Chapter 18

1349 Words
RUSSEL'S POV Nandito pa rin ako sa bahay nila Alanis. Sinabi kasi ni tita Alyssa na hintayin ko muna ang kuya ni Alanis na si Travis para makilala na ako bilang boyfriend ng bunsong kapatid niya. Nalaman ko na siya iyong lalakeng kasama ni Alanis that time sa mall na nagpagalit at nagpatindi ng selos ko. Tsk! Hindi ko naman alam na kapatid niya iyon. Kanina ay parang gusto ko nang burahin sa mundo ang Gio na 'yon. Hindi ibig sabihin na kababata niya si Alanis ay magpapadehado na ako sa kanya. Ako ang boyfriend at gusto ni Alanis kaya wala na siyang karapatan na tumitig, humawak o makipag-usap sa pag-aari ako. Napangisi naman ako nang maalala ko ang usapan namin ng half brother kong si Ruan. Sigurado akong masusurpresa si Julian sa mangyayari sa kanya. Mali na ako ang kinalaban niya dahil mas masahol pa ako sa demonyo kaysa sa inaakala niya. Flashback 5 hours ago > Alas sais ng umaga na ako nakauwi galing sa shift ko sa restaurant na pinagtatrabauhan ko. Bubuksan ko na sana ang gate ng apartment ko nang may humawak sa braso ko, tinignan ko kung sino ito at siya lang naman ang batugan at walang kwenta kong half brother na si Ruan. Anak siya ng tatay ko sa ibang babae. Nag-asawa ulit ang tatay ko ng isang lasinggera at sugarol na babae bukod naman sa nanay kong gold digger at nakapag-asawa na ngayon ng isang matandang mayaman. Malapit lang ang tinitirhan nila dito sa apartment ko pero ni isang beses ay hindi man lang ako binisita ng ama ko kahit alam naman niya kung saan ako nakatira. Isang pagkakamali ang tingin niya sa akin at hindi naman raw niya akong itinuturing na anak at wala na akong pakialam do'n. Mas pagkakamali naman na naging ama ko siya. Nagpupunta dito si Ruan tuwing may kailangan siya sa akin pero hindi siya pumapasok sa loob ng apartment ko dahil ayaw ng tatay niya. Binibigay ko naman ang gusto niya kung meron talaga ako para tantanan lang ako ng gago na ito. Medyo kamukha ko si Ruan. Namana niya rin ang kakisigan ng ama namin. Kung ako ay ginagamit ang itsura ko para umunlad sa buhay siya naman ay ginagamit ang itsura niya para mambabae at manloko ng isang tao. Magtataka pa ba ako? Mukha naman siyang pera at puro pasarap lang ang alam sa buhay. Hindi na siya nag-aaral at isang tambay lang. Walang mararating sa buhay in short. Mas matanda lang rin ako sa kanya ng ilang buwan. "Wassup my brother!? Mas lalo ka yatang pumopogi ngayon, ha?" Nakangising sabi ni Ruan at tinapik nito ang balikat ko. Kailangan na naman siguro niya ng pera. Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo pa niyang ikinangisi. "Ano na naman bang kailangan mo sa akin? Pera? Magtrabaho ka nga para kahit papaano naman ay may silbi ka!" inis kong sabi. Kunwari pa siyang nasaktan sa sinabi ko pero hindi kalaunan ay naglungkot-lungkutan ito na halata namang peke. "Kasi brother.. natalo ako sa sugal kagabi tapos nagyayang mag-inuman ang mga kabarkada ko mamayang gabi kaya kailangan ko ng 5k. Baka naman meron ka diyan?" Pangungulit nito at inakbayan ako. Napakuyom ako ng kamao at galit na tinignan siya. "Wala akong pera! Kaya umalis ka na!" Sabi ko at akmang tatalikod na nang hinawakan niya ang isang braso ko. "Sige na bro, 5k lang. Kung may ipapagawa ka sa akin sabihin mo lang basta bigyan mo lang ako ng limang libo. Magkasing-gwapo naman tayo, di'ba?" pangungulit niya. Mariin ko siyang tinignan at tila nag-isip. May kung anong pumasok na ideya sa utak ko at nginisian rin siya. "Sige. Kapalit nang hinihingi mo ay may ipapagawa ako sa'yo." Tila nabuhayan naman siya dahil sa sinabi ko. "Okidoki! Ano bang ipapagawa mo, gwapo kong kapatid?" Nakangising tanong niya. "Hindi ba't may gang ka at kilala mo si Julian Saavedra?" Kumunot ang noo nito dahil sa tanong ko pero unti-unti rin lumawak ang ngiti niya. "Julian Saavedra? 'Yung apo ng may-ari ng school niyo? Oo naman, kilalang-kilala namin siya, brother. Bakit? Ano bang gagawin namin sa kanya?" Napangisi naman ako. "Gusto ko na bugbugin niyo siya ng sobra-sobra pero keep him alive dahil may gagawin pa ako sa kanya. Abangan niyo kahit saan man lugar na kung nasaan siya. Kapag nagawa mo 'yon ay titriplehin ko pa ang ibibigay kong pera sa'yo." Sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at tumango. "Yun lang ba? Deal! Pero bakit pala gusto mong bugbugin namin siya e, apo 'yon ng sponsor mo?" Tanong nito at nginitian ako ng mapang-asar. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Huwag ka na nga masyadong maraming tanong basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko sa'yo kung gusto mong may pera ka." Napailing naman siya at ngumisi. "Okay okay! Kailan mo gustong gawin namin 'yon?" I smiled devilishly. "Ngayon na." End of flashback < Mas lalo pa akong napangisi nang makareceived ako ng isang MMS mula kay Ruan at sinend nito sa akin ang mga litrato ng walang malay at duguan na si Julian. Mabuti naman at mukha pa siyang buhay sa mga pictures. I texted Ruan na magkita na lang kami mamaya sa bahay at iaabot ko sa kanya ang pera dahil sa pinagawa ko sa kanya. May pakinabang rin pala kahit papaano ang batugan kong kapatid. Pwede ko siyang gamitin para maging miserable ang buhay ni Julian. Hindi naman ako papayag na maagaw ni Julian sa akin si Alanis kaya gagawin ko ang lahat para mawala sa landas namin ang mga magbabalak umagaw sa babaeng mahal ko. ALANIS POV 5pm na at nandito pa rin sa bahay namin si Russel. Umuwi na rin sila Uste, Lara at Gio. Mabuti na nga lang at nagkaayos na kami ni Lara bago pa lumala ang lahat. Approved rin naman si Uste sa relasyon namin ni Russel pero hindi ko lang alam kay Gio. He seems so quiet about that pero siguro naman ay tanggap niya rin kami Russel. Ilang minuto rin ay dumating na si Kuya Travis wearing his backpack and uniform. "Nandito ka na pala, son!" Bati ni mama. Nagbeso naman ito pagkakita kay mama at sa akin. Napatingin siya kay Russel na katabi ko lang. "You're the guy in the mall last time." sabi niya at tila'y sinusuri nito si Russel. Russel just smiled and bowed at my brother. "It's nice to meet you, Travis. I'm Russel, your sister's boyfriend." Natahimik si kuya Travis dahil sa sinabi ni Russel and he narrowed his eyebrows. "Pardon?" Tanong nito at nalipat ang tingin niya sa akin kaya yumuko na lang ako. "I'm Russel, your sister's boyfriend. Alanis boyfriend." Ulit na sabi ni Russel at nginitian si kuya. Kuya Travis look at us with disbelief on his face at bumaling naman ito kay mama. "Totoo ba ang sinasabi ng lalakeng 'to? Boyfriend siya ni Alanis?" Medyo pasigaw na sabi ni kuya na ikinagulat ko. He don't like Russel? Lumapit naman si mama at pilit pinapakalma si Kuya Travis. "Son, boyfriend na ni Alanis si Russel. He's a good and smart guy. If your sister like him then let them be together." Tinitigan ako ni kuya ng masama na mas lalo ko pang ikinagulat. "I can't believe that you choose the wrong guy and I'm so disappointed to you, Alanis." Sabi nito saka umalis. "Travis! Don't be so rude. Mag-usap tayo!" sabi ni mama at sinundan nito si kuya. Naiwan akong tulala habang may unti-unting luha na tumulo sa mga mata ko. Russel look at me with his concern face at hinagod ang likuran ko. "Kuya Travis doesn't like you. I'm sorry Russel..." I said while crying. He tilted my chin then look at me straight to my eyes. May nakikita akong iba sa mga mata niya. "I don't care if your brother doesn't like me or not, the important is us." He said then he kissed me. Wala na akong ibang nagawa kundi tumugon sa mga halik niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kinokontrol ako ni Russel at hindi ko iyon mapigilan dahil gusto ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD