CHAPTER TWO

1793 Words
Alani’s pov BUMUHOS ang kanyang luha nang marinig niya ang hatol ng husgado sa kanyang nobyong si Hunter Francisco. Reclusion Perpetua or life imprisonment ang hatol. Tila gusto niyang mabaliw sa kanyang narinig. Hindi iyon kayang tanggapin ng kanyang puso. Nakakapanlumo. Pulis si Hunter at nakapatay ito ng tao. Self defense ang nangyari. Walang gustong tumistigo na walang kasalanan ang kanyang nobyo lalo pa at may kaya ang napatay ni Hunter. Mabilis na suhulan ang batas kaya hinatulan si Hunter. “Hunter!” sigaw niya. Nakita niyang umiiyak si Hunter habang hawak ng mga pulis upang ibalik sa kulungan. Wala siyang nagawa. Mga bata pa lamang sila ay magkasintahan na sila ni Hunter. Maaga palang ay naulila na sila kung kaya si Hunter ang itinuturing niyang pamilya. Kapwa sila lumaban sa buhay upang makamit ang kanilang kinalalagyan ngayon. Nakapagtapos sila ng kolehiyo at nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho. Sa munisipyo ng Sorsogon siya nagtatrabaho bilang personal secretary ng dati niyang kaklaseng si Mayor Ezekiel Villareal. Paano na siya ngayong nakakulong ang kasintahan? Hindi niya iyon matanggap lalo pa at self defense lang ang ginawa nito. Kailangan nitong protektahan ang sarili. Wala itong kasalanan sa nangyari pero lahat ay ito ang idinidiin. Wala siyang magawa upang matulungan ang nobyo. Umuwi siyang bagsak ang kanyang mga balikat. Hindi niya alam ang gagawin pero isa lang ang gusto niyang gawin. Ang mailabas ang nobyo sa kulungan. Marami itong pangarap sa buhay. Marami silang pangarap sa buhay. Paano nila iyon gagawin kung nakakulong ito? “Alani,” tawag sa kanya ni Becca. Kaibigan niya ito. Napapitlag siya ng yugyugin siya ng kaibigan. Nakarating na pala sila sa bahay nang hindi niya namamalayan. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong sa kanya nito. Muli siyang napaiyak kaya niyakap siya ng kaibigan. “Hindi ko kaya Becca. Hindi ko kayang makitang mabubulok sa bilangguan si Hunter,” wika niya sa kaibigan. Walang patid ang kanyang pagluha. “Wala tayong magagawa Alani. Batas na ang humatol kay Hunter,” sagot pa ni Becca sa kanya na nalungkot din sa pangyayari. Bakit lahat ay naniniwala na may kasalanan si Hunter? Siya lang ba ang bulag sa katotohanan na walang kasalanan ang nobyo? Mabuting tao si Hunter at imposibleng magawa nitong pumatay. Kahit ano pang sabihin ng mga tao ay naniniwala siya sa nobyo. Hinding-hindi niya ito huhusgahan. “Hindi ako papayag na makulong siya. Hindi siya nararapat doon,” wika niya pang napahagulgol. “Hindi ako papayag Becca. Kailangan maka alis ni Hunter sa kulungan na ‘yon,” wika niya pa sa kaibigan. “Naiintindihan ko Alani pero batas na ang humatol kay Hunter at wala tayong magagawa upang mailabas siya,” sagot sa kanya ni Becca. Lalo lamang siyang pinanghinaan ng loob dahil sa sinabi ni Becca. Dinala siya ni Becca sa kanyang silid upang makapagpahinga. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa pag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng kaso. Gusto niya sa tuwing na may pagdinig ay makita siya ni Hunter upang hindi ito panghinaan ng loob. Alam niyang sa kanya lamang kumukuha ng lakas ng loob si Hunter. Hindi siya tumanggi nang bigyan siya ng gamot ni Becca upang makatulog siya nang mahimbing. Kailangan niya iyon upang makakuha ng sapat na lakas para sa susunod pang mga araw. Maging ang isip niya ay gusto na ring sumuko dahil sa mga pagsubok na pinagdadaanan. MAAGA pa lang ay gising na siya upang maghanda ng dadalhin sa kulungan. Lahat ng kailangan ni Hunter ay kanya nang inihanda. Nagmamadali rin siya dahil may pasok pa siya sa munisipyo. Tiyak na masesermonan na naman siya ni Mayor Ezekiel. Nakakatakot pa naman ito kapag nagagalit. Bumubuga ito ng apoy. Masyadong seryoso sa buhay si Ezekiel. Kahit noong nag-aaral pa sila ay hindi man lang ito marunong ngumiti na akala mo ay may galit sa mundo. “Alani?” umiiyak na wika ni Hunter nang makita siya. Kaagad siya nitong niyakap. “Kumusta ka?” tanong nitong tumutulo ang luha. “May mga dala akong pagkain para sa’yo,” wika niyang umiiwas ng tingin. Gusto niya na naman kasing maiyak. Sa ilang linggo na pananatili nito sa kulungan ay nagmumukha na itong ermitanyo. Ang mukha nito ay natabunan na ng bigote. Napapabayaan na nito ang sarili. Hindi ito ang Hunter na kilala niya dahil si Hunter ay palaban. Lumalaban sa kahit anumang hamon ng buhay. Hindi niya napigilan ang luha at sunod-sunod iyong pumatak. Nadudurog ang kanyang puso. Ipinangako n’ya pa naman sa sarili niya na hindi siya iiyak sa harapan nito. “Hindi ko kayang manatili rito ng matagal Alani. Mamamatay ako,” wika ni Hunter sa kanya. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay. “Tulungan mo ako. Hindi ko kaya. Mamamatay ako Alani,” wika niya pa nitong umiiling. “Anong gagawin ko Hunter? Hindi ko alam kong ano ang magagawa ko,” wika niyang umiiyak na rin. “Hindi ko rin kaya na makita kang nabubulok sa kulungang ito,” dagdag niya pang sagot. “Makiusap ka kay Mayor. Baka naman magawan niya ng paraan. May mga pinalaya naman silang kriminal dito pero ako? Hindi ako kriminal Alani,” wika ni Hunter sa kanya kaya natigilan siya. “Hindi ako kriminal para mabulok sa kulungang ito.” Napakagat-labi na lamang siya sa sinabi ni Hunter. “Gawan mo ng paraan Alani dahil mabubulok ako sa kulungan na ito. Mamamatay ako lalo na at hindi kita makakasama,” wika pa ni Hunter sa kanya. “Sige kakausapin ko si Mayor pero hindi ako nangangako Hunter. Sana ay pumayag siya,” wika niyang umaasa rin na matutulungan ni Mayor Ezekiel. Kahit hindi nito sabihin sa kanya ay nasa isip niya na talaga kung may magagawang tulong sa kanya si Mayor Villareal. “Kahit anong gusto niya ay gagawin ko palayain niya lamang ako rito,” wika pa ni Hunter sa kanya. Tumango na lamang siya upang sumang-ayon. HABANG naglalakad papunta sa Mayor’s office ay natitigilan siya. Ang huling pag-uusap nila ni Hunter ang laman ng kanyang isipan. Paano niya mapapapayag si Mayor Ezekiel na palayain si Hunter kung noon pa ay magkatunggali na ang mga ito? Malabo yata ang gustong mangyari ni Hunter pero kapit sa patalim na rin siya. Hindi niya kayang mawala si Hunter sa kanya. Ngayon pa nga lang ay miserable na ito sa kulungan paano na kaya sa susunod pang mga araw? Baka magpakamatay ito doon. “Mabuti naman at pumasok ka na,” wika ni Mayor Ezekiel sa kanya. Ang boses nito ay nakakatakot. Madalas kasi ay mainitin ang ulo nito. Silang dalawa lang sa loob ng opisina nito. Tumayo si Mayor Ezekiel at isinara ang pinto. “Anong nangyari kay Hunter?” tanong sa kanya ng lalaki. Maliit lamang ang bayan nila kaya tiyak na nalaman ni Ezekiel kung ano ang nangyari sa kanyang nobyo. Isa pa isang eskwelahan lang ang kanilang pinasukan noong araw. Pinipigilan niya ang sarili na ‘wag umiyak. “Nahatulan siya ng panghabang-buhay na pagkakakulong,” sagot niyang nakayuko. “At mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat?” tanong pa nitong umupo sa kanyang mesa. Tiningnan niya ang lalaki. “Kahit pa nakakulong siya ay mananatili siya sa puso ko,” sagot niya rito. “Hindi ko tinatanong kung gaano mo siya kamahal,” wika pa nitong bumalik na sa sarili nitong mesa. Tila ito nairita sa kanyang isinagot. Napakunot noo siya sa sinasabi nito. Paanong hindi siya nito tinatanong samantalang kanina lang ay tinatanong nito kung mahal niya pa rin si Hunter? Hindi niya na lamang pinansin ito at lumapit na siya sa kanyang mesa nang may naalala siya. Napatingin siya kay Mayor Ezekiel. “Mayor,” tawag niya rito. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan s’ya. “Tatanawin kong malaking utang na loob kong matutulungan mong makalaya si Hunter,” deretsa niyang wika na ikinagulat nito. Napansin niya ang pagkulubot ng noo ni Mayor Ezekiel dahil sa kanyang sinabi. Kumabog ang kanyang dibdib sa takot. Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa nerbiyos dahil sa titig nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Tumayo siya at lumapit sa mesa nito. Wala ng atrasan pa. “Wala na akong ibang malapitan,” wika niya pang nakayuko. “Gusto mong tulungan ko ang isang kriminal?” tanong sa kanya ni Mayor Ezekiel kaya tumango siya. “Ipinagtanggol niya lamang ang kanyang sarili,” sagot niya pa kaya napatayo ito. “At gagamitin ka pa talaga niya para lang makalaya siya?” “Hindi niya ako ginagamit,” paglilinaw niya. “May relasyon kami kaya obligasyon ko na tulungan siya,” giit niya pa sa lalaki. “Kahit sino naman yata ay gagawin ang gagawin ko,” pagdedepensa niya kay Hunter. “Ano pa ang pinagkaiba ko sa kriminal kapag pinalaya ko siya? Empleyado lang kita Alani at hindi ko obligasyon na tulungan ka,” wika pa ni Mayor Ezekiel sa kanya. Napakagat labi na lamang siya dahil sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang inaasahan niyang isasagot nito? Pagdating kay Hunter ay bulag ito. Madalas ay na natatalo ito noon ni Hunter. Hindi lamang isang beses kundi marami pang beses. May pera lamang ang pamilya ni Ezekiel kaya nakalalamang ito kay Hunter. Pasalamat na lamang siya at hindi nito hinarang ang kanyang pag-apply sa munisipyo. “Gagawin ko ang lahat ng gusto mo,” wika niya pang tinitigan ang Mayor. Tinitigan siya ni Mayor Ezekiel. Ang titig nito ay hindi niya kayang matagalan. Pakiramdam niya ay napapaso siya. Tila sinusukat nito kung hanggang saan ang kanyang sinasabi. Tumayo ito umikot sa kanyang likuran. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong nitong pinasadahan siya ng tingin. “Oo, palayain mo lang si Hunter,” sagot niya. “You want to be my slave Alani?” tanong sa kanya ni Mayor Ezekiel kaya nataranta siya. Lalo na at ibinulong pa iyon sa kanyang tenga. Nakaramdam siya ng kilabot sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya. “You know what I mean,” sagot ni Mayor Ezekiel na may halong pang-aakit ang boses. “Hindi ako tumutulong sa isang tao na walang kapalit,” dagdag pa nito. Tama nga ang mga sabi-sabi ng kanyang mga katrabaho. Segurista ang kanilang Mayor. Napapitlag pa siya nang halikan nito ang kanyang balikat. Bahagya siyang napaatras sa ginawa nito. Kakaibang init ang kanyang naramdaman sa halik nito. “Pag-isipan mong mabuti ang gusto kong kapalit,” wika pa nito bago ito bumalik sa sarili nitong table. Kinindatan pa siya ng lalaki. Hindi na lamang siya nakakibo dahil sa pagkabigla. Gustuhin niya mang linawin ang gusto nito ay hindi na siya kumibo pa. Isa pa mukhang alam niya na kung ano ang gusto nitong kapalit. Pakiramdam niya ay nakikipagkasundo siya sa demonyo ng mga oras na iyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD