CHAPTER THREE

1474 Words
Alani’s pov ANG LAKAS ng kabog nang dibdib ni Alani nang makatanggap siya ng tawag mula sa staff sergeant kung saan nakakulong ang kanyang nobyo. Binugbog daw si Hunter ng kapwa preso. Nasa opisina pa naman siya ng mga oras na iyon. Gustuhin niya man na makita si Hunter ay wala naman siyang magagawa. Napaiyak na lamang siya. Isa pa ay wala naman siyang dalang magandang balita kung dadalawin niya ito. Ilang araw niya na ring pinag-iisipan ang sinabi sa kanya ni Mayor Ezekiel at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang desisyon. Bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa no’n si Mayor. Wala naman siyang nakitang appointment nito kaya hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sabagay may mga personal din naman itong lakad na hindi niya alam. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha at baka mapansin pa nito. “Cancel all my appointments for three days,” wika sa kanya ni Mayor kaya napatingin siya rito. “Bakit po?” tanong niya na ikinakunot ng noo nito. “Sorry,” agad niyang bawi. Hindi pala nito obligasyon ng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan nitong i-cancel ang lahat ng appointments nito. “Kapag may naghanap sakin ay sabihin mong nasa seminar. Bahala ka ng gumawa ng dahilan,” wika pa nito sa kanya. Umupo na ito sa sarili nitong mesa at nagbukas ng laptop. Pinagmasdan niya si Mayor Ezekiel. Kahit saang anggulo mo ito tingnan ay wala kang maipipintas dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Malaki rin ang pangangatawan nito kung kaya maraming mga nasa alta-sosyedad ang nakapila sa kanilang Mayor. Hindi na siya magtataka dahil kabilat-kanan naman talaga ang babae nito. Saksi siya doon. Siya lang naman ang taga-set ng date nito. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong sa kanya ni Mayor Ezekiel dahil nahuli siyang nakatingin dito. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa tanong nito. “Wala po,” sagot niyang binalik sa monitor ng kanyang computer ang paningin. “Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong pa ni Mayor Ezekiel sa kanya kaya napatingin siya rito. “May sasabihin ka ba?” tanong pa nito. Huminga siya ng malalim. “P-umapayag na ako sa gusto mo,” wika niyang napapalunok. “Ang maging alipin ko?” Tumango siya sa tanong nito. “Gagawin ko ang lahat ng gusto mo palayain mo lang si Hunter sa kulungan,” wika niya kay Mayor Ezekiel. Isa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Ang mailigtas ang nobyo. “Halika,” yaya sa kanya ng lalaki. Alumpihit siyang tumayo at lumapit dito. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang baba upang makita nito ang kanyang mukha. “Alam mo ba ang sinasabi mo?” tanong pa sa kanya ng lalaki. “Alam ko at pinag-isipan ko itong mabuti,” wika niyang hindi kumukurap ang mga mata. Para kay Hunter ay gagawin niya ang lahat. Para sa kalayaan nito. Nabigla pa siya nang buhatin siya ni Mayor Ezekiel at pinaupo sa office table nito. Hinawakan nito ang kanyang dalawang hita. Gusto niya pumalag sa kapangahasan nito pero hindi niya magawa. “Kung pumapayag ka sa gusto ko ay dapat na malinaw ang lahat Alani. Gagawin ko ang lahat upang makalaya si Hunter pero hindi ganun kadali ang proseso. Pumatay pa rin siya ng tao. At dahil pumapayag ka sa gusto ko ay ako ang magsasabi kung kailan pwedeng mabali ang kasunduan natin,” wika pa sa kanya ng lalaki. Hindi siya makasagot sa sinasabi nito dahil sa tensiyong nararamdaman. Ang dalawa nitong mga kamay ay nakatukod lang naman sa mga hita niya na bahagyang pumipisil. “Gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa’yo. Payag ka ba?” tanong pa nito sa kanya kaya napalunok siyang tumango. “Unang-una, gusto ko sa babae ay game pagdating sa kama,” wika pa nito kaya naubo siya. Akala mo ay nasa orientation silang dalawa. “Ayoko ng boring. Baka mamaya kapag nagtatalik tayo ay nagdadasal ka,” wika pa nito sa kanya. Wala pa nga siyang karanasan sa kama ay kung ano-ano na ang gusto nitong ipagawa sa kanya. “Pwede ka pang umatras,” wika sa kanya ni Mayor Ezekiel nang hindi siya kumibo. “Sabihin mo na hanggat maaga dahil kapag nagsimula na tayo ay wala nang atrasan pa. Isa pa pala sa ayaw ko Alani. Ayokong nabibitin pagdating sa kama,” dagdag pa nitong wika sa kanya. Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya lubos akalain na aabot siya sa puntong ito. “Hindi ako aatras,” sagot niyang labas sa ilong. “Gusto ko rin na putulin mo na ang anumang ugnayan mo kay Hunter. Ayokong kinakain ang kinakain ng iba,” makahulugang wika nito kaya pinamulahan siya ng mukha. Yumuko ito at hinalikan siya sa ilong. Hindi niya magawang kumilos dahil sa ginawa ni Ezekiel. Mabilis lamang ang ginawa nito pero ang hininga nito ay kanyang nalanghap na nagpainit sa kanyang buong katawan. “Saka ko na sasabihin ang iba at simula sa araw na ito kapag tayong dalawa lang ay pwede mo akong tawagin Ezekiel,” wika pa sa kanya ng lalaki. Ibinaba siya ni Ezekiel. Muli itong umupo sa office chair nito. Babalik na sana siya sa sarili niyang upuan nang tawagin siya ng lalaki. “Halika,” yaya sa kanya ng lalaki. Itinuturo nito ang kandungan nito at doon daw siya umupo. Ang lakas ng kabog nang kanyang puso dahil sa lalaki. Nawiwindang siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinaupo siya sa kandungan nito. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang laki ng p*********i nito sa kanyang pang-upo. Bahagya pa yung gumalaw kaya hindi siya nakakilos. “Masanay ka na na ganito kalapit sa akin,” wika pa nito sa kanya. Ang kamay ni Ezekiel ay nakapulupot sa kanyang bewang. Damang-dama niya ang init ng katawan nito. “Baka may pumasok,” wika niya. “Naka-lock ang pinto,” sagot nito kaya natigilan siya. Kailangan niyang panindigan ang kanyang pinasok. Dahil simula sa araw na ito ay kailangan niya nang matanggap na si Ezekiel na ang may-ari sa kanyang katawan. Bumaba ang kamay ni Ezekiel sa kanyang mini skirt. Mayat-maya pa ay pumasok ang kamay nito sa kanyang mini skirt. Hinaplos nito ang kanyang p********e. Napapikit na lamang siya sa ginawa ni Ezekiel. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng init sa ginagawa nitong paulit-ulit na paghaplos sa kanyang p********e. Hinawi lamang nito ang kanyang panloob at naipasok na nito ang daliri. “Feel it,” wika sa kanya ni Ezekiel. Napapikit siya sa sinabi nito. Kung inaakit siya nito ay unti-unti itong nagtatagumpay. Ang kaliwang kamay nito ay minasahe ang kanyang dibdib na nagpapadagdag pa sa init na kanyang nararamdaman. “You’re so f*****g wet,” ungol ni Ezekiel na itinigil ang ginagawa. Napasinghap siya sa ginawa nito. Pinakita pa ni Ezekiel ang dalawang daliri nitong basang-basa ng kanyang katas. Nabigla pa siya sa ginawa ng lalaki dahil isinubo nito ang daliri na galing sa kanyang p********e. Napapikit pa ito habang ginagawa iyon na akala mo ay may kinakain. Nabigla pa siya nang kabigin siya nito at siniil ng halik. Nalasahan niya rin sa sariling bibig nito ang kanyang sariling katas and it was so sweet. Nakakainit ng pakiramdam. Ang sarap humalik ni Ezekiel. Ang init at ang bango ng hininga nito. Masasabi niyang expert ito kung humalik. Napakagaling nito. Wala siyang maipipintas. Pinutol ni Ezekiel ang halik na namagitan sa kanila at itinayo siya nito. “Baka hindi ako makapagpigil,” wika nitong huminga ng malalim. May kinuha ito sa drawer na susi at ibinigay sa kanya. “Pumunta ka sa townhouse unit one and consider the house as yours. Gusto kong lumipat ka na doon. Alam mo naman ang tinutukoy kong bahay hindi ba? Minsan na kitang nadala doon,” wika pa ni Ezekiel sa kanya. Ang townhouse na tinutukoy nito ay ang bago nitong pinagawa. “Walang nakakaalam sa bahay na ‘yan at gusto kong ibigay sa’yo,” wika pa nito na ikinagulat niya. “Sa akin?” tanong niya. “Akin ka na simula ngayon Alani,” wika pa nito sa kanya. “Lumipat ka na mamaya doon at pupuntahan lamang kita. Gusto ko kapag pupunta ako sa bahay na ‘yon ay alam mo na ang gusto ko.,” makahulugang wika ni Ezekiel sa kanya kaya natigilan lamang siya. Tumayo ito at pumasok ng banyo. Napabuntong-hininga na lamang siya. Bakit pakiramdam niya ay nabitin siya sa ginawa nito kanina? Bumalik siya sa sarili niyang mesa habang hinihintay ang lalaki. Ang tagal nito sa banyo. Nagpaalam lang ito sa kanya at muling umalis. Pag-alis nito ay napatitig na lamang siya sa susing hawak. Sa buong buhay niya ay hindi niya akalain na magkaroon siya ng malaking townhouse dahil kahit may trabaho na siya ay nangungupahan pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD