GANDANG DI INAKALA

1964 Words
CHAPTER 4 RIZZA’S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung tama bang pagbigyan ko siya o ang damdamin ko kahit alam kong bata pa ako at baka masaktan lang ako. Natatakot rin ako sa maaring gawin ni Father Dimas kung sakaling mahuli niyang nakikipaglandian pa ako sa boyfriend niya. Pero masaya ako, gusto ko yung nararamdaman ko at parang walang mali. Lagi siyang nakabuntot sa akin sa school. Binabantayan niya ako, hawak niya ang backpack ko. Sinasabihan niya akong punasan ko ang pawis ko, tinatanong kung okey lang ako at bumibili siya ng tubig sa tuwing alam niyang nauuhaw ako. Binibilhan akong miryenda kapag alam niyang gutom ako. Binabantayan laban sa mga bully. Iba yung pakiramdam ng may nagmamahal. Nalulunod ako sa saya. Kilig na kilig lang talaga. Nang umuwi kami kinahapunan ay isinasakay niya ako sa kanyang motor na dati naman ay hindi niya ginagawa. Natatakot kasi siya kay Father Dimas ngunit hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob na gawin iyon sa araw na iyon. Tumanggi naman ako pero sobrang kulit lang niya na hinto siya ng hinto para sabayan ang paglalakad namin nina Mimi. Tuloy pinagtitinginan na kami. Naisip kong baka lalong makahalata ang mga tao sa paligid namin kung mag-iinarte ako. Kaya para matigil na ay umangkas na lang ako sa kanya. Pinahawak niya ako sa kanyang baywang o pwede rin daw sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung gagawin ko iyon. Magkasama kami sa bahay pero sa tagal naming na magkasukob sa kumbento, hindi dumadating sa punto na nagkakahawakan kami o nagdadampi ang aming katawan. Nang araw lang na iyon na naidadampi ang aking labi nang aksidente niyang iprineno sa mabato at mabutas na daan. Aksidente nga kaya? Noong una pwede kong isipin na baka nga aksidente lang, pero nang naglaon nakaramdam akong sinasadya na niya para lang maidampi ang malambot at malusog kong dibdib sa matigas niyang likod. Ang hawak ko sa balikat ay bumaba na sa kanyang dibdib dahil sa takot kong mahulog. Nahawakan ko ang matigas at maumbok niyang dibdib. Naamoy ko ang kanyang pabango na kahit pawisan ay nangingibabaw pa rin ang lalaking-lalaki niyang amoy. Naapuhap ng kamay ko ang matigas niyang abs. Para akong lalong nahuhulog sa kanya sa mga simpleng nangyayaring iyon sa pagitan namin. “Dito ka na lang bumaba, para hindi tayo makita,” bulong niya sa akin nang malapit na kami sa kumbento. “Sige. Salamat ha?” “Usap tayo uli mamaya ha? Kaya natin itong itago sa kanya. Ako ang bahala.” “Nakakatakot pa rin kasi eh.” “Huwag kang matakot. Hawak ko na ang leeg niya.” “Sigurado ka ba? Baka mamaya palayasin niya ako.” “Hindi ako makapapayag na gagawin niya iyon. Basta may tiwala ka naman sa akin, hindi ba? Kung palalayasin ka niya, lalayas tayong dalawa.” “Seryoso?.” “Bakit hindi? Ikaw ang buhay ko. Hindi ako mabubuhay kung aalis ka sa tabi ko.” “Ang OA mo na ha.” “Sige na. Mamaya uli.” Pinaharurot niya ang motor at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nilingon niya muna ako bago siya pumasok sa gate ng simbahan. Nagpapalit ako nang biglang may parang tumulak sa pinto ng kuwarto ko. Maagap kong itinago ang aking dibdib. “Sorry. Dapat kasi nagla-lock ka!” boses iyon ni Paul. Dinig kong muli niyang hinila pasara ang pinto. “Bakit di ka kaya muna kumatok!” mabilis kong isinuot ang pambahay kong damit. “May sayawan sa barangay mamaya. Nagsabi raw ang kapitan kay Father na sumama ka kasi kulang sila ng dalaga.” “Pwede na ba ako? Hindi pa ako nag-JS. Hindi ba dapat mag-JS muna?” “Eh, pumayag na raw si Dimas eh. Saka sina Mimi di ba hindi rin naman nag-JS pa ‘yon?” “Oo, bakit?” “Aba, last year ko pa ‘yon nakikita sa mga sayawan. Mas matanda ka pa nga yata don eh. Ano? Punta ka?” “Hindi ko alam kung pupunta ako. Mahirap kasi wala akong kasama eh.” “Ano ka ba? Sasamahan naman kita eh. Nando’n ako.” “Seryoso? Pumayag si Father?” “Bakit naman hindi pumayag? Wala kasing bilib pa sa akin eh! Basta akong bahala, samahan kita!” “Bahala ka. Basta ha? Huwag mo akong sisihin kapag pinagalitan ka.” Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto kasi ang awkward namang nag-uusap kami na sarado ang pintuan ko. Pagkabukas ko ng pintuan ng aking kuwarto, nakita ko siyang naka-jersey short lang at walang pang-itaas. Napakaputi ng kanyang katawan at may pinong balbon sa dibdib niya patungo sa kanyang mabalahibong tiyan hanggang sa bahaging doon na tinatakpan na ng kanyang short. Napalunok ako. “Gusto mo bang hawakan?” tanong niya. Napakunot ang noo ko. “Hawakan ang alin?” Pero hinawakan na niya ang kamay ko at pinahaplos na niya sa akin ang kanyang dibdib, pababa sa kanyang tiyan at nang ipasok na niya ang kamay ko sa kanyang alaga ay agad ko nang hinila ang kamay ko. “Ang bastos naman!” agad akong umalis sa harap niya. Bumaba na ako sa hagdanan. “Ano, sama ka ba? Sabay na tayong aalis mamaya.” “Sige, tatapusin ko lang mga trabaho ko saka ako magpapalit.” “Isuot mo yung damit na bigay ko sa’yo ha? Saka yung mga ginagamit sa mukha para lalo kang gaganda.” “Oo na. Sige na!” napapangiti kong sagot kasi pati lipstick at make-up may binili rin siya sa akin. Hindi ko lang alam kung paano iyon gamitin. Polbo lang kasi nilalagay ko sa aking mukha at hindi ko pa nararanasan maglagay ng kolorete. Pagabi na pero kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako sa gabi at sa sayawan pa. Unang gabing magsusuot ako ng bagong damit. Yung dress na pang dalagang damit. Uniform at lumang damit na pambahay lang kasi ang lagi kong suot at hindi pa ako nakikita ni Paul na nakapustura. Ito ang unang pagkakataong magsuot ako ng dress. Unang karanasan na malagyan ang makinis at maputi kong mukha ng kolorete. Pero itinabi ko ang make-up. Naglagay lang ako ng polbo at nagpahid lang ako ng lipstick. Nang tinignan ko ang mukha ko sa salamin ay nakita kong okey naman na. Maganda na rin naman ako sa impleng ganoon lang. Hindi na kailangan pa ng kung anu-anong make-up pa kasi makinis at maputi naman ang mukha ko. Mamula-mula naman ang pisngi ko at maganda naman ang tubo ng matangos kong ilong at ang mga mata kong nangungusap. Nagpahid na lang ako ng lipstick sa aking labi. Hanggang sa nang matapos na ako ay tumingin ako sa salamin. Ako man ay nagandahan sa babaeng nakikita ko sa harap ko. Malayo sa babaeng laging nakasuot ng lumang damit, naka-short o kaya ay mga out of fashion nang donasyon. Hindi na ako iyon. Ibang babae. Isang napakagandang dalaga. Pagbaba ko sa hagdanan ay natulala si Paul. Hindi siya agad nakapagsalita. Si Father Dimas ang unang bumati sa akin at nagsalita. “Ang ganda mo naman Rizza.” Hindi ko inaasahan iyon. Siya na ayaw sa akin noon ang nagsabi na mismo sa akin ang pagpuring iyon. “Kung sana ganyan ka lagi paniguradong maraming aalok sa’yong mag-artista.” “Salamat po, Father. Hindi ko talaga ini-expect na sa inyo manggagaling ‘yan.” “Walang halong pambobola. Maganda ka talaga. Alam kong nakikita mo rin naman iyon, di ba? Kaya dapat alam mo kung kanino mo lang dapat ibigay ang kagandahang iyan ha? Huwag mong isugal sa iba lalo na kapag may nagmamay-ari na sa lalaking nagugustuhan mo. Huwag pumatol sa pag-aari na ng iba. Huwag sa mga lalaking walang pakinabang at ikaw ang bubuhay. Piliin mo yung kaya kang panindigan. Lalaking magbibigay sa’yo ng magandang buhay.” Nilingon niya si Paul sabay ang tingin sa akin. Kinabahan ako. Unang payo ni Father iyon sa akin ngunit bakit parang may ibang dating? Tumango pa rin ako at ngumiti para hindi siya makahalata na kinabahan ako. “Salamat po, Father.” Sumimangot si Paul kay Father Dimas. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ng partner niya sa akin. “Matagal kitang nakasama. Kaya gusto ko, anuman ang nakita mong mali sa akin, sa pagkatao ko, dapat huwag mong gayahin. Lumaki kang mabuting tao. Sige na. Nakiusap kasi si Kapitan na sumama ka para mas malaki ang kikitain nila kaya pumayag ako kahit hindi ka pa nag-JS. Sasama si Paul sa’yo para siguraduhing hindi ka roon mababastos ha? At gusto ko, mag-enjoy ka lang, okey?” “Sige po, Father. Salamat po.” “Sige na. Lumarga na kayo.” Pinaandar ni Paul ang kanyang motor. Nakatingin sa amin si Father kaya hindi siya umiimik. Hindi rin ako humawak sa kanya. Dumistansiya ako. Nang nakaalis na kami ay saka siya nagsalita. “Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng kasing-ganda mo? Galing akong Manila pero wala akong nakita na singganda mo roon.” “Binola mo pa ako.” “Totoo. Iba talaga yung ganda mo ngayon. Nagbabago pala talaga hitsura mo kapag naayusan ka ano?” “Grabe ka mambola ano?” “Nagsasabi ako ng totoo. Panigurado, magseselos ako mamaya sa mga mag-uunahang magsasayaw sa’yo.” “Bakit ka naman magseselos? Hindi naman tayo.” “Kung manliligaw ba ako? Sasagutin mo ako?” “Paano kayo ni Father? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina?” “Ang hirap ‘no? Parang hindi ko na kaya pa. Hindi ko siya mahal. Nandidiri na ako. Napapagod pero mismong magulang ko ang nagtutulak sa akin na huwag muna. Na maging praktikal ako. Para akong hindi makahinga. Hindi ko alam kung paano ako makawala.” “Kung gugustuhin mo naman, may paraan. Bakit hindi ka magtrabaho? 19 ka na. kaya mo na ang sarili mo.” “Sana nga ganoon lang kadali.” Huminga ako nang malalim. May mga gusto pa sana ako sabihin pero baka pag-awayan lang namin. Nanahimik na lang ako lalo na nakita kong malapit na rin naman kami sa sayawan. Dumating kaming maliwanag ang sayawan. Noong una, okey lang sa akin ang bumaba sa sa motor ni Paul ngunit nang nakababa na ako at naglalakad at sinalubong ni Kapitan ay nakita kong lahat ng mga mata ng tao ay nakadikit sa akin. Para bang nakakita sila ng anghel na bumaba sa lupa. Naririnig ko pa ang sinasabi ng ibang mga tsismosa sa simbahan na nagagandahan sa akin. Marami na kasing alingasngas tungkol kay Paul at kay Father ngunit sa akin o sa amin ni Paul, wala pa naman. Hindi ko alam kung talagang wala pa. Alam kong maganda ako ngunit yung nakita kong expression ng mukha nila parang gusto ko nang maniwala na totoo ang sinabi ni Father na pang artista ang level ng aking ganda. Tabi kami ni Mimi sa sayawan. Medyo nairita siya at hindi ko alam kung bakit. Insecure? Siguro. Bukod kasi sa pilit akong tinatapatan ni Mimi sa kagandahan, pati sa school kami ang mahigpit na magkalaman sa Top 1. Pero okey lang, magkaibigan naman kami. Ako sa kanya, kaibigan. Siya sa akin? Hindi ko alam. Nagsimula na ang sayawan at biglang dumating ang tatlo na nag-uunahang isayaw ako. Si Vic na kaklase ko at alam kong may lihim na gusto sa akin, si Dencio na anak ng kapitan at si Paul. Nakita kong dumating si Father. Nakatingin din sa amin ang ibang mga tsismosa. Paniguradong isyu kung si Paul ang kasayaw ko. Pero unang beses na sasayaw ako, hindi ba dapat doon sa maging memorable sa akin? Pero nakatingin si Father sa akin. Nakangiti si Kapitan na gusto niya yatang ireto ang anak niya sa akin, si Vic ang unang dumating. Sino ba sa kanila ang aking pipiliin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD