umuwing palawan ang boung angkan ng mga Gonzalez, may klase pa siya kaya di siya nakasama.
pumasok siya ng araw na yun, para na rin mag exam, kahit medyo di mapalagay ay nakaraos siya sa maghapon, bandang alas tres ng hapon ng bumulaga sa kanya ang isang nakakagimbal na balita.
nabangga ang minamaneho nitong kotse sa isang truck, ayon sa magulang nito, ay critical ang lagay nito, agad siyang nakipag ugnayan sa pamilya nito, nasa manila na ang mga ito, sa st.luke ito dinala.
at halos madurog ang puso niya ng makita ang nakakaawang kalagayan ng katipan.
puno ng dugo ang mukha nito, may ilang galos sa mga braso, ayon sa pinsan nito na si kuya hanz ang ulo ni kent ang napurohan.
"Anak, kaya natin to diba, gumising kana jan,huhu"iyak ni tita rizza habang hawak ang kamay ni kent.
lumapit ako agad kaming nag iyakan.
"gising na diyan, wag kang sumuko, papakasalan mo pa ako diba,"iyak ko dito, nagulat nalang ako nang nag beep ng malakas ang machine na nakakabit sa nobyo.
flat line
di ko na namalayan na nakalabas ako, ang tanging bumabalik sa alaala ko ay ang paghahabol nito ng hininga.
'diyos ko, buhayin nyo po siya,wag nyo po kaming papabayaan' naiiyak kung usal, walang tigil ang paruot parito ni tito, lahat nag aalala.
kitang kita na maraming doctor at nurses ang tumingin dito, may parang kuryente na nilalagay sa dibdib.
lumipas ang mga oras, walang tigil ang takbohan ng mga doctor.
makalipas ang mahigit anim na oras, lumabas ang doctor.
"Mr. Gonzalez, for now he is stable, we have to wait for another forty eight hours,pag hindi siya magising, he will be in coma, we just hope that he wake up."
"thank you doc"
nang makapag paalam ang mga kamag anak nila, naiwan ako at ang ama at ina ni kent.
"hija, di kapaba uuwe?",tanong ni tito.
"aantayin ko po siyang magising tita, wala naman akong pasok,"
"ikaw ang bahala,bweno samahan mong kumain ang tita mo,"sabi ni tito.
"opo" sabi ko sabay kaming umalis ni tita.
parehas kaming tamilmil sa pagkain,
nang makabalik ay iniwan kami ni tito para kumuha ng bihisan ni tita.
di kami natolog halos, kasi nilipat sa private room si kent, bandang alas dos ng madaling araw.
lumipas ang dalawang araw ay di ito nagising, coma na siya, at halos napabayaan na din niya ang pag aaral niya, madalas siyang bantay nito.
isang buwan matapos itong macoma, ay nagising ito, hilom na ang mga sugat nito.
"sino ka?,ikaw ba ang nurse na nakabantay dito?"tanong nito sa akin.
"hin-"
"anak ko, diyos ko, salamat sa diyos nagising kana"si tita sabay yakap sa ina, maya maya pumasok si kira, ang mga lolo at lola niya, natulak ako palayo.
"ma, i cant breath"reklamo nito.
"pinag alala mo kami alam mo ba yun,"si lola.
"what happened,?"nagugulohan itong tumingin sa kanyang pamilya.
"di mo naalala?"si daddy niya.
"yeah, wait nurse can i have water please, im so thirsty"sabi nito, napalingon naman ako, ako ba talaga ang sinabihan nito.
"why so dumb, of course its you, lilingon kapa."sabi nito.
nainis ako.
"shes not your nurse son, shes alexa,"sabi ni tita.
"naah i dont remember her, who is she?"tanong nito.
"shes your girlfriend",si lola.
"are you kidding me?,she so boyish" nakangiwi nitong sabi.
sa bwesit ko nag walk out ako, naiyak ako.
kinausap ako ng mga magulang niya na intindihin ko si kent, kasi nagkaroon ng amnesia ang nobyo, ayon daw sa doctor nito, gradually babalik ang alaala nito, lalo kung laging nakikita at nakakasalamuha ang mga taong nakalimutan nito.
di siya nito kilala, at lagi siyang binubulyawan pag dumadalaw siya, ang ending di na siya nagpakita muna.
nang makalabas ng hospital, ay halos araw araw siya sa bahay ng mga ito.
pansin narin ang pamamayat niya.
"nandito ka na naman?" sita nito sa akin.
"oo lagi naman ako dito"sagot ko.
"nakakairita ang mukha mo, panu ba kita naging girlfriend," sabi nito na masama ang tingin sa akin.
"ewan ko sayo,"nilayasan ko na.
nasasaktan ako sa mga nangyayari, di din niya ito masisi kung bat ganun ang trato nito sa kanya.
nang sumunod na araw ay may dumalaw na magandang babae dito, nang sumunod si krista naman.
nang isang beses na sinundan niya ito, nakita niyang kadate sa isang restaurant ang babaeng kasama nito dati,
"alam mo pathetic ka, habol ka ng habol sa akin,jezz you cant even pass my standard for a girlfriend, your so plain",
di ako kumibo, sobrang sakit na, kinausap siya ng mga magulang nito n intindihin niya parin,
nang sumunod na araw nakita niya itong may kahalikan na babae,sobrang durog na durog na siya.halos di na siya makapasok sa kakasunod dito.
napabayaan na niya maging ang mga kapatid, nang sumunod na araw, pinatawag siya ng school admin,
"Miss Ramirez, ilang araw kang absent, at puro mababa ang marka mo, sorry pero natanggal kana sa scholarship,alam mo naman ang patakaran dito diba", tanging iyak nalang ang nagawa niya.
nang maglakad siya sa highway, nawalan siya ng malay, at isang problema ang dagdag. dalawang buwan na siyang nagdadalantao, at kambal ang kanyang dinadala.
lugo lugong, gulong gulo ang isip niya,
umiyak siya nang umiyak, iyak ng hinagpis, wala siyang mapagsumbongan, nasumpongan niya ang sariling nasa ilalim ng ulan, sa harap ng puntod ng mga magulang.
"nay, tay, di ko na po kaya, "
nang mahimasmasan ay isang pasya ang nabuo niya, sasabihin niya sa mga gonzalez ang kalagayan niya, buo ang pasya na umuwe.