KANINA PA kinakabahan si Alani habang nakatitig siya sa salamin. Simpleng bestida lamang ang kanyang suot pero tiniyak niyang presentable naman ang kanyang itsura kapag haharap siya sa mga magulang ni Ezekiel. Gusto kasi ni Ezekiel na sa bahay ng mga ito sila mag-dinner. "Kanina ka pa nakatitig sa salamin. You look perfect," wika ni Ezekiel sa kanya. Bihis na bihis siya samantalang simple lang ang suot nito. "Baka mapagkamalan akong driver mo," natatawang wika sa kanya ni Ezekiel kaya natawa siya. "Ang gwapo naman ng driver ko," nakangiti niyang sagot. Pinagmasdan siya ng lalaki. "Hu'wag na kaya tayong umalis," wika nitong ngumiti nang nakakaloko. Kinindatan pa siya ng lalaki. "Diet!" nanlalaki ang mga mata na sagot niya sa lalaki kaya natawa siya nito. "Hindi ko kayang mag-di