CHAPTER 33 Tinapat ako ni Doktor Reyes na mangangailangan ng malaking halaga pero sinabi ko na kaya akong tulungan ng mga magulang ko. Na gagawin lang niya ang lahat ng kanyang mamakaya basta mabuhay lang si Rizza. Para raw masimulan na ang gamutan, kailangan kong magdown at lahat ng pera ni Rizza ay ibinigay ko. Mas kailangan niya iyon ngayon pero gagawan ko ng paraan para maibalik. Hindi ko pa man alam kung paano ako makakahanap ng malaking halaga ngunit pero hindi ko hahayaang unahin na isipin ang pera kaysa sa buhay ng aking mahal. Naglakad ako. Naghahanap ng mapag-iiyakan ng mga sunud-sunod kong pinagdadaanan. Hanggang sa nakita ko ang isang kapilya ng simbahan. Hindi ko alam kung may karapatan pa ako doong pumasok. Hindi ko alam kung pwede pa ba akong humingi ng tulong sa Diyos gay