POGI

1454 Words
CHAPTER 11 RHON MATTHEW’S POINT OF VIEW              Bakit bawal mag-asawa ang mga pari? Mga tanong na madalas kong naririnig. Bilang isang pari, mahirap ipaliwanag ng walang mga patunay lalo pa’t may mga naninilbi rin naman sa Diyos tulad ng mga pastor na may sariling pamilya? Bakit kaming mga pari sa katolikong simbahan, hindi pwede? Habang ipinahihintulot noon ng Simbahan na maordinahan ang mga lalaking may-asawa, mayroon naman silang obligasyon sa ganap na pagtitimpi o "perfect continence". Ibig sabihin, ang mga may-asawang ministro ay hindi na maaaring mamuhay kasama ng kanilang mga kabiyak. Kailangan na nilang talikdan ang anumang gawa o relasyong sekswal. Hindi "imbento" ng Simbahan ang ganitong panuntunan; ito mismo ang kalooban ng Panginoong Jesu-Cristo. Lumalabas na ang panuntunang ipinatutupad sa mga naglilingkod sa Simbahan na sila'y dapat minsanan lang nag-asawa ay hindi isang "karaniwang obligasyong moral" para sa lahat ng mga Cristiano, bagkus ay isang tanging alituntunin para sa mga naglilingkod sa Simbahan .  Kung gayon, bakit kami na mga pari lang ang inoobliga sa panuntunang ito?              Ito'y dahil sa obligasyon ng bawat naglilingkod sa Simbahan sa ganap na pagtitimpi. Ang muling pag-aasawa ay nagpapatunay na ang isang tao ay walang kakayahang mamuhay sa ganap na pagtitimpi na hinihingi sa bawat lingkod ng Simbahan. Kung magagawa nilang magtimpi sa pagnanasang muling mag-asawa, mapatutunayan nilang may kakayahan silang tupdin ang buhay ng ganap na pagtitimpi. Bilang isang pari, kailangan din na kaya kong magtimpi sa mga gawaing sekswal at sa mga relasyong sekswal sapagkat ang aking ugnayan sa Simbahan ay espiritwal. Ang kapangyarihan ng mga pari na maging kinatawan ni Cristo ang pinaka-dahilan sa kung bakit dapat kaming mamuhay sa ganap na pagtitimpi. Ako si Rhon Matthew. Isa akong pari. Paring naglingkod at may takot sa Diyos...paring kinagigiliwan at hinahangaan ng sumasamba sa Diyos ngunit sa kabila ng lahat, alam kong isa akong paring nagmahal, nawalan ng landas at naging makasalanan. Pero hindi alam iyon ng karamihan dahil tingin nila, wala akong bahid ng karumihan kaya ako pa rin yung paring nilalapitan ng mga taong umaasa sa himala ng dasal. Sila ang mga taong gustong magbagong buhay, mga taong sadlak sa kahirapan ngunit patuloy na umaasa sa tulong ng maykapal at mga nasa gitna ng pagsubok ng buhay. Ang tingin ng karamihan sa akin ay alagad ng Diyos na hindi nagkakasala. Isang mabuting nilalang na ang suot na puti ay hindi nadudumihan. Isang taong patuloy na nililigtas ng Diyos sa kapahamakan, paghihirap ng kalooban at kasalanan. Ngunit sana malaman ng lahat na tao din ako... nasasaktan, nagmamahal at nagkakasala.              Matthew. Pangalan pa lang banal na. Ngunit kung si Matthew sa banal na bibliya ay isa sa mga maniningil ng buwis na iniligtas ni Jesus, ako naman ay isang batang walang hilig sa simbahan at bibliya ngunit pinipilit at inihahanda ng angkan na magiging pari balang araw. Nang tawagin ni Jesus, agad na iniwan ni Mateo ang kanyang mesang singilan ng buwis at sumunod sa Panginoon at ganoon rin ako sa Tito kong pari. Nang tinawag niya ako na uuwi kami ng Cagayan para maging sacristan niya ay hindi rin ako tumanggi dahil siya ang paborito kong Tito.              Kung si Matthew ay iniwan ang pinagkukunan niya ng kanyang kayamanan; iniwan ang kanyang posisyon ng seguridad at kaaliwan kapalit ng paglalakbay, kahirapan, at kamatayan, ako naman ay ang masaya, maganda at pribado kong school, ang aking mga mayayaman at mababait kong mga kaibigan at magaan na buhay sa syudad para sa paglilingkod sa Diyos sa liblib na mga lugar sa Pilipinas.              Nasa lahi na namin ang pagiging pari kaya naman lumaki ako sa kumbento kasama ng Tito kong pari. Siya na noon ang tumutustos sa aking pag-aaral. Siya na ang naging parang ama ko dahil sa gusto ng mga magulang kong susunod ako sa yapak ng isa sa mga lolo at tito ko na naging pari. Palipat-lipat kami ng paroko. Kadalasan ay sa mga liblib na lugar kami pumupunta. Inaamin ko, hindi nagiging madali sa akin na lumaki sa maalwang pamumuhay ang ganoong sistema. Pagkaraan ng ilang taon ay iba-ibang pakikisama ang ginagawa ko sa mga bagong kakilala, kaklase at kapitbahay. Walang kakaiba sa aking kabataan bukod sa lumaki akong may takot sa Diyos at ang almusal ko hanggang panggabihan ay ang pagdarasal ang aking dapat inuuna. Bata pa lamang ako ay sa misa at pagbabasa na ng bibliya ang aking kinalakihan. Mas maraming oras pa ang naibubuhos ko sa pagiging sakristan at pag-aaral sa salita ng Diyos kaysa sa maglaro. Ngunit hindi ako nagreklamo. Wala din akong ibang magawa kundi ang gawin ang lahat ng ito para sa paghahanda kong maging pari baling araw. Noong nasa sekundarya na ako ay lumipat na naman kami ni Tito sa ibang parokya. Sa bayan ng Baggao sa Cagayan. Doon sa kumbentong nilipatan naming ay may naabutan na akong katulad ko ring kabataan ngunit mas panganay siya sa akin ng isang taon. Si Rizza. Si Rizza ay naabutan naming noong nagkukulong sa second floor. Ang sabi ni Father Dimas ay kailangang palayasin dahil malikot daw ang kamay. Ngunit hindi pinalayas ni Tito. Nang nakaalis si Father Dimas at si Kuya Paul, saka lang bumaba si Rizza. Para siyang takot na takot. May mga pasa sa mukha. Parang binubugbog nga siya noon. Kahit anong pilit ni Tito, hindi siya nagsasabi kung bakit. Walang nalaman si Tito na dahilan kung bakit siya pinalalayas dapat ni Father Dimas. Ngunit nagkuwento lang siya ng tungkol sa kanya. Wala siyang sinasabi tungkol kay Father Dimas at kubg bakit galit na galit ito sa kanya. Ayon kay Rizza, wala raw siyang masabing pamilya, walang kapatid, walang kamag-anak na sa kanya ay nag-alaga. Sanggol pa lang daw siya nang iniwan siya sa harap ng simbahan nang hindi na natukoy o nalaman pa kung sino. Inampon at pinalaki siya ng dating paroko pero dahil sa katandaan namatay ito at naiwan ang batang si Rizza sa pangangalaga ng iba’t ibang pari ngunit sa kumbento lang siya. Hindi nakalalabas. Hindi nakapapasyal. Mag-isa na lang sa buhay at umaasa sa tulong ng simbahan. Siya ang nangangalaga sa kalinisan at kagandahan ng buong kumbento mula sa paligid hanggang sa loob pati na rin sa pagluluto. Nakakapag-aral siya kapalit ng paglilingkod. Hindi katulad ko na lahat ng kapritso ko ay naibibigay ng aking tito. Hindi ko kailangan magtrabaho ng katulad sa kaniya. Basta magiging sakristan lang ako tuwing misa at hindi ako dapat mawawala sa listahan ng sasabitan ng medalya pagkatapos ng school year ay patuloy akong susuportahan ni Tito.              Kung pagmamasdan mo si Rizza ay hindi mukhang 14 noon dahil sa malaking bulas siya. Pero ang sabi naman niya kay Tito, hindi siya sigurado sa edad niya. Maaring 15 na talaga siya o mag-16 na. Sanay sa mabibigat na trabaho ang katawan kaya para siyang hindi napapagod maghapon. Hindi ito sanay mag-ayos. Hindi ko nga alam noon kung maganda ba siya o batang madaling nilosyang ng kahirapan. Hindi ko siya gaano pinapansin dahil tingin ko noon sa kanya, alila. Habang siya ay linis ng linis at abala sa pagluluto, ako naman ay walang ibang inasikaso kundi ang magbasa nang magbasa. Maglaro ng basketball. Kumain kapag gutom, matulog kapag bagot.               Ako, bilang 14 years old ay patpatin ngunit makinis at maputi naman bukod pa sa napakaguwapo kong mukha. Marami nga sa akin noon ang nagkakagusto, maraming humahanga sa aking katalinuhan lalo na ang angkin kong kaguwapuhan ngunit para saan pang mag-syota kung hindi rin naman ako mag-aasawa?              Hindi man ganun kaganda si Rizza sa simbahan kapag nakapambahay ngunit kapag sa school kami, nagbabago ang kanyang hitsura. Marami ang mga kalalakihang sa kanya ay nahuhumaling sa bayan na iyon ng Baggao, Cagayan. Sa mga mahihilig ng parang aksiyon star na mala-Angel Locsin sa pelikulang Pilipino, parang siya iyon. Babaeng maganda, seksi, makinis, maputi at palaban. Ako naman ay isang parang matinee idol dahil sa kapogihan at likas na mamula-lulang pisngi at labing. Sa mga mahihilig ng mestiso, matangkad, patpatin dahil bata pa pero purong muscles naman at may abs pa dahil sa hilig ko sa baseketball. Pagpasok ko pa nga lang sa school namin noon, lahat na yata halos nabighani sa angkin kong kapogian. Kapag nga naglalaro ako ng basketball ay marami ang sa akin ang kinikilig. Mga sumisigaw. Mga pasimpleng ngiti. Mga babaeng halos manligaw na sa akin. Pero iba sa kanila si Rizza, mailap. Hindi namamansin. Hindi ako kinakausap. Inisip ko noon, kung suplada siya, mas suplado ako sa kanya. Ako pa ba na sanay na?              Ngunit pagkaraan ng isang taon, 16 years old na siya noon at ako naman ay 15 years old na. Ang pagiging cold at malayo sa akin ni Rizza ay biglang nagbago isang araw nang aksidente ko siyang sabayan sa paliligo dahil mahuhuli na ako sa klase. Isang karanasang nagbukas sa akin ng panibagong posibidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD