NAPILITAN

2721 Words
CHAPTER 2 “Father Dimas! Ano hong ginagawa ninyo?” nanginginig kong sinabi iyon dahilan para magulat at bitiwan niya ang noon ay lumalaban pang si Kuya Paul. “Anong ginagawa mo rito bata ka! Bumalik ka nga sa kuwarto mo!” Hindi ako sumunod. Itinulak ko siya! “Ano hong ginagawa ninyo kay Kuya Paul! Bitiwan ho ninyo siya!” “Kung ayaw mong tamaan sa akin! Umalis ka rito! Alis!” singhal sa akin ng pari. “Ayaw ko! Hindi ako aalis hanggat hindi ko kasama si Kuya Paul!” “Ah talaga! Matapang ka ah!” Lumapit si Father Dimas sa akin at sinakal niya ako. Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga. Ibig sabihin, lasing siya. Nakainom kaya matapang niyang nagagawa ang makamundo niyang pagnanasa kay Kuya Paul. Hanggang sa hirap na akong huminga. Itinaas pa niya ako. Hindi na sumasayad ang mga paa ko sa sahig. Sinasakal niya ako at nauubusan na ako ng hangin. Namumula ako. Napapaluha. Hanggang sa muli niya akong ibinaba. “Father, bitiwan ho ninyo ako! Hindi ho ako makahinga! Father!” Hanggang sa muli na naman niya akong itinaas para sakalin. “Father, bitiwan ninyo siya. Nakikiusap ako, huwag ninyo siyang idamay. Please! Bitiwan ninyo siya!” Binitiwan ako ni Father Dimas dahil sa pakiusap ni Paul. “Tignan natin kung hindi ka pa tatanda sa ginawa ko. Pakialamera ka! Hindi ka na lang matulog sa kuwarto mo, bwisit ka!” “Father! Kasalanan sa Diyos ang gusto ninyong gawin kay Kuya Paul. Huwag ho ninyong gawin ‘yan kay Kuya ! Maawa ho kayo sa kanya!” Pakiusap ko habang hinahabol ko ang aking hininga. “At ano ha? Gusto mong sa’yo ko gawin? At ano naman ang magagawa mo ha? Isa ka lang ditong palamunin. Gusto mo bang palayasin kita, ngayo din ha!” hinawakan ng pari ang mahabang buhok ko at sinabunutan niya ako. Hila-hila papasok sa aking kuwarto. “Sige, nangingialam ka talaga ha! Tignan natin kung saan ka ngayon pupunta kapag palalayasin kita ngayon pa lang!” Nakita ko si Kuya Paul. Pumulot siya ng pamalo. Itinaas na niya ito para hatawin ang ulo ni Father Dimas ngunit itinaas ko ang kamay ko. “Kuya huwag! Huwag mong gawin iyan!” sigaw ko. Lumingon si Father Dimas kay Kuya Paul. Binitiwan ni Kuya Paul ang hawak niyang pamalo. Itinapon sa gilid ng kuwarto ko. Isa lang ang gusto kong gawin niya noon, ang umalis siya. Tumakas na siya. May pupuntahan kasi siya. May pamilya siyang mahihingan ng tulong. May pamilya siyang tatanggap sa kanya kahit anong mangyari. Ngunit hindi niya ginawang umalis. “Ano? Balak mo talaga akong hatawin ng kahoy?” agad niyang hinawakan si Kuya Paul sa leeg. “Hindi ho! Pasensiya na, Father, nagulat lang ako. Huwag lang ho ninyong saktan o sakalin si Rizza. Nakikiusap ho ako.” “Sige, hindi na pero ano? Matagal na kitang kinakausap, matagal ko nang sinasabi sa’yo kung anong gusto ko. Kung bakit ganoon na lang ako magbigay sa pamilya mo tapos, ito lang? Tatanggihan mo pa ako?” Yumuko si Kuya Paul. Hindi siya sumagot pa. “At ikaw ha? Ito ba? Ito ba ang mga ipinagmamalaki mo sa akin na gamit mo? Sige, kunin mo nang lahat at lumayas ka na ngayon din!” sigaw ng pari na hinahakot na ang mga luma at galing lang sa mga donasyon na mga damit ko. Kahit nga mga panty ko, butas butas pa at sobrang nipis na sa kalumaan. Wala naman sa akin bumibili ng bagong gamit. Ilang piraso lang iyon na pabalik-balik kong isinusuot. Kahit nga uniform ko sa paaralan, dalawang pares lang at bitin na bitin na sa akin. Ni damit pamasyal na bago, wala ako ni isa. Wala akong sapatos kundi tsinelas lang na pudpod na at may butas pa sa kalumaan. Wala akong sinasahod sa kumbento, pagkain at tirahan ko lang ang kabayaran ng araw-araw kong pagpapagal. Nakita ni Kuya Paul ang mga gamit kong pwedeng ilagay lang sa plastic bag na maliit. Kita niya kung gaano ako kasalat sa lahat ng bagay. “Father Dimas, sige na ho. Pagbibigyan ko kayo huwag lang ninyong palayasin at sasaktan pang muli si Rizza,” narinig kong sinabi ni Kuya Paul. “Pero Kuya…” “Rizza, ako nang bahala. Kaya ko. Kakayanin ko!” “Papapayag naman pala eh! Andami pang arte! Ikaw ha? Pasalamat ka, dahil sa’yo pumayag si Paul. Huwag kang feeling important o feeling entitled dito! Tandaan mo, hindi kita kaanu-ano. Hindi ko kawalan na mawala ka sa dito sa kumbento!” singhal ni Father Dimas sa akin. Bago niya hinila ang pinto ng kuwarto ko ay nagbabala pa siya. “Oras na mangialam ka pa sa akin o sa gagagawin ko kay Paul o gagawin namin, mag-isip-isip ka na kung saan ka makikisilong dahil talagang palalayasin kita rito!” Nakita kong nakatingin si Kuya Paul sa akin bago tuluyang naisara ang pintuan. Masaganang luha ang bumaybay sa aking pisngi. Nabuo yung silakbo ng galit sa aking dibdib. Naawa ako sa sarili ko pero mas naawa ako kay Kuya Paul na alam ko nang mga sandaling iyon ay pinagsasamantalahan siya ni Father Dimas na malaking tao. Maitim. Malaki ang tiyan at butas-butas ang mukha dahil sa mga taghiyawat na hindi na yata siya tinatantanan. Parehong pangit ang panlabas na anyo ni Father Dimas at ang kanyang panloob. Humiga ako sa aking papag. Umiiyak ako habang naririnig ko ang kaluskos sa kabila. Pumikit na lang ako. Pinilit ko na lang na iwaksi sa isip ko na may nangyayari sa kabila na hindi ko noon nagugustuhan. Wala rin nama akong magagawa pa. Si Kuya Paul na rin naman ang nagsabi at nagdesisyon. Inisip ko na lang na lalaki naman siya, lalaki naman silang dalawa. Kinabukasan, paggising ko, nakita kong doon na pala natulog si Father Dimas sa kuwarto ni Kuya Paul. Nakayakap pa ito kay Kuya Paul na noon ay gising na at nakatingin lang sa kisame. Hindi ito kumikilos na parang malalim ang iniisip. Hindi ko na lang rin siya pinansin. Tinungo ko ang kusina para magluto ng agahan. Mabigat ang aking pakiramdam ngunit wala naman akong magagawa. Tanggapin ko na lang kung gaano hindi patas ang mundo. Naramdaman kong bumaba si Kuya Paul. Dahil hindi pa naman kumukulo ang sinaing ko kaya ko siya sinundan. Nakita kong pumasok siya sa simbahan. Nakaluhod. Taimtim na nagdadasal. Lumuluha. Tahimik akong tumabi sa kanya. Hanggang sa nang matapos ito sa taimtim niyang pagdarasal ay tumabi siya sa akin. Hindi niya ako matignan ng diretso sa aking mga mata. Nakita ko ang tatlong libo sa kamay niya. Nilalaro niya iyon. “Bakit hindi ka tumakas kagabi, kuya? Bakit hindi ka umalis eh may pagkakataon ka nang gawin iyon?” tanong ko. Garalgal ang boses ko. “Pagkatapos ano? Saan ka pupunta nang palayasin ka niya? Saan ako pupuntya? Saan ako pupulutin? Kung aalis ako, paano ang pag-aaral ko? Paano ang pamilya kong lunod na sa utang kay Father Dimas? Minsan, kailangan palang magsakripisyo para sa ibang tao. Kailangan palang lunukin ang pride para sa pangarap, para mabuhay.” “Ibig mong sabihin, tatanggapin mo na lang na mangyari sa’yo ‘yon?” “Bata ka pa, Rizza. Hindi mo pa naiintindihan kung bakit ito kailangan na lang na gawin. Simple lang naman pala eh. Kaya ko rin naman pala kaya para mabuhay at gumaan ang buhay ng aking pamilya, pikit-mata ko na lang na ibibigay kay Father Dimas ang gusto niya. Habang nandito siya at nandito ako, sisiguraduhin kong bubuti ang kalagayan mo. Iyon ang isa kong hiniling sa kanya.” “Paano Kuya?” “Basta ako na lang ang bahala ro’n. Manahimik ka na lang. Maging bulag at pipi sa mga nangyayari sa kumbento.” Huminga ako nang malalim. “Kunin mo ‘to.” “Ho?” “Kunin mo ang isang-libo. Pera mo. Itago mo. Ibili mo ng mga kailagan mo. Itong dalawang libo ibigay ko sa bahay.” “Huwag na ho. Pera mo ‘yan.” “Kunin mo o magagalit ako sa’yo.” Hindi na ako sumagot. Siya na mismo ang naglagay sa isanlibo sa bulsa ng short ko. Iyon na ang pinakamalaking pera na nahawakan ko sa tanang buhay ko. “Salamat Kuya.” Tumango lang siya. Nakita kong nangingilid pa rin ang luha sa mga mata ni Kuya Paul. “Salamat talaga, Kuya.” “Salamat na naman?” “Salamat hindi lang sa binigay mong pera kundi kung hindi sa’yo, sana nasa lansangan na ako ngayon at hindi alam kung saan pupunta.” “Hindi, Rizza. Dahil sa akin kaya ka nasaktan kagabi. Kuing napalas ka ni Father Dimas, kasalanan ko iyon. Alam kong gusto mo lang akong tulungan. Gusto mo lang sanang hindi ako mapahamak. Pero Rizza, naisip ko kagabi pagkatapos kong ibigay kay Dimas ang gusto niya, kaya ko pala. Kakayanin ko pala para sa aking pamilya. Para sa’yo. Kaya huwag mo na akong isipin ha? Okey ako. Okey na okey ako.” “Para sa akin? Kasama ako?” “Bakit hindi? Pamilya na kita.” “Salamat Kuya. Salamat.” Pero habang tinitigan ko ang gwapong mukha ni Kuya Paul, alam ko, ramdam kong hindi siya sa akin nagsasabi ng totoo. Napipilitan lang siyang gawin iyon kasi wala na siyang pamimilian. “Sige na, balikan mo na ang sinaing mo. Baka masunog at mapagalitan ka na naman. Sunday ngayon at may misa. Day-off rin ng kusinera. Dadalhin ko lang itong pera sa bahay saka ko na sisimulan ang paglilinis. Isipin na lang natin, isipin ko na lang na bahagi na ito ng aking buhay. Kasama na ito sa aking pagiging mahirap. Ngunit hindi natatapos dito ang lahat Rizza, aangat ako. Matatapos din ang lahat ng ito at makakawala rin ako. Gagamitin na rin lang naman ni Dimas ang katawan ko, gagamitin ko na rin lang siya para umangat at makamit ko ang aking pangarap.” Hindi na ako kumontra pa. Mukhang desidido naman na rin si Kuya Paul. Nanghihinayang lang ako. Bumalik na agad ako sa kusina dahil medyo naamoy ko na rin ang aking sinaing. Mabuti at hindi pa sunug na sunog. Nagising na rin si Father Dimas nang pinatay ko ang kalan. “Rizza, kung anuman ang nangyari at ginawa ko kagabi, atin na lang iyon. Lasing ako kagabi. Pasensiya na.” sabi ni Father Dimas sa akin bago pumasok na muna ito sa kanyang kuwarto para maghanda sa misa. Naglabas na lang ako ng malulutong agahan. Sa misa ni Father Dimas, marami pa rin ang dumadalo. Marami ang humahanga sa matatamis niyang mga salita. Maraming sumasamba. Maraming siyang naloloko. Marami ang nag-aakala na mabuti siyang tao. Marami ang nagbibigay ng offerings. Marami ang kanyang nagogoyo. Ginagamit niya ang mga salita ng Diyos para magmukha siyang kapuri-puri at mabuting tao. Hindi ko na tinapos ang misa niya. Hindi ko kayang makinig. Nasusuka ako. Isa kasing demonyo ang nakikita ko at hindi alagad ng Diyos. Nang mga sumunod na araw, buwan at taon, nagbago na si Kuya Paul. Natuto na itong manigarilyo at uminom ng alak. Mabait pa rin naman siya sa akin pero parang ginagamit na niya lang ang bisyong iyon para matakasan ang pait ng balik ng kanyang ginagawa. Hindi na siya gaanong lumalapit sa akin. Hindi na siya kagaya rati. Para lagi siyang nahihiya. May mga gusto siyang sabihin pero hindi niya sa akin madiretso. Pero hindi siya nakalimot na bigyan ako lagi ng pera buwan-buwan. Hindi rin siya madamot sa pagkain. Kumpleto ang aking mga gamit ko sa school dahil sa kanya. Bago na rin ang uniform ko at tsinelas at sapatos pampasok. Hindi ako nawawalan ng perang pambaon pati miryenda. Kahit hindi ko siya kapatid, sinigurado niyang hindi ako mapapabayaan. Nagbago na rin si Father Dimas sa akin. Hindi na niya ako sinisimangutan o pinagagalitan. Hindi man ako kinakausap ngunit hindi rin naman masama pa ang pakikitungo niya sa akin. Sa kuwarto na niya natutulog si Kuya Paul at alam ko na. Ramdam ko na tuluyan na nga yatang naging sila. Sino ako para ku-question? Sino ako para pigilan pa si Kuya Paul lalo pa’t nakikita kong nakikinabang rin naman ang buo niyang pamilya at ako. Hanggang sa habang naglilinis ako sa taas ng kumbento ay dumating si Kuya Paul. Madalas kasi silang lumabas ni Father Dimas. Manood ng sine sa Tuguegarao, mag-shopping at mamasyal. Ako, madalas mag-isang naiiwan. “Isukat mo nga ito, pinamili kita,” sabi ni Kuya Paul. Pilit ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang nahihiya. “Ano ‘yan Kuya?” tanong ko. “Tignan mo.” Nang tinignan ko ang laman ng malaking iniaabot niya sa aking shopping bag ay nakita kong sapatos at ilang pares na damit ang laman no’n. Unang pagkakataon na may bumili sa akin ng bago. Lahat kasi ng suot ko, galing donasyon. Ibinibigay ng mga naaawa sa aking mga nagsisilbi sa simbahan. Hindi iyon mga bago. Mga napaglumaan ng kanilang anak at sa buong buhay ko, ngayon lang ako makakasuot ng bagong damit. Yung ibinibigay ni Kuya Paul na pera ko, iniipon ko para kung may bayarin p project, doon ko na kinukuha. Alam kong galing iyon sa masakit na katotohanang paggamit ni Kuya Pau sa kanyang katawan ngunit kung hindi ko tatanggapin, siguradong magtatampo siya sa akin. “Andami nito, Kuya. Salamat ha?” “Isukat mo kahit yung isa lang. Hintayin kita rito sa labas nang makita ko,” sabi pa niyang maluha-luha. Agad akong pumasok sa aking kuwarto. Isinukat ko iyon. Excited na excited ako. Lumabas ako. “Wow!” nanlaki ang kanyang mga mata. Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang isang magdang dalagita. Isang seksi, matangkad, maputi at magandang dalagita. Hinawakan niya ang balikat ko. Namumula ang kanyang mga mata. “Sayang ‘no?” garalgal ang kanyang boses. “Sayang? Ano hong sayang, Kuya?” “Wala. Huwag mo nang isipin pa iyon. Basta ha? Mag-aral kang mabuti. Hindi ka makakalimutan ni Kuya Paul mo. Papasyalan kita rito. Lagi.” “Ho? Anong ibig mong sabihin kuya? Bakit parang nagpapaalam ka na?” “Hindi mo pa ba alam?” “Alam ang alin ho?” “Madedestino si Dimas sa ibang Parokya sa Tuguegarao at isasama niya ako. Isasama niya ako at ang buo kong pamilya.” “Ho?” “Oo at okey na rin, doon na rin ako magpapatuloy kasi College na rin naman ako ngayong susunod na pasukan hindi ba?” “Oo nga pala ‘no?” Tumango si Kuya Paul. Bumunot siya nang malalim na hininga. “Sinubukan ko naman siyang kausapin. Baka lang pwede kang isama kaso ayaw eh. Dito ka na lang daw. May darating din naman daw siyang kapalit na siyang titingin sa’yo.” Nagsimulang uminit ang paligid ng aking mga mata. “Okey lang kuya. Tanggap ko naman na dito na lang talaga ako. May mga darating at aalis pero nasa kumbento pa rin ako. Dito nga nga talaga ako hanggang pagtanda eh.” “Huwag mong isipin ‘yan ha? Babalik ako. Babalikan kita. Hindi ka rito tatandang mag-isa.” Hinila niya ako. Niyakap nang mahigpit. “Hindi bale, mag-second high school ka na, hindi ba? Magiging ganap ka na ring dalaga. 14 years old ka na hindi ba?” Tumango ako. “Kita mo? Ang bilis ng panahon. Dadalawin kita rito. Kapag ganap ka nang dalaga. Kapag pwede na…” “Kapag pwede nang ano, kuya?” Hindi ako tanga. Parang gusto siyang sabihin. Naramdaman ko rin naman na habang lumalaki ako, may pagkakataong malagkit ang tingin niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na pinipigilan lang niya. Alam ko, may gusto rin sa akin si Kuya Paul ngunit dahil sila ni Father Dimas at mawawala ang lahat sa kanya kung ituloy niyang ligawan ako kaya nagpigil na muna siya. Hindi na rin lang ako nag-invest ng kahit anong damdamin sa kanya. Alam ko kasing malaking gulo lang ang lahat. Niyakap niya muli ako nang mahigpit hanggang sa nagulat na lang ako nang naglapat na ang labi namin. Sandali lang iyon dahil agad kong nailayo ang aking labi. Nagulat ako. Nagulat din naman si Kuya Paul. Ngunit bago siya umalis, bago sila umalis, may nangyari muna sa akin, sa amin na hindi ko alam na kaya niyang gawin. Umasa ako, nagmahal sa napakamura kong edad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD