DYLAN LORENZO POV
Nasa parking lot ako habang kausap ang isang tauhan ko.
"Bantayan mo lang siya. Wag mo siyang pababayaan." Sabi ko dito. "Sige. Balitaan mo nalang ako uli." Pagpapaalis ko na dito.
Yumuko lang ito at tinakpan ulit ang mukha gamit ng itim na mask sabay suot rin ng sumbrerong itim at umalis na.
Palihim na pumasok na ako ng kotsem Na-check kong walang katao-tao sa parking lot at ako lang at tauhan ko. Nang masiguradong wala na, saka ako nag-seat beat.
Pinababantayan ko sa tauhan ko si Clive. Nalaman kong may babaeng kumupkop dito at ngayon nalaman ko rin nawalan ito ng memorya. Okay na iyon para di siya mapahamak.
Hindi talaga siya namatay sa aksidenteng iyon dahil hindi ko kayang pumatay ng tao. Iniligtas ko siya sa kamay ni Johnser. Ngayon, ang alam ni Johnser na patay na si Clive pero ang totoo buhay pa siya. At ang taong namatay sa kotse, ay ibang tao.
Pinaandar ko na ang kotse para umalis sa lugar na iyon.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pumasok na ako ng building ng pinagtatrabahuan ko. Maraming tao ang nakakasalubungan ko, karaniwan mga nagtatrabaho dito.
Tumungo na ako agad sa elevator para pumunta na sa room namin ng mga janitor at jannitress. Panigurado, galit na yun si Aling Doya kasi late na'ko. Ngayon lang ako na-late ng ganito. Kainis kasi ee! Umampon pa ko ng hilaw na ingleshero. Tss.
Nasa tapat na ako ng elevator at pinindot na ang dapat pipindutin doon. Nasa floor 15 pa iyon kaya maghihintay pa ko bumaba ito.
Naalala ko nalang ang I.D ko, agad naman ako naghalungkat sa maliit na lumang backpack ko. Di pwedeng di suot ang I.D ng mga janitor at janitress tulad namin kasi baka mapagkamalan lang outsider dito. Lahat kasi ng empleyado dito puro naka-I.D.
Panay halungkat ko lang halos nilabas ko na ang ibang gamit na nasa loob ng bag ko. Kinabahan na ako dahil di ko mahanap ang I.D. Di ko napansin sa kakahalungkat ko, nahulog yung I.D ko sa sahig. May kumuha naman iyon ng isang misteryosong lalaki sa sahig.
"Miss, sayo 'to." Boses lalaki.
Napalingon naman ako dito. Nakita kong nasa kamay niya yung I.D ko. Salamat at nahanap ko na I.D ko. Pag hindi, patay ako nito!
"Salamat, Kuya." Pasalamat ko sabay kuha sa kamay niya.
Bumukas na nga ang elevator, pumasok na ako agad sa loob at di ko na pinansin ang lalaking nakakuha ng I.D ko. Nagmamadali na kasi ako, baka mas lalong ma-late ako kung i-eentertain ko pa ito.
Pumasok na rin ito kasama ang dalawang lalaki. Napataas-kilay ako nang makilala yung isang lalaki na kasama niya. Panay isip ako kung saan ko ba ito nakita.
"Saan ko ito nakita?" Mahinang sambit ko at inaalala.
**Flashbacks**
Maglilinis ako ngayon sa office ng anak ni Mr. Sy. Ako kasi naatasan ni Aling Doya maglinis ngayon doon.
Pagkarating na pagkarating ko sa office ng anak ni Mr. Sy, nakita ko nalang lumabas ng pinto ang isang lalaki. Bahagyang nakita kong may kaunting dugo ito sa gilid ng bibig nito. Nang makita ako dali-daling tinakpan niya iyon.
"Ikaw ba maglilinis ng office ni Sir Johnser?" Tanong nito sa akin habang tinatakpan ng kamay nito ang nakita kong sugat sa gilid ng labi nito.
"O-opo." Nautal kong sagot.
"Bilisan mo maglinis." Sabi lang niya at umalis na ito.
Naiwan akong nakatingin lang dito na may tanong sa isipan ko.
**End of Flashbacks**
Nanlaki na lamang ang mata ko nang maalala na kung saan ko siya nakita.
Binalingan ko ulit siya ng tingin. Nakita kong naka-band aid na ngayon ang sugat sa kanyang labi at di na masyado halata.
"Sino kaya siya? Alin dito sa kasama niya ang Boss?" Sa loob-loob ko.
Napatingin ako sa gilid ko at nahuli kong nakatingin sa repleksyon ng elevator ang kasama rin nitong lalaki. Binatang-binata pa ito at kutob ko nasa 21+ plus na ata edad nito.
Nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin gamit sa repleksyon ng elevator, agad umiwas tingin ito at nagtayong komportable at sumeryoso.
Di ko nalang ito pinansin. At tumayo rin ako ng maayos. Maya-maya nagsalita na lang yung lalaking nakapulot ng I.D ko.
"Bantayan nyo ang kilos ng iba. May iba na alam kong di papayag sa desisyon ni Daddy." Sabi nito sa kasama niyang dalawa.
"Paano kung mag-alsa yung team ni Mr. Yu?" Turan nung lalaking naka-band aid.
"Mr. Yu? Wait! That's name sounds familiar. Saan ko ba yan narinig?" Takang saad ko sa isip.
Nanatiling tahimik at nakikinig lang ako sa kanila.
"Kung ganun..." Bumaling ito sa kabilang side na lalaki. Yung nahuli kong tumitingin sakin."Dylan, alam mo na yung gagawin mo. Yung mga sinabi ko sayong mga gagawin mo para mapaamo mo sila."
"Yes, Boss." Sagot nito halos yumuko pa.
Tumunog na nga yung elevator. Nasa floor 15 na kami kung saan dito na ako baba.
Binigyan nila ako ng daan at nakayuko na lumabas doon.
Bago pa man sumara ang elevator, tumingin pa ako sa kana halos nagtama ang mata namin nung lalaking nakapulot ng I.D ko. Ewan. Nakaramdam ako ng kakaiba sa usapan nila. Tingin ko may masama silang gagawin.
Napailing-iling nalang ako nang bumalik na ang tama kong pag-iisip. Nag-decide na ako umalis roon para pumunta na sa room naming mga janitor at janitress. Kailangan ko na magsimula ngayon at panigurado maraming paputok na naman ang matatanggap ko kay Aling Doya.
MANDY YU POV:)
"Daddy is that true? Johnser will be the new owner of Uphone?" Tanong ko kay Daddy habang nasa office ako nito.
"Di kami papayag na mapunta kay Johnser ang kompanya at ayaw kong makasal ka sa kanya." Seryosong pahayag ni Daddy habang nakaupo siya sa swivel at nakapikit ang mata habang nakasandig doon.
"But why? Why you hate Johnser so much?" Takang tanong ko parin kay Daddy.
"Basta! Lumabas kana at gusto kong mapag-isa." Pagalit na sabi nito sa akin.
Inis na inis na naupo ako sa visitor seat. Nasa harapan pa rin ako ng table ni Papa, wala pa kong balak na lumabas. Naka-pout na napasimangot na lamang ako.
"If his the new owner of Uphone, I must be close to him and I need to know him well. From now on, I will do everything to know him." Matigas na pahayag ko.
Naidilat na lamang ni Papa ang kanyang mata sa sinabi ko. Galit na tumingin ito sakin.
"No! Ayaw na ayaw kong maging manugang ang lalaking iyon." Tutol niya.
"But why?" Takang tanong ko pa rin. Bakit galit na galit sila kay Johnser? Ganun ba talaga kasama ang ugali niya?
"Get out on my office now! Wala ako sa mood ngayon, Mandy. Lumabas kana at baka magwala ako dito." Galit na singhal ni Daddy sakin.
Walang magawa, napasimangot na lamang ako. Tumayo na ako sa kinauupuan at lumabas na ng office nito.
Bakit ayaw na ayaw niya si Johnser?
CLIVE/ROS POV:)
I laugh so hard while watching T.V. I laugh so hard in a segment called Banana split on ABS-CBN.
I don't know why? I just laugh so hard on their jokes and what their doing.
I feel something on my stomach, I'm hungry. I look on Lady Beth refrigerator but there's no food inside of it. I looked in the table. There's nothing even a bread. I don't know what will I eat.
I'm try remember anything where I came from, where I was born, whose my family. But I can't remember anything, and there are some things I didn't know.
I'm sure when I wasn't this situation, if I don't have amnesia, I think I'm rich. I live in other country cause I only knew language is English. I can't speak Tagalog like Lady Beth did. I can't understand even a single word.
Maybe I'm rich, I'm always on my house and always on my room. My maids always brought me food thats why I don't know some equipments yet. Even the thing they called stove, I only see and touch it this day. I don't know why I can't remember anything who I am and what I am.
I turned off the T.V and I decided to go outside to by some food. Lady Beth told me there's a nearest store outside straight to our house. She also told me if I'm hungry, I'll go outside and buy some food. I immediately go outside to buy my food. When I'm done buying, I'll go back to Lady Beth's room. Yes, I'm a good boy. I'll obey Lady Beth said.
While I'm going downstairs every women looks on me. I wipe my face using my hand. I thought I have dirt on my face but I assured I wash my body properly. Maybe I have an eye dirt. I wipe my eyes but there's no eyedirt then why their looking on me.
I reach the first floor, I heard two girls chatting.
"Ang guwapo!" Girl said with short hair.
"Guwapo nga! Sino kaya siya? Sino kaya girlfriend nyang pinuntahan dito?" Another girls said with curly hair.
"Guwapo? What guwapo means?" I said in my mind.
I have no idea what their talking about. Every women I pass by said I'm gwapo. What's guwapo means?
When I got outside of Lady Beth apartment, I immediately cross the street 'cause the store is in the other side of the street. I see also a computer shop. I see a lot of gamers.
"Can I buy some biscuits?" I said to the vendor.
"Wow! English si hijo." Vendor's reply me.
"Huh? I'm sorry, I don't understand you. I can't understand Tagalog words. Can you speak english?" I said to the vendor.
"Ahhh... Are you new here?"
"Yes. Actually, I'm from...States." I answer."I grow up in States. I'm just started learning your language." I lied.
"Oh. Okay, what biscuit you want to buy?"
"Oreo."
He took it and he gave it to me quickly.
"Softdrinks?" Vendor's ask me.
"Yes. Can I have one?"
"Here."
"Thanks. How much?"
"Twenty-two." He said.
I give my 50 pesos bill to him. His looking for change in my 50 pesos bill when I accidentally look on the side of ROS gamer. I see they are very serious playing.
I see one guy hit the other guy in head using his hand while playing.
"Tang-ina mo! Tanga mo! Talo na naman tayo!" The guy said who hit the other guy in head.
"Tanga mo dre! Sabi nang nasa likod mo yung kalaban." The two other guy said.
"Pasensya na! Kayo ee."
"Panu yan dre? May pera pa ba kayo? Laban pa! Hahaha!" Insult in the other side group.
"Paano yan? Ubos na pera ko." The guy said who hit the head of her friend. I think he is the leader of there group.
I can't understand what their talking but I know what their doing.
"Ako rin. Wala na ubos na."
"Kailangan natin maghanap na pwede lumaban, yung may pera. Ayaw ko umuwi ng talunan." The leader said.
I'm just watching them I see how they are wasted.
"Here's your change." Vendor's said.
"Thanks."
I take my change but accidentally I drop the coin. I pick it up immediately.
But there's one coin roled near in the group of ROS gamers I watching lately. I decided to crawled to pick up the coin but there's a familiar shoes step on it.
I slowly up my head to see who's the guy step on my coin. I see them looking on me. The way they look on me, make me shivering...
"W-why?" My body start to shivered while I'm looking on them.
"Marunong ka bang maglaro ng Rules of Survival?" He asked."Dahil may pera ka, ikaw sana ilalaban namin. Pwede ba?" The leader said to me.
"Huh?"
I can't understand his language, I only understand is the word 'ROS'.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Sa susunod, wag kana magpapa-late, Beth. Yung dapat trabaho mo, may nagtrabaho na. Pwedeng bawasin yan sa sweldo mo," anang sabi ni Aling Doya."Sa susunod, wag mo na yan uulitin."
"Sorry po." Hinging pasensya ko sabay yumuko pa.
"Sige. Maglinis kana." Sabi nito at iniwan na ako nito sa Locker room kung saan Locker room ito ng mga Jannitor and Jannitress.
Nang makaalis, binuksan ko na agad yung locker ko para kunin ang wallet ko. Di ko kasi iniiwan dito ang pera ko dahil wala akong tiwala sa mga kasamahan kong Jannitor din dahil minsan nang mawala ang pera ko dito. May malikot na kamay kasi dito.
Pagkakuha ko, nilagay ko agad iyon sa bulsa ng uniporme ko at lumabas na ng Locker Room. Nasa labas lang yung mga kagamitan na panlinis ko. Bago ko pa man itulak yung kagamitan kong panlinis, nakarinig nalang akong boses na babae na parang sumisigaw.
"Oh my god, Mom! Are you serious?! Hindi mo ko ipagkakasundo sa anak ni Tito Cedric?! Di ba kasunduan nyo dati kung sino ang heir ng Uphone sa magkapatid ay iyon ang mapapangasawa ko? Anong nangyari? Bakit ayaw nyo ni Papa kay Johnser na mapangasawa ko? May hindi ba kayo sinasabi sakin?" Yan ang narinig kong sabi ng babae. Nakita ko siyang nasa tapat ng isang kuwarto habang nakatayo lang at may kausap nga sa phone.
Kasing tangkad ko lang ang babae. Maganda, may mamahaling damit na suot, maputi, makinis ang balat at halatang anak mayaman kaso nga lang parang mataray siya. Dahil sa tono palang ng pananalita niya, alam mong spoiled sya. Pilit ko minumukhaan ang babae dahil parang pamilyar sakin ang mukha niya.
Saan ko nga ba siya nakita?
"Mommy? Mommy?!" Turan nito. Nakita ata niya na pinatayan siya ng tawag. Halos nagtili ito sa sobrang inis."s**t, s**t, shitttt!!!" Inis na sambit lang nito.
Pinapanood ko lang siya.
Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, tinignan nalang niya ako ng masama.
"Anong tingin-tingin mo dyan?!!" Parang lalaki na tanong nito.
Dali-dali naman akong umalis.
Basta mayayaman talaga, ang sama rin ng ugali.
Tumungo nalang ako sa pupuntahan ko.
THIRD PERSON POV:)
"Marunong ka bang maglaro ng Rules of Survival? Dahil may pera ka, ikaw sana ilalaban namin. Pwede ba?" Tanong ng lider kay Ros.
"Huh?" Tanging nasambit nalang niya.
Wala siyang naintindihan sa sinabi ng lalaki. Ang naintindihan lamang niya ang word na 'ROS'. Hindi niya alam ano pa ang sinasabi nito.
"Di mo ba naririnig sinasabi ko? Ikaw ang lalaro sa laban namin." Ulit nito.
"Hmm, sorry. I don't understand---" di napatuloy sasabihin pa ni Ros nang hilahin siya patayo nung lider at pinaupo sa harap ng computer.
"Ikaw maglaro ng ROS. Kailangan mo ipanalo ito kung hindi, malalagot ka samin." Boses na nagbabanta halos kinuwelyuhan pa siya nito.
Di man maintindihan ni Ros ang sinasabi ng mga ito sa kanya, naiintindihan naman nito sa mga kilos nito. Ramdam niya ang takot dahil sa ginawa nito sa kanya halos napalunok pa siya ng laway.
Wala siyang magawa kaya tumango-tango nalang.
Binitawan na nga ng lalaki si Ros halos inayos pa niya yung damit niyang nagusot.
"Saan yung pera mo?" Tanong nito.
"Pera?" Sa loob-loob ni Ros.
* * *FLASHBACKS* * *
"Money? What's money?" Tanong ni Ros kay Beth.
"Money. Here!" Sabi nito at kinuha sa bulsa ang isang one hundred at bente. Pinakita nito iyon sa kanya.
"This thing you called money?" Nakataas-kilay takang tanong niya dito.
"Yes, this is money. If you don't have this, you'll dead in hungry." Paliwanag ni Beth sa kanya.
"P-era." sambit niya sa tagalog ng money. "Pera. Wow! Cool! When I say 'pera'." English na sabi niya at tuwang-tuwa siya nang nasasambit niya nang maayos ang pera.
"This is your money. If I'm not here and your hungry, go outside there's a store in front. Buy some food." Bilin nito sa kanya sabay lagay ng pera sa kamay ni Ros.
Parang bata na ngayon lang nakahawak at nakakita ng pera, nanlalaki mata siya habang panay tingim niya ang perang gawa sa papel.
"Paper? The money is a paper." Nakangiting saad niya. Para siyang bata na ngayon lang naka-discover ng isang bagay.
"Okay. Keep it. I'm gonna go na. Behave. When I'm day off, I'll teach you to speak Tagalog." Paalam na ni Lady Beth sa kanya.
"Bye, my Lady. Be careful." sabi niya dito.
Tumango nalang ito at lumabas na ng kuwarto. Naiwan siyang panay paulit-ulit na sinasambit ang word na 'pera'.
* * *END OF FLASHBACKS* * *
Nang maalala ang conversation nila ni Lady Beth ay agad na binigay niya ang pera niyang nasa bulsa halos inubos pa niya ang perang nasa bulsa niya.
Napa-'woah' nalang ang magbabarkada sa binigay ni Ros sa kanilang pera. Dahil marami iyon halos inubos na atang ibigay lahat ni Ros ang perang binigay sa kanya ni Beth.
"Mang Sandro, three hours po!" sabi ng leader sa tindero na binilhan ng pagkain ni Ros.
Dali-dali na dinala ng lalaki yung pera at binigay sa tindero na nangangalang Sandro.
"Okay!" Sabi naman nito.