CHAPTER 32 Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinakawan niya ang kaniyang ulo. Huminga siya ng malalim. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at may pilit na ngiti sa kaniyang labi. “Tara na mahal. Kailangan na nating pumunta sa hospital. Please?” “Hindi mahal ko. Gagastos tayo ng malaki roon. Okey lang naman ako, hindi ba Rhon? Dahil lang siguro sa init? Dahil lang ito sa naulanan tayo. Gagaling ako, hindi ba mahal ko?” nanginginig niyang tanong habang nanginginig niyang tinitignan ang dugong pilit niyang hinuhugasan. Nataranta ako. Kung ayaw niyang padala sa hospital, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa kagaya kong bago lahat ang mga ganito, wala akong alam na iba pang gawin para matulungan ang mahal ko kundi ang dalhin siya s