C43

2254 Words
Doon na nga nagsimula maglaro si Ros. Nung una, kinakabahan siya hawakan ang mouse pero nawala nalang takot niya nang simulan niyang ipindot ang keybord. Di niya alam parang alam na alam niya saan siya pipindot at para saan iyon. Habang panay lakad lang ng nilalaro niya ay panay salita naman yung lider. "Kailangan mo makarami ng mapatay na kalaban. Kung sino ang naunang namatay, iyon ang talo at kung sino ang buhay pa, yun ang panalo. Kailangan mo di mamatay at dapat deretsyo kalang para mabawi namin yung 1000 namin sa kabilang grupo." Paliwanag ng lider sa laro niya. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito pero tinututok nalang ni Ros ito sa paglalaro niya ng Ros. Ramdam niya na masaya siya sa ginagawa niya. Masaya siya habang naglalaro niyo. Feeling niya, noon ata magaling ata siya sa larong ito. Ngayon na wala siyang memorya, di man niya nakilala ang nakaraan niya, alaala naman ng katawan niya ang ginagawa niya. Nakapatay naman siya ng isa at sa kabila bumabaril palang. Muntikan nang mabaril siya ng kalaban niya mabuti't siya naunang nakabaril dito at nakadalawang patay na siya. Nakangiti siya habang naglalaro ng Ros nung oras iyon. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon pero masaya siya sa paglalaro niya ng Ros. ELIZABETH VILLATORTE POV:) Pauwi na ako galing sa trabaho ko. May dala akong supot kung saan bumili ako sa karinderya malapit sa amin ng ulam at kanin para kakainin namin mamaya ni Ros. Nang nasa tapat na ako ng apartment ko, napatingin ako sa computer shop at kita kong lalong dumami ang mga kabataan doon at parang may pinapanood silang naglalaro. Nakakapagtaka lang kasi dahil mukhang bilib na bilib sila sa pinapanood nilang naglalaro. Di ko makita masyado yung lalaking naglalaro sahil bahagyang nahaharangan ng mga kabataang nanonood. Kumibit-balikat nalang ako at naglakad na ako papasok sa apartment. Dali-dali pumanhik na ako ng hagdan at tumungo sa room ko. Pagkapasok ko, tumungo ako sa kusina para ilagay sa mesa ang supot kung saan nandodoon ang uulamin namin ngayong gabi ni Ros. "Ros, are you in the room? Wake up na! We gonna eat now! I'm going to heat our food." English na sabi ko habang hinuhugasan ko ang kamay ko. Pagkatapos, kumuha ako ng platito para ilagay doon yung ulam. Tumungo ako sa mesa at kinuha sa supot ang ulam. Binuksan ko na iyon at nilagay sa platito. Uulamin namin ngayong gabi ay ginataang munggo. "Initin ko pa ba ito?" Tanong ko sa sarili ko."Hmm, wag na ata. Safe naman ito." Sabi ko nalang at kumuha na ng pinggan at kutsara. Nang maayos na ang lahat, naglakad ako patungo sa kuwarto ko para tawagin si Ros. "Ros, wake up na! Go out now! We gonna eat na!" Tawag ko pa rin. Walang umiimik kaya binuksan ko ang pinto. Nakita ko nalang walang katao-tao sa kuwarto at walang Ros akong nakitang nakahiga. Tinungo ko agad ang CR at walang Ros rin akong nakita doon. Nasapo ko nalang noo ko sa laking problema ko ngayon. "Asan si Ros?" Problemadong turan ko. THIRD PERSON POV:) "Woaahhh! Ang galing niya." "Gold 4 na siya." "Wala pa siyang talo kanina pa. Dami na pinatay niya." Yan ang bulong-bulungan ng mga kabataan sa computer shop habang pinapanood nila si Ros na naglalaro ng Rules of Survival. Tama ang narinig ninyo. Mula kanina at ngayon, wala pang talo si Ros. Kanina nasa Platinum 2 palang siya, ngayon nasa Gold 1 na siya halos bilib na bilib na sa kanya ang mga tao sa loob ng computer shop. Ang unang grupo ay natalo na niya at may panibagong grupo na naman siyang kalaban. Siguro, matatalo rin niya iyon dahil marami na ang talo nito. Di lang iyon, marami na ang pera naipon niya sa kalaban niyang natalo niya. Halos lahat na ata ng kabataan dito, nagpupusta na ng pera kung sino ang hindi unang mamamatay. Halos yung lider na nagpalaro sa kanya, bilib na bilib din. Binilhan pa siya ng pagkain ng mga tauhan nito. "Snack mo, Boss. Baka gutom kana." Sabi ng isang kasama ng lider sabay lapag ng isang biscuit malapit sa keyboard niya. "Thanks." Nakangiti sabi niya habang nakatutok lang sa screen. May napatay na naman siyang kalaban halos napa-'wow' na naman ang mga tao. "s**t! Talo na naman!" Sabi ng kabilang grupo nang natalo na naman ito. "One hundred nyo, bigay nyo samin." Sabi ng lider halos ine-exposed na niya yung palad dahil excited na naman makakuha ng pera. Kakamot-kamot ng ulo na binigay nga ng lalaki yung one hundred. At nakangiting binilang na ng lider yung pera na naipon na dahil sa napanalunan namin. "Naka-2500 na tayo!" Tuwang-tuwa sabi ng lider. "Hati-hati tayo dyan." Sabi ng isang kasama nitong lalaki. Nagpatuloy lang sa paglalaro si Ros dahil nag-eenjoy siya maglaro ng Rules of Survival. "Wala na kayong pera?" Mayabang na tanong ng lider sa kabilang grupo. Nahihiyang tumango ito. Nakangiting pilyo na nagtanong ulit ang lider."Sino susunod na lalaban?" Tanong nito sa mga kabataan na nandito sa computer shop. Walang umimik. Nagsitikhim lang sila at umiwas tingin. Nang wala talaga, lumapit ang lider sa kanya sabay hawak sa balikat at may sinabi sa kanya. "Wala na sayo lalaban, Ros. Paano yan? Tapusin mo na yang nilalaro mo." Sabi nito sa kanya. Di niya naintindihan sinasabi nito kaya tumahimik lang siya. Nagpatuloy lang sa paglalaro. Di niya kasi masabi-sabi na di siya nakakaintindi ng tagalog kaya bahala na. "Galing niya! Siya na ang King of Rules of Survival." Sabi ng isang kabataan na nandito. "King of Ros." "Ano pangalan niya?" "Taga saan siya? Mukhang baguhan siya dito ah?" "Tol, mukhang anak mayaman. Kita mo palang sa kutis at mukha niya ee." Yan ang bulong-bulongan dito. Tinapos na nga ni Ros ang nilalaro niya dahil masyado na siyang nababad sa computer. Nakita kasi niya sa screen ng computer na alas 6 na ng gabi kaya kailangan na ata niya umuwi. Papagalitan siya ni Lady Beth niya. "I'm sorry, Leader. I got to go!" Nagmamadali na sabi niya sa lider. Di pa niya alam ang pangalan nito kaya tinawag pa niyang lider ito. "Sandali! Pera mo!" Pigil nito sa kanya. Binigyan siya nito ng 1k. "For what is this?" Takang tanong niya halos napakunot-noo pa si Ros. "Ah?" Di naintindihan na turan lamang nito. "Anyway, I'm sorry. I don't understand tagalog. Please speak english." Pag-aamin niya. "Englishero?" Sabay saad nung kasama nung lider halos napapikit-pikit pa ng mata. "Tae! Mapapasubo ako nito." Mahinang turan ni Lider. "Okay. Hmm, this money is...ano nga english ng hati na yan? Hmm... Ah! This money is cut in your playing, Ros. This money what we win in this game. Get this and thanks for winning our group." Zabi nito sa kanya sabay lagay ng pera sa kamay niya. "Hmm, t-thanks." Turan lang ni Ros. "By the way, this is Jake, Jero, and John." Pagpapakilala nito sa kasama niya. "Hello!" Bati ng mga ito sa kanya halos nag-wave pa ng hand. "Hello." Bati rin niya at ngumiti. "And I'm Anthony. Kilala ako dito bilang bossbrad---- I mean, they called me Bossbrad. So, call me bossbrad for short." Pagpapakilala ng lider sa sarili niya. "Bossbrad. Wow! It's cool name." Nakangiting bulalas niya. "Yeah, yeah! Hehehe." Sabi lang ni Bossbrad halos pilit ang tawa niya."You? What's your name?" Tanong nito sa kanya. "I'm Ros." Proud na proud na sabi niya sa pangalan niya at doon na nagsi-ingay Ang mga kabataan sa computer shop sa nalaman ang name ko. "Ros? Kaya naman pala magaling siya sa Ros." Yan narinig niyang sabi at di na naman niya masyado maintindihan. "Anyway, bye. See you tomorrow!" Paalam na niya at lumabas na agad ng computer shop. Siguro, nasa bahay na si Lady Beth at nag-aalala na ito sa kanya. Alam na niyang lagot siya dito. ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Kuya, may nakita po ba kayong lalaking matangkad? Naka-sando po siyang puti at naka-short na may butas-butas---" di ko na natuloy sasabihin ko na nag-sign ng kamay yung lalaking tinatanong ko na wala siyang nakita at iniwan na ako nito. Lumapit naman ako sa isang mag-asawa na magkasama para magtanong. "Miss, Mister! Excuse me po. May nakita ba kayong lalaking naka-sandong puti at short na may butas-butas? Maputi po siya, matangos ang ilong, may killer smile at..." Takte! Lahat na atang katangian ng guwapong lalaki sa kanya niya. Paano ko ba ieexplain mukha nito ee di ko masabi na guwapo yung lalaking iyon. Tss. "Basta po, matangkad siya at englishero siya." Patuloy na describe ko kay Clive. Letcheng batang iyon! Sabi nang di lalayo ee. Kulit! "Wala." Sagot ng babae sakin. "Ah? Ganon po ba? Sige, salamat po." Sabi ko nalang. Umalis na ito at naiwan akong napasimangot at humugot ng hininga. "Saan ko hahanapin yung estrangherong iyon?! Sa kaylaki ng Maynila, saan ako magsisimula?" Problemadang sabi ko at napakamot nalang ako ng ulo ko. Nakakita ako ng isang bench at naupo agad ako doon. Gusto ko magpahinga dahil kanina pa ko palakad-lakad dito. Nandito ako sa Luneta Park. Nagbabakasakaling napadpad yung englisherong Ros na iyon dito. Medyo malapit din kasi ito sa apartment ko. Ito lang kasing pasyalan na malapit sa amin. No choice, baka dito siya napadpad. Gabi na at kailangan ko ng umuwi at magpahinga pero paano ko gagawin kong nawawala yung alaga ko. Kainis kasi e! Ang kulit talaga! Sabi nang di lalayo pero ayun! Nawawala tuloy siya. Hayst! Problema ko pa. Naku! Naku! He's so stuuuuupid! He's so so so very matigas ang ulo! Kahit wala ang lalaking iyon, napapa-english pa rin ako pero di ko ma-translate ibang word na di ko alam. Taglish muna ako ngayon. "Bahala siya kung nawala na siya! Uuwi na ako! Tutal, di ko naman siya kilala. Tsk!" Sabi ko nang mapagdesisyon na umuwi na. Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad na paalis sa Luneta Park. Uuwi na ako sa apartment ko. Bahala na kung di ko na mahanap yung Ros na iyon. Sino naman siya para magka-concern ako sa kanya? Kahit ni kaunting impormasyon, di ko kilala siya. Di ko nga alam ano tunay niyang pangalan at saan siyang lupalot nanggaling. Kainis! Dahil may amnesia siya, di ako mapakali. "Kainis!" Nanggigil na sabi ko nang huminto ako sa paglalakad."Grrgh!" Inis na sabi ko halos naipadjak-padjak ko pa paa ko sa kalsada. Dahil sa inis ko at pag-iisip kay Ros, nasa gitna pala ako ng kalsadang iyon. Bigla nalang may bumisinang kotse at tarantang sumigaw ako dahil mabubunggo na ako nito. "Ahh!" Sambit ko. Mabilis naman pumreno yung kotse at dahil sa takot, napaupo ako. Halos nasaktan ako sa pagkakabagsak ng puwetan ko sa kalsada. "Aray." Sambit ko habang sapo likod ko. Nakakahiya hawakan pwet ko. Daming tao dito kaya. Ikaw kayang humawak ng pwet baka sabihin nila nagd*d*kit ka. Tss! Lumabas nalang sa kotseng pula ang isang medyo katandaan nang lalaki. Tumungo agad ito sakin. "Hija, okay ka lang ba? Pasensya na. Nakaharang ka kasi sa daan." Sabi ng matandang lalaki na nasa 45+ palang ang edad. Nakatingin lamang ako dito at parang may naramdaman nalang akong kakaiba ng makita ang matandang lalaking ito. Yung puso ko parang ang lakas makatibok ma tila may kahulugan iyon. Feeling ko kilala ko siya. Iba ang pakiramdam ko nang makita ko siya. Parang may something sa akin na importante siya sa akin. Feeling ko matagal ko na siyang kilala pero ngayon ko palang siya nakita. Siguro nakita ko na siya kahit saan. Pero bakit ganito nararamdaman ko? Parang malapit siya sa buhay ko. LEANDRO YU POV:) "Daddy, please! Sabihin nyo naman sakin ang dahilan bakit ayaw nyo ko ipagkasundo kay Johnser. Ano ba ang ayaw at kinaaayaw nyo sa panganay na anak ni Tito Cedric?" Tanong pa rin ng anak kong si Mandy habang papunta ako sa parking lot para umuwi na sa bahay. Kanina pa niya ako kinukulit at di tinatantanan. Kahit ilang ulit ko na siyang sigawan, nangungulit pa rin siya. Ayaw ko mapangasawa ng anak kong si Mandy si Johnser dahil may---- "Daddy!" Inis na sigaw nito. Nang makarating sa kotse, agad na binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Bago sarhan ang pinto, tiningnan ko si Mandy na inis na inis na nakatayo sa harap ng kotse ko. "Sumabay kana sakin umuwi. Ipapahatid ko nalang sa driver natin ang kotse mo sa bahay. Bilis!" Sabi ko dito at sinarado na ang pinto. Padabog naman na naglakad siya sa kabilang pinto at pumasok doon. Naupo siya sa tabi ko at di pa rin naaalis ang nakataas at salubong niyang kilay. Lumalabas pa rin ang pagkaka-maldita niya at spoiled brat niya. "Daddy, sabihin nyo na kasi! Parang di nyo ko anak e! Napagtataguan naman ako ng sekreto!" Inis pa rin na pahayag nito. "Tama na, Mandy at baka palayasin na kita sa pamamahay ko. Ika-cancel ko na din ang flight mo next month papuntang Dubai." Pananakot ko dito. Pupunta kasi kami ng Dubai para may i-meet na isang malaking kompanya na kukunin lahat ng mga stock namin. Mayamang negosyante ito ng Dubai at gusto sumama ng anak ko para makilala si Mr. Mahkumdhi. "Daddy! Tinatakot mo ba ako?" Malditang tanong nito habang nakatingin ito sakin na nakataas-kilay. Tiningnan ko siya ng seryoso. "Yes." Sagot ko at bumaling na sa daan at ini-start na ang engine. Doon na naman nagpipigil ng inis ang anak ko halos nakakagat labi na ito at nakakuyom ng kamay. "Nasa MOA ang mommy mo. Susunduin natin siya doon." Ani ko. Doon na nga ako nagmaneho para sunduin ang asawa kong si Lorisette, ang nanay ni Mandy.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD