Alani's pov NAPATITIG na lamang si Alani sa pagkain na iniwan ni Ezekiel. Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. Hinigop niya ang sabaw na nasa kanyang harapan. Mayat-maya pa ay napatayo siya sa hapag-kainan at sinundan si Ezekiel sa silid nila. Huminga muna siya ng malalim bago niya binuksan ang pinto. Pagbukas niya ng pinto ay nasa kama si Ezekiel at abala sa laptop nito. Hindi man lang ito nag-abala na tingnan siya. Lumapit siya sa kama at umupo. "Kain tayo," mahina ang boses na wika niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya sa pag-walk up nito. "Kumain ka'na. I'm fine," sagot sa kanya ni Ezekiel. Malamig ang boses nito at tila walang gana na makipag-usap sa kanya. Umayos siya ng upo sa kama at isinandal niya ang likod sa headboard ng kama. Hi