[Aidan's pov] Kitang kita ko ang paglapit ng apoy kay Naomi. Hindi ko alam pero tila sumikip ang dibdib ko habang tumatakbo ako sa kinaroroonan niya. Alam ko na hindi ako aabot pa. Hanggang sa ang alam ko ay may isang malamig na liwanag ang bumalot sa paligid. Sa tindi ng liwanag ay napapikit ako rito. Pagmulat ko ay wala na ang apoy na gawa sa black magic at tumambad ang nakahigang katawan ni Naomi. "sh*t" tanging naibulalas ko at agad ito nilapitan Inispeksyon ko ang pulso niya. Tumitibok pa ito tapos ang katawan niya kung nakatamo siya ng paso mula sa apoy kanina. Wala akong nakitang kakaiba. Nakapalibot sa amin ang iba pa. "dalhin natin siya kay Heal!" naghihisterikal na sabi ni Caramel Agad ko binuhat si Naomi at tinakbo ang patungo sa clinic ni Heal. Alam ko na nakasunod ang