Nang makauwe isang surpresa ang kanyang nadatnan, nakaupo si kent, akbay ang babae, at mukhang ang saya nila, ang saya saya nila.
nagbago ang isip niya,
kailangan na siguro niyang sumuko.
kompleto ang boung pamilya, mukhang wala na siyang lugar sa buhay ng mga ito.lalo na at may dinadala siya, kailangan siya ng magiging mga anak niya,
"diyos ko kang bata ka, di kaba nagdala ng payong,"si lola, na agad lumapit.
alam kung medyo, maputla ako, lalo at umiyak ako ng umiyak.
"okay lang po ako lola,"
"anong okay, magkakasakit ka niyan"
"nagpunta lang po ako dito para magpaalam, "napatingin ang mga ito sa kanya na tila nagulat.
"paalam?,bakit?"si kent na binitiwan ang babae.
di ko pinansin, nang may maisip lumapit sa lalaki, sinampal niya ng malakas,
"malaya kana, tigilan mo na ang pagpapanggap na wala kang maalala, di na ako maghahabol pa sayo, para di na mahirapan ang pamilya mo, ginamit mo lang ako, sana tinapat mo ako na ayaw mo na, di kita kailangan sa buhay ko,salamat sa pagtanggap nyo sa akin lola, tita. " sabay talikod, di alam ang pupuntahan.
tinakbo ko ang masungit na panahon.
nang makarating sa bahay ng bayaw, nakabukas ang ilaw, sa sala, kita niya ang ate aina niya, nakatingin sa asawang may kasamang babae.
"okay ka lang ate?." tumango lang ito, lumayo kami ni ate alice, nang pumasok kami sa aming kwarto, umiyak si ate alice,
"lexa, buntis ako"humihikbing pagtatapat nito,
umiyak na din ako.pareho lang kami, niloko ng mga lalaking minahal namin.
"ako din te, at di ako pananagutan ni kent"umiiyak kung pag amin.
nag iyakan kami.
"kailangan tayo ni ate ngayon lex, magdadamayan tayo."
nang kinaumagahan ay umalis na kami sa poder ng pamilya ng asawa ni ate.
kent pov
tila nayanig ang mundo niya, naalala na niya ang lahat, kung sino ang babaeng yun, ang nobya niya na nakatakda na niyang pakasalan.
si Alexa Marie Ramirez, kaya ito inaantay nila na dumating ito, sakto naman dumating si Rich, ang kapatid ni kuya raymond.
naghaharutan kami ng dumating si Alexa, basa siya. naramdaman ko ang urge na yakapin ito.
"sus bat di pa kasi yakapin."buyo ni rich.
diyos ko kang bata ka, di kaba nagdala ng payong,"si lola, na agad lumapit.
"okay lang po ako lola,"sagot nito.
"anong okay, magkakasakit ka niyan"
si dad, alam na nila na nakakaalala na ako, kinausap ko na din sila na balak kung magpakasal na kami bago matapos ang buwan, mag aaral pa din ito,pumayag naman sila mom, lalo at malaki ang naging kasalanan niya dito.
"nagpunta lang po ako dito para magpaalam, "napatingin kaming lahat dito, kita ko ang butil ng mga luha na pumatak.
"paalam?,bakit?"si kent na binitiwan ko si rich at hinarap ito.
lumapit ito sa kanya, sinampal siya ng malakas,halos natulig siya pero, hinarap niya nag nanlilisik na mata nito, puno ng puot.
"malaya kana, tigilan mo na ang pagpapanggap na wala kang maalala, di na ako maghahabol pa sayo, para di na mahirapan ang pamilya mo, ginamit mo lang ako, sana tinapat mo ako na ayaw mo na, di kita kailangan sa buhay ko,salamat sa pagtanggap nyo sa akin lola, tita. " sabay talikod, di ako agad nakakilos sa gulat.
tumakbo siya kasama ang magulang, nakita nila ang pagsakay nito sa isang taxi, he check the gps of her girlfriend. maya maya ay nasa bahay na ng pinsan.
"bukas ko nalang siya kakausapin mom, pag medyo malamig na ang ulo,nasa kila tito na siya.".
"sana naman magkaayos na kayo."
"uo nga coz malamang pinagselosan ako."si rich,
"ang laki ng ibinagsak ng katawan niya,dahil sa stress malamang"si kira, na halatang pinaparinggan ako.
"actually kanina ko pa dapat na umaga kakausapin, kaya lang late na nagising."sabi ko.
magkatabi kaming matolog kagabi,ilang linggo na nitong inuukopa ang silid niya, nung una nagtaka siya, pero nang makita niya nA marami itong gamit doon, nang tanungin ang mommy nya, ayun dito ay bago siya mawalan ng alaala ay doon na talaga ito natutulog.
ewan niya siguro hinahanap hanap niya ang amoy ng nobya, kahit wala siyang maalala, ay madalas niya itong mapanaginipan, na kaulayaw niya.nung una medyo madalang, ngunit lately gabi gabi laman ito ng panaginip niya.
nagising niya nga ito kagabi, kasi nang umuwe siya ay tolog na ito, nauntog siya kahapon sa may filling cabinet sa opisina niya, medyo nawalan siya ng malay, nang magising ay gabi na, kaya nagmamadali siyang umuwe, gusto niyang bumawi sa dalaga, alam niyang labis niya itong nasaktan, pag uwe niya, himbing ang tolog nito.
hinalikan niya ito, bago siya natolog, at nangako sa sarili na aayusin ang relasyon nila.
kaninang umaga, pag gising nito, medyo tanghali na,ganun din siya, tinanong niya pa kung papasok na ito,nagmamadali ito, at tila may problema, malamang ay isa siya sa mga pinoproblema nito.
mag aalas dos ng hapon ng dumating ang matalik nitong kaibigan, si udit.
nang makilala niya ito, nagulat pa ito.
"nagpunta lang ako dito,para sana kausapin si alexa",
"wala dito, na kay ate niya, bakit tungkol ba sa school?"tanong ko.
"naku hindi,dadamayan ko sana, malaki ang problema nun."
"like?"si kira.
"una yang ulyanin mong kuya, tsaka datong, walang allowance yun, nangutang nga sa akin ng fifty pesos."sabi ni udit.
"sisingilin mo naba?"si kira na dumukot ng pera sa bulsa.
"gaga, di no, alam ko naman kung gaano kahirap, yung buhay nilang magkapatid, ewan ko dun kung bakit nag titiyaga sa inyo dito, wala naman siyang kinabukasan diyan sa kuya mo, mukhang pampalipas oras lang ang kaibigan ko, brainwash ko nga yun, ireto ko dun sa seaman kung pinsan, naku sexy at maganda siya, tiyak na maglalaway ng bongga ang pinsan ko."sabi nito, na walang pakialam na kumain ng meryendang dala ng katulong.
"naalala ko na siya,dont worry, papakasalan ko siya bago matapos ang buwan na ito."sabi ko.
"naku, mabuti naman pala at nagkaayos na kayo, kahit papanu nabawasan ang pasanin nun,alam mo ba kahapon, umiyak yun ng umiyak dito, "
"bakit anong nangyari?".
"kasi sino ba naman ang di iiyak kung makalimutan ka na nang boyfriend mo, matanggal ka pa sa scholarship,e malas na malas talaga, halos di nga makausap e, pasang awa ang mga grades niya ngayong sem, madalas kasi iyong naging absent niya nung nahospital ka."
"ganun ba, sige okay lang naman na wala siyang scholarship, ako na ang magpapaaral dun, mas maganda nga yung di siya ma pressure sa maintaining grades."sabi ko.
"oo nga, maganda yan, kentot, naku excited na ako."sabi nito bago nagpaalam.
isipin niya palang na may iba itong inaalagaan, may iba itong kasama nasasaktan na siya, mamamatay muna siya bago ito mapunta sa iba.
"anong plano mo sa ngayon anak,?"
"dad, diba pwede naman kami maikasal nang mabilisan lang?"
"oo anak, tatawagan ko ang ninong mo,para maisaayos,"
gusto niyang mapakasalan ito sa lalong madaling panahon, sa judge lang muna, then probably church na after.
"naku, salamat naman at nangangamoy happy ending na kayong mag nobya."
si lola, na eksaheradong huminga ng malalim.
nang gabing iyon ay, tinawagan niya ang mga kaibigan ng nobya, maging ang ilang professor nito, upang kuning ninang sa kasal nila ng nobya.