkakayakap samin.
"Pero mommy paano po si Daddy?" Tanong ko kay Mommy. Hinaplos nya Ang aking pisngi at inalis ang aking mga luha at ganun din ginawa nya sakin kapatid na humihikbi na sa sobrang iyak.
"Ara alam kung naiintindihan mo na ang lahat kaya sana maintinhan mo rin na simula ngayon tayo nalang tatlo ang magkakasama" pagkasabi ni Mommy Ng mga katagang yun tumayo na sya at maingat kaming hinila papunta sa elevator.
Nangmakauwi kami sa bahay inutusan agad ni Mommy ang maid para iayos na ang mga damit namin.
"Mommy saan po tayo pupunta?" Tanong ni Aila na ngayon ay tumigil na sa pag iyak.
"Baby doon muna tayo sa Lola nyo sa America. Makakasama nyo rin ang inyong Lola" malumanay na pahayag ni Mommy Kay Aila. at nakita Kong lumiwanag ang mga mata ni Aila pero nawala din agad.
"Pero mommy di naman natin kasama si Daddy" naawa Ako sa Kapatid ko dahil samin dalawa sya ang pinakamalapit Kay daddy at sya rin pinakamalambing. Napasulyap naman ako kay Mommy at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya hinarap ko si Aila at huminga ng malalim.
"Aila di makakasama satin si Daddy dahil busy saya sa company. Tayo muna ni Mommy ang magbabakasyon" nakita ko ngumiti ng konti si mommy at tumango tanda ng pagpapasalamat sakin.
"Baby tama ang ate mo busy si Daddy kaya tayo munang tatlo ang aalis ha. Wag ka ng malungkot." Tumango naman si Aila at ngumiti na rin. Sa pagkakataong ito dumating ang maid at sinabing nakaayos na ang lahat kaya hinawakan ni Mommy ang kamay namin dalawa at tinungo ang main door.
Nangpapalapit na kami sa aming sasakyan biglang dumating si Daddy at hinila si Aila. Napabitaw sa kamay ni Mommy si Aila.
"Wag nyong isama ang anak ko!" Nasaktan ako sa sinabi ni Daddy dahil parang si Aila lang ang anak nya. Alam kong mas mahal ni Daddy si Aila dahil ito ang pinakamabait samin dalawa at mahina ang katawan, di tulad ko napasaway. Hinawakan ko ang kamay ni Aila at pilit na hinihila. Tumulong na din si Mommy.
"Noel bitawan mo si Aila" pero di nagpatinag si Daddy
"Kung Hindi kayo aalis dalawa. Mapipilitan akong kunin sayo si Ara at ipakaladkad ka sa mga guard!" sa pagkakataong ito napabitaw si Mommy at hinila ako palayo kila daddy at Aila.
"Aila!!!" Nabitawan ko ang kamay ng kambal ko at parehas na kami ngayon umiiyak at pilit na inaabot ang kamay Ng isat isa.
"Ate, mommy wag nyo akong iwan" sigaw ni Aila na nagpupumiglas kay Daddy.
"Anak babalikan ka namin" Sabi ni Mommy habang pilit parin akong hinihila.
"Aila promise babalikan kita" nagtagumpay si mommy maisakay ako sa sasakyan at pinaandar nya ito.
Tumayo ako sa loob ng sasakyan at tinanaw si Aila na ngayon at nakaupo na sa sementadong daan at sinisigaw ang aming pangalan.
"Promise Aila babalikan kita" bulong ko sakin sarili at taimtim na umiiyak.
-------------
Dumaan ang maraming taon at di ko na nabalikan pa ang aking kakambal dahil pinagbawal ni Lola na bumalik kami Ng Pilipinas at nalaman ko rin na di gusto ni Lola ang aking Daddy para Kay Mommy. Naniminsan di man lang ito nagpakilala kay daddy.
Si Lola ang isa sa pinakamayamang negosyante sa Mundo at di alam ni Daddy ang tunay na estado ni Mommy dahil sekreto lang ang kanyang pagkakakilanlan.
Mayaman din si Daddy pero di sya kasing yaman ni Lola Aurora.
Noong dumating kami dito sa America halos ayaw tanggapin ni Lola si Mommy dahil sa pagtanggi daw nito sa pagpapakasal sa anak ng isang mayaman din negosyante pero nung ako na ang nakiusap naging malambot ang puso ni Lola. Ganun pa naman kahit anong pakiusap ko ay ayaw parin nya akong bumalik ng Pinas.
Isang taon nagpamamalagi namin dito ni Mommy. Nagkasakit sya dahil sa matinding depression at pangungulila sa aking kakambal. Hanggang sa di na nya nakayanan at bumigay na rin ang kanyang katawan at tuluyan akong iniwan. Naging malungkot akong pero sa tulong ni Lola pinatatag nya ako.
Nag aral nalang akong mabuti at pinaghusayan ko ang aking sarili sa lahat ng bagay. Sa ngayon nagti-training Ako Company ni Lola na GL Group dahil Ako na ang susunod na CEO ng company.
Makalipas ang ilan buwan na pagti-training. Ngayon ay ganap na akong CEO. Naging smooth ang lahat sakin dahil nasanay na rin ako.
Nabalitaan kong nagkaroon ng problema sa company ng daddy ko sa Pinas kaya nagpadala ako ng tauhan para mag-invest. Naging maingat din ako para di malaman ni Lola ang ginawa kong pagtulong sa company ng daddy ko.
Pero makakalipas lang ang klan buwan nalaman Kong ikakasal Ang aking Kapatid sa anak ni Tito Henry na ikinagulat ko.
Nakita ko sa social media ang kanilang kasal na talagang pinaghandaan pero nagtataka ako kung bakit Wala si Tito Henry sa kasal.
Nagsearch ako sa social media Ng pangalan ni Tito Henry at nakita ko sa news ad ilan taon matapos kaming umalis nagpakamatay ito at tumalon sa rooftop ng company ni Daddy pero wala akong nakitang dahilan kung bakit ito nagpakamatay.
Palaisipan sakin kung bakit ang anak ni Tito Henry ang ipinakasal sa aking kakambal. Alam ko na matindi ang galit ni Daddy kay Tito Henry dahil sa pag-aakalang may relasyon si mommy at Tito Henry, pero ang totoo ay sinira lang sila ng secretary ni Daddy.
"Di kaya alam na ni Daddy ang lahat?!" Wala sa sariling nasabi ko ang nasa isip ko.