[Naomi's pov] Inabutan ako ni Aidan ng isang kapa. "isuot mo iyan" sabi niya sabay irap sa akin Ginawa ko naman. "bakit ba kailangan natin magsuot nito?" tanong ko Hinarap niya ako sa salamin at laking gulat ko dahil iba ang itsura ko. "woah sino ang gwapong lalaking ito?" sabi ko saka lumapit sa salamin "may mahika ang kapa na iyan" sabi ni Aidan "kaya nitong baguhin ang anyo ng tulad natin kaya maganda itong gamitin para mag-imbestiga" Napalunok ako. Hanggang ngayon ay wala akong maisip na maaaring idahilan kay Aidan para hindi matuloy ito. May sinuot rin siya at naging itsurang babae naman siya. Baliktad yata kami ng sinuot. Tsk! Hinila niya ang kamay ko. "saan kaya tayo magstart?" bulong ni Aidan habang nililibot ang tingin Bigla siya napangisi at hinila na naman ako. Mukha