Alani’s pov HINATID siya ni Ezekiel sa kulungan kung saan nakakulong si Hunter. Napagtanto niya na tama si Ezekiel. Hindi niya na dapat pang paasahin pa si Hunter dahil pag-aari na siya nito. Tinupad na ni Ezekiel ang pangako nito sa kanya na makakalaya na si Hunter sa susunod na linggo. Hindi niya mapigilang hindi kabahan sa maaaring kahihinatnan ng pag-uusap nila ni Hunter. Balak niyang aminin ang lahat sa nobyo. Kinakabahan na hinihintay niya si Hunter na palabasin ng kulungan. Nanatili siya sa waiting area. May dala rin siyang pagkain at mga pangangailangan nito. Si Ezekiel pa mismo ang nagsabi sa kanya ng kanyang mga dadalhin. Gusto niyang isipin na mabait si Ezekiel pero kilala niya ito. Ilang taon niya na itong amo at saksi siya sa ugali ng lalaki. Hindi nga siya sanay na mabait