Tonight is Jizan's birthday. It's a formal celebration kaya dapat ang lahat ay naka formal attire rin, I am wearing a plain maroon gown. Ayoko nang masyadong maraming disenyo na gown dahil mabigat at makati. Kaya etong plain lang ang pinili ko.
Tahimik akong nakaupo sa table ng pamilya namin habang hinihintay dumating ang iba pang guests. Soren and his friends are in the same table with us.
"I can't believe, Tito Manzo is getting married." Sabi ni Soren habang nakatingin kina Mom at Dad.
"Me too, son. I thought he would never date." Sabi naman ni Dad.
"Hey, Evie...I heard you spent the rest of your time yesterday with Riguel." Napatingin ako kay Avie ng bigla siyang magsalita, at kitang-kita ko ang pang-iinis sa mukha niya.
I rolled my eyes. "Yeah, then what?" I asked.
"Wala naman, I just didn't expect na si Riguel ang icho-choose mo over Jizan." Simple niyang sabi habang nakangiti parin saakin.
"What? I'll never choose anyone, at bakit naman ako pilili?" Saad ko.
"My god naman sis, obvious naman na may crush yung both sayo. Ayaw mo lang i admit." Sabi niya, while curling the tip of her hair using her fimgers.
"Ang hilig mo mag overthink Avie. Ang mas mabuti pa, huwag mo na silang isiping dalawa." Sabi ko at iniwas na ang tingin kay Avie.
"Yeah? Whatever you say, but I really suggests that you should choose mabuti." Choose mabuti? What the hell is wrong with her tongue at bakit ang conyo niya?
Nagsimula na ang celebration at tahimik lang akong nanonood sa mga nagbibigay ng speech para kay Jizan. Ang corny naman, para siyang nagde-debut dahil sa mga speech.
Napahinga ako ng malalim at agad namang nahagip ng mata ko si Jizan na nakatingin rin saakin. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad rin siyang umiwas.
Napatingin ako sa hawak kong box, gusto kong ibigay sakanya nang personal ang gift ko. Dahil nakalimutan kong lagyan ng gift card, baka akala niya hindi ko siya binigyan ng gift dahil wala ang pangalan ko.
"Mom, Dad, I'll just give my gift to Jizan." Paalam ko kina Mom at Dad at tumayo na.
I walked towards Jizan's direction, nakita ko naman ang pag tingin niya saakin at agad ring binalik ang tingin niya sa stage. Ang taray nang isang 'to! Nag birthday lang parang magkaka-sore eyes na pag tumingin saakin.
Nag-iisa lang siya sa table nila kaya agad akong umupo sa tabi niya.
"Hi Jizan! I forgot to put my name in gift. Kaya ibibigay ko nalang sa'yo nang personal. I didn't want you to assume na hindi kita binigyan ng regalo e." I said and handed him the small flat box.
Napatingin naman siya roon and sighed.
"I already memorized the detail of the box, pwede mo nang ibigay 'yan sa gift collector." Nangunot ang noo ko dahil sa inaasal ng isang 'to. Anong problema nito?
"Ang taray mo naman, porket nag birthday tumaray na?" Natatawa kong tanong sakanya.
Hindi tumawa si Jizan sa sinabi ko at nanatiling nakatingin sa stage.
I sighed. "Alright then, ibibigay ko nalang sa collector." I said at agad tumayo.
Pagkatapos kong ibigay sa collector ang gift ko para kay Jizan ay babalik na sana ako sa table namin pero may nakabangga ako habang naglalakad.
Napahawak ako sa ulo ko at agad napatingin sa taong nabangga ko. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Catalina na inaayos ang gown niya.
She is wearing the same gown like me. Plain, and even the type of gown is the same! What the actual f**k.
She looked at me from head to toe and smiled. "We have the same taste huh? Simple and cute."
"Yeah..." Maikli kong sabi.
"It suits you by the way, and you look beautiful." Ngumiti ako ng tipid kay Catalina.
"Thanks, you too. You look beautiful too." She smiled at my statement at luminga linga na parang may hinahanap.
"Have you seen Jizan?" Tanong niya saakin.
Napatingin ako sa inuupuan ni Jizan kanina pero wala na siya dun. Saan nagpunta ang isang yon?
"Hindi e, I haven't seen him. But he's just there earlier nakikinig ata sa mga speech." I explained. She nodded at me and looked at her phone.
Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Can I sit with your table then? Aalis rin ako kapag nakita ko na si Jizan." Napairap ako sa sinabi ni Catalina, why is she being so friendly to me? Hindi kami close in the first place!
"Why would I let you?" I asked.
"Uh? Bawal ba? Makikiupo lang sana ako—"
"Dun ka sa guest table, huwag sa family table umupo. Pamilya kaba namin? Hindi naman diba?" Mataray kong tanong, akala ko ay magagalit rin siya saakin pero ngumiti lang siya.
"Really? Guest table? I'm considered as Jizan's family friend e. And he said I am allowed to sit anywhere so? I am allowed to sit sa family table niyo."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Catalina, ang kapal naman ng mukha niya? Family table nga diba? Para sa family lang namin? And why the f**k would he let Catalina sit everywhere? Nagmumukha siyang joiners.
"Ah, I see. Gusto mong maging epal. Okay then, but please be aware that my sister Avie doesn't like mga epal." I said and smiled at her.
Nakakainis. Nakakainis talaga. Akala ko ba kakampi ko itong si Avie, pero bakit parang mas naging close sila netong si Catalina?! We are supposed to hate her! Hindi 'yang, nagtagawanan sila nang sabay at nag-uusap about their interests. Nakakainis ang babaeng 'to! Tsk!
Napairap nalang ako kay Avie at Catalina na nag-uusap tungkol sa mga bagay bagay.
"Why are you irritated today?" Napatingin ako kay Soren ng bigla siyang nagsalita.
"Just don't mind me." Maikli kong sabi at napasinghal. Nakakainis talaga.
Tapos na ang kainan at ang mga speech. The engagement announcement is already done also, nagsasaya nalang ang lahat ngayon, at halos lahat ay sumasayaw sa tugtog. Pero hindi na ako nakisabay at tahimik lang na nakaupo dito sa family table namin.
My parents are already on the table kung saan nandun rin ang mga parents. Maybe for business.
Biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad naman saakin ang pangalan ni Riguel.
From: Riguel
Are you bored?
Agad naman akong nagreply sakanya.
To: Riguel
Yes.
From: Riguel
Oh? Come with me, let's go somewhere.
Agad akong napangiti sa sinabi ni Riguel, this is what I like about Riguel. Lagi niyang inaalis ang boredom ko sa mga bagay-bagay.
"Powder Room lang." Sabi ko kina Avie at nag thumbs-up naman siya saakin at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Catalina. Tss.
Agad namang hinanap ng mga mata ko si Riguel at nakita ko naman siyang nakatayo na sa may exit. Waving his hands. He's so cute! Lol!
Kaagad akong lumapit sakanya at ngumiti.
"Finally! You're here! Bored na ako kanina pa." Nakangiti kong sabi.
He cockily smiled at me at pinatunog ang dila niya, agad niya naman akong hinila papalapit sakanya at pinisil ang pisngi.
"As usual~~bored ka during formal events. Andito naman ako lagi para pumatay ng boredom mo e." Nakangiti niyang saad.
"Talaga ba? Andito ka lagi?" May pang-aasar kong tanong sakanya.
"Yes. I am here, always." Napatawa nalang ako at agad siyang hinila palabas.
Nagpatianod naman siya saakin at hiniyaan akong hilahin siya.
"Bakit ba bored na bored ka? Kasama niyo naman ata si Catalina sa table niyo ah? Madaldal naman yun." Sabi niya habang naglalakad kami ng sabay.
"Duh? Pati ba naman ikaw gusto siya? Ayoko sakanya, ewan ko unang tingin ko palang sakanya ayoko na sakanya." Sabi ko habang tinatanggal ang mga hair clips na nasa buhok ko.
Agad niya naman hinawakan ang kamay ko at siya na mismo ang nagtanggal ng clips sa hair ko.
"Really? Lina is a nice girl though. Maybe you have other reasons kung bakit naiinis ka sakanya." Sabi niya, habang marahan na sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
Nang matanggal niya na lahat ay sabay kaming naglakad papunta sa garden ng venue na pinuntahan namin. Umupo kami sa bench at agad akong napangiti, mas mabuti nang kami lang ni Riguel magkasama kesa kasama ko yung Catalina na yun.
"Nice girl? Oh yeah? Maybe. Pero basta! Ayoko sakanya." Napatawa nang mahina si Riguel dahil sa sinabi ko.
"Eh bakit nga? Dahil ba ex siya ni Jizan?" Agad akong napatingin kay Riguel na parang nandidiri.
"Ew? Why would I be irritated just because of that?" I asked him.
"Well, I don't know. Maybe because you like him." Simple niyang saad.
Like? I like Jizan? What the f**k, never! Kahit kailan hinding-hindi ko siya magugustuhan.
"Alam mo ikaw, ang hilig mo mang-asar! Hindi ko magugustuhan si Jizan okay? On your wildest dreams!" Natatawa kong sabi.
Napatingin ako kay Riguel at nakita kong maamo na ang mukha niya, he looks calm pero kahit ang kalma ng ekspresyon niya hindi niya naitago ang tunay na nararamdaman ng mga mata niya.
He's...he's hurt? But why? Bakit siya nasasaktan, he is calm yet his eyes are hurting..but why?
"You are just saying that Evie...but maybe soon, you'll distinguish the feeling you are feeling. And you'll realize that you really like Jizan..."
Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi ni Riguel, mas magaling pa siya kesa sakin huh? E ako naman ang mas nakakaalam ng nararamdaman ko.
"Just shut up, alright? Alam ko ang sinasabi ko, at alam ko kung ano ang nararamdaman ko." Naiinis kong sabi.
I heard Riguel chuckled beside me at agad kinurot ang tungki ng ilong ko. Agad kong iniwas ang mukha ko sakanya.
"Galit kana ba niyan?" Nakangisi niyang tanong habang hinahawakan ang ulo ko.
"Hindi ako galit!" Sabi ko.
"Weh? Galit ka e..." May halong pang-iinis sa boses niya habang sinasabi ang mga salitang yun.
"Hindi nga!" Mas matigas kong sabi kay Riguel.
"Weh?" Mahaba niyang saad.
Agad akong napalingon kay Riguel at nagulat ako ng makita ko kung gaano kalapit ang mga mukha namin. He is smiling from ear to ear, at wala na ang sakit sa mga mata niya at na palitan ito ng kasiyahan.
He raised his eyebrows at me at ngumiti ulit. Palangiti talaga.
Agad naman akong napapikit ng marahan niyang pinitik ang noo ko.
"Aray! Bwisit!" Sabi ko at agad hinawakan ang noo ko, napalingon ako sa ibang direksyon at hinimas-himas ang noo ko.
"Pero pikon kana nga diba?"
"Tangina mo Riguel! Ang sakit ng noo ko! Bwisit ka talaga kahit kailan!" Sigaw ko kay Riguel na hawak hawak parin ang noo ko.
"Eh? Hindi naman ganun kalakas yun ah! Ang OA naman!" Natatawa niyang sabi.
"Patingin nga." Sabi niya at pinaharap ako sakanya.
He removed my hand and stared at my forehead. Nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa noo ko.
"Your skin is so sensitive! Your forehead is so red." Sabi niya and caressed my forehead using his thumb.
"Masakit ba talaga?" He asked me and looked down.
Hindi ako makapagsalita, he is so close to me at parang humihinga na siya sa noo ko. f**k. What is this, bakit ako kinakabahan.
"Y-yeah..kinda." Maikli kong sabi.
"I know something that can take the pain away." Agad tumaas ang isang kilay ko sakanya.
"Ano?"
"A kiss."
I didn't have any chance to speak, when I felt his soft lips planted a small kiss on my forehead.
What the f**k.
Biglang may tumawag sa cellphone ni Riguel kaya napalayo siya saakin at agad iyong sinagot. Medyo lumayo siya saakin para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila ng tumawag sakanya but that isn't my concern right now! Napahawak ako sa noo ko at agad napapikit.
Tangina talaga. Ibinaba ko ang kamay ko at napahalukipkip. Ano ba pumasok sa utak niya at ginawa niya yun? Nababaliw naba siya?
Napatingin si Riguel saakin at binaba ang cellphone niya. "Kailangan kong bumalik sa loob, I need to talk to some investors. Kaya kung lalamigin ka rito pumasok kana rin sa loob ha?"
"There is a fountain dun sa unahan, kung gusto mong tingnan puntahan mo nalang okay? I'll try to be quick..." He said and patted my head at agad umalis.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa pag-alis ni Riguel. Salamat naman! Ayokong maging awkward sa tabi niya no! Tsaka hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya after what he did.
Pero agad namang nabalik ang kaba ko nang makita ko si Jizan na naglalakad papalapit saakin, seryoso ang mukha niya at parang galit siya. Agad akong kinabahan, my heart is beating so fast at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Mas awkward pala kapag si Jizan!
"I saw what he did." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Agad akong napaurong.
"W-what?" Nauutal kong tanong.
"I saw that Riguel did, is he already your boyfriend?" Tanong niya, using a very deep tone. While his adam's apple is moving up and down.
"San naman yan nang galing?" Tanong ko sakanya. Iniwas ko ang tingin ko kay Jizan, dahil parang hindi ko kaya tumingin sa mga mata niya. Parang nakakahilo.
"He kissed you. What do you want me to expect?" He asked.
"Hindi ko sya boyfriend! E hindi ko nga sya gusto e." I said. Nakakainis naman, ano bang trip ng dalawang to? Akala ni Riguel gusto ko Jizan, tapos akala naman ni Jizan gusto ko si Riguel!
"So you're letting anyone to kiss you?" Hindi niya makapaniwalang sabi.
"What?! No!"
"Then why did you let him kiss you?" Tanong ulit ni Jizan. Napairap nalang ako sakanya.
Tsk! "Ikaw nga tong hindi namamansin kanina, tapos ngayon ginugulo mo ako." I whispered.
"I can hear that." Kalmado niyang sabi.
"I don't care, umalis kana nga rito! Baka maabutan kapa ni Riguel at mag-away pa kayong dalawa—"
"So you prefer staying with him than me?" May halong pagka-inis sa boses ni Jizan pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"What? No! I mean, I never said that!" Nakakainis talaga. Ano bang gusto niyang iparating ha?
Huminga siya ng malalim at pinaharap ako sakanya habang hawak ang magkabilang balikat ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya pero nakatitig lang parin siya saakin.
He held my forehead at agad iyong hinimas ng mariin na parang may dumi na matagal makuha sa noo ko.
"What the f**k are you doing?" Naiinis kong sabi.
"Shut up. Don't curse." Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Jizan. He continued caressing my forehead hard at hindi na ako magsalita.
And when he's contented he finally stopped at tiningnan ako.
"Listen Eveanna, don't you ever date someone that is close to me. Hindi ako papayag." He said hardly. Mas kinabahan ako sa sinabi niya at hindi ako makagalaw.
Why am I f*****g scared of him? I am Eveanna Santillana! I shouldn't be scared of him!
He looked at me with full authorisation and caressed my face gently.
"Do you understand me? Princess?" He asked again.
Maamo akong napatango sakanya. He smirked at my response at napalayo na saakin. Na pahinga naman ako ng naluwag ng makita kong malayo na siya saakin, damn him.
Umiwas ako ng tingin sa direksyon niya at hinabol ang hininga ko.
"I'm sorry about earlier..." Biglaan niyang pag sabi.
"Huh?"
"I'm sorry for being rude to you earlier." Ah yeah! He's being so mean to me earlier! Nakakainis!
"Uh, yeah. It's okay.."
"And Soren told me about you being bossy to Catalina earlier..." Wtf Soren? Akala ko ba kapatid kita?
"What?! I am not being bossy with her! She is just so 'fc' and you know I hate fc's!" Naiinis kong sabi, while rolling my eyes.
"Oh really? As fas as I know you are just jealous of her because she is close to me." May halong pang-iinis sa boses niya habang sinasabi iyon.
"The hell? Ang assuming mo naman!" Halos sigawan ko na siya dahil sa inis na nararamdaman ko.
"I bet it's true though..."
"Ang alin?!"
"That you have a crush on me." Agad akong napatawa dahil sa sinabi ni Jizan. Ang kapal naman ng mukha neto.
"Alam mo ikaw...napaka-assumero mo! Bakit naman ako magkakagusto sa'yo? We're not even close!" Sabi ko sakanya.
"Not close really? We already slept beside each other sa sasakyan. And you're telling me we aren't that close?" Natatawa niyang sabi. Agad akong napalingon sakanya at tinitigan siya ng masama.
Napatingin naman siya saakin at agad siyang ngumiti ng nakakaloko.
"I admit it you're kinda clingy when asleep. Hilig mo mangyakap e." Nakangisi niyang sabi.
"What the f**k, Jizan! You are such a perv!" Naiinis kong sabi.
"I said no cursing. And what? Me a perv? Ang gwapo ko namang manyak." He buffed.
Napasapo ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Jizan. Tangina neto.
"Nakakainis ka..." Mahina kong bulong.
"No, princess I am not..." Tumatawa niyang sabi.
"Huwag mo akong tawagin nyan.." I said.
"Why? What do you want me to call you huh?" He asked.
Napatingin ako sakanya at andun parin ang ngiti niya na kanina pa nakalagay sa mukha niya. He raised both his eyebrows while still smiling and looking at me.
"Just call me whatever you want but not that one." Sabi ko sakanya. Iniwas ko ulit ang tingin ako at itinuon ang pansin ko sa mga halaman.
"Why? Calling you princess is cute. You are a real princess by the way, you grew like one." Sabi niya.
"Tss." I hissed.
"Okay then if you don't like it, I'll call you my alternate endearment for you."
"What? Alternate Endearment?" Naguguluhan kong tanong.
"Yeah.."
"Ano yun?"
"Secret. You'll hear it soon."
Napairap nalang ako sa sinabi ni Jizan. Whatever Jizan, whatever.