MABILIS NA KUMUBLI sa isang tabi si Hunter nang marinig n’yang may kausap sa kabilang linya si Melchor Perez. Kaagad niyang narinig ang pangalan ni Ezekiel na pinag-uusapan ng mga ito. “Siguraduhin n’yo lang na mapapatay ninyo ngayong gabi si Ezekiel Villareal. Ayoko nang masikatan pa siya ng araw. Natitiyak kong walang ibang pagbibintangan sa pagkamatay n’ya kundi ang kanyang magiging katunggaling si Hunter Francisco. Ang kanyang kapatid,” wika pa ni Melchor Perez sa kabilang linya. Napakuyom siya sa kanyang kamao nang marinig niya ang sinabi nito sa kausap. Tama nga siya. May alam si Melchor sa kanyang pagkatao at gagamitin lamang siya nito. Hindi pa man dumarating ang DNA test na pinagawa niya ay kinumpirma na nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Nang marinig n’ya ang address k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books