ALANIS' POV
Para akong lantang gulay nang papasok na ako sa YGA. Ayaw akong kausapin ni kuya Travis simula pa kagabi. Tinatanong ko kung bakit ayaw niya kay Russel pero hindi siya sumasagot. Nagalit nga siguro siya dahil nagboyfriend kaagad ako na dapat ay hindi pa.
My Dad, he already knew na may boyfriend na ako pero just like Mom ay okay lang daw iyon sa kanya basta pag-aaral muna ang aatupagin ko. Mabuti pa sila at tanggap si Russel pero si Kuya Travis ay hindi. Sana ay makilala niya munang maigi si Russel na mabuting tao ito. Hays!
Pagkarating namin ni Uste sa YGA ay parang nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante. May mga tumatakbo, nagbubulong-bulungan at ang iba rin ay nakatingin sa akin na parang naaawa. What was that?
Ilang sandali pa ay nakita ko na tumatakbo papalapit sa amin si Denver. Himala at hindi niya kasama sina Neil at Julian.
Speaking of Julian! Kailangan ko siyang makausap tungkol sa aming dalawa. Ayoko nang mas lalo pang lalala ang sitwasyon namin lalo pa't boyfriend ko na si Russel.
"A-Alanis! Alam mo na ba ang balita?" Hinihingal na sabi ni Denver habang nakatukod ang dalawang magkabilang kamay niya sa tuhod niya. Hiningal siya marahil dahil sa pagtakbo niya papalapit sa amin ni Uste.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Uste. "Ano bang balita ang kailangan malaman ni Alanis?" Tanong niya kay Denver at nagcross-arms pa ito.
Tsk. Halatang galit talaga siya sa grupo nila Julian.
Hindi pinansin ni Denver ang sinabi ni Uste bagkus ay bumaling ulit siya sa akin. "Si Julian, he's now in the hospital. May nambugbog sa kanyang isang gang. He's finding you, Alanis. Kailangan ka raw niyang makausap at may sasabihin siya sa'yo," Nagulat naman ako sa sinabi ni Denver.
Si Julian ay binugbog ng isang gang?
Mukha ring nagulat si Uste sa sinabi ni Denver pero 'di kalaunan ay umiling lang ito.
"N-Nabugbog si Julian? Sige, puntahan natin siya." sabi ko.
Kahit naman masama ang ugali sa akin ng taong iyon ay concern pa rin ako sa kanya.
Akmang papaalis na kami ni Denver papalabas ng YGA nang pigilan ako ni Uste. "Mag-iiskip ka ng klase para lang sa lalakeng 'yon? Alam mo bang masama ang mga pinaggagagawa niya sa'yo, Alanis?" Uste warned me.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso niya. "I need to talk to him, Uste. I want to clear everything between us at para na rin kay R-Russel." I blushed when I remember Russel.
Uste suddenly smirk. "Okay." Tumango siya at bumaling kay Denver.
"Ihatid mo si Alanis sa ospital. Mag-ingat ka sa pagda-drive." Tumango lang naman si Denver sa kanya.
"Let's go?" Denver asked me. I nodded at him.
Nagpunta na kaagad kami ni Denver sa parking lot pagkatapos ay pinasakay niya ako sa kotse niya. Siya sa driver's seat at ako naman ay nasa front seat.
Naisip ko na may gusto nga pala si Denver kay Marinel base sa sinabi ni Julian. I look at Denver, he's very handsome. Chinito siya, maputi at matangkad kaya alam ko na marami ring babaeng nagkakagusto sa kanya sa YGA.
Why Marinel doesn't like this guy?
"You like Marinel, right?" Napahinto siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin sa akin.
"Why did you say that?" Nakaiwas na tanong nito sa akin at pinaandar na ang kotse niya.
Grabe! Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng kotse niya.
"Sinabi ni Julian." Nakangiti ko namang sagot.
"Aish! whatta mouth," Rinig kong bulong niya. Napatawa na lang ako at tinapik siya sa balikat na ikinagulat at ikinapula ng mukha niya. What was that?
"Stop being a torpe. Pormahan mo na si Marinel hangga't maaga pa," I said.
He shook his head. "That's impossible. She doesn't like me anyway."
Magsasalita pa sana ako nang makarating na pala kami sa ospital kung saan naka confine si Julian. Pumunta kaagad kami sa loob nito at mukhang alam na ni Denver kung saan ito naka-admit. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng pintuan nito at kaagad na pumasok.
Halos maiyak ako sa kalagayan ngayon ni Julian. Ang dami niyang mga sugat at pasa sa katawan. May benda rin siya sa braso at ulo at nakacast rin ang isang paa niya. Maraming mga nakalagay na aparato sa katawan niya pero mabuti na lamang at may malay siya. Wala siyang kasama sa loob ng kwarto at tanging mga pagkain, prutas at gamot lang ang nakita ko sa tabi niya.
Nang mapansin niya ako ay nilapitan ko siya. Nagulat na lang ako nang umiiyak ito sa harapan ko at pati si Denver ay nagulat rin sa inaasal ngayon ni Julian.
"A-Alanis.. Nandito ka," he sadly said.
Naaawa ako sa kondisyon nito kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Mag-usap tayo." Sabi ko
Tumango ito at hinawakan rin ang kamay ko. "Alanis, Please stay away from Russel. Mapanganib siya!" Parang natatakot niyang sabi at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Lalabas muna ako," Biglang paalam naman ni Denver at lumabas na nga ito ng kwarto ni Julian.
I sighed. "Julian, kami na ni Russel. Wala na rin akong pakialam kung ikalat mo 'yong video namin. Haharapin ko ang lahat ng kahihiyan basta't para lang sa kanya."
Umiling ulit siya. "No! He's really dangerous. Maniwala ka sa akin! Kaya ako nabugbog ay dahil pinautos niya 'yon sa kapatid niya. He's crazy. Insecure siya sa akin dahil palagi kitang kasama at ayaw niya na mapalapit ka pa lalo sa akin. Iwasan mo na siya, Alanis. Baliw na siya!"
Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at umiling ako.
"Tama na, Julian. Huwag ka nang gumawa ng dahilan para kamuhian pa kitang lalo."
"I'm just saying the tru-"
"Tama na! Ayoko nang marinig pa ang mga excuse mo, Julian!" Kaagad na akong lumabas ng kwarto niya.
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako muling bumalik pa do'n. Gusto kong magkaayos kami sa kabila ng mga ginawa niya sa akin pero bakit hanggang ngayon ay sinisira pa rin niya ang tiwala ko? Sinisiraan niya si Russel sa akin at hindi ko iyon matanggap. Siguro nga ay hindi na kami magiging magkaibigan pa.
Bigla namang nag ring ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang caller. It's Russel.
"Hello?"
(Nasaan ka? Tell me.) Sabi nito sa seryosong tono.
Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.