ALANIS' POV
Labis akong nagulat dahil sa mga sinabi ni Russel. Anong pinagsasabi niya? Na nakuha na niya ang p********e ko? Paano? Alam ko na wala namang nangyari sa aming dalawa.
"Hindi totoo ang mga pinagsasabi mo, Russel! Walang nangyari sa ating dalawa at alam mo 'yan!" Sabi ko at masama siyang tinignan.
Napatingin sa akin ang pamilya ko at umiling lang ako bilang pagtanggi sa mga kasinungalingan ng lalakeng kaharap namin.
Napangiti lang si Russel ng nakakaloko at pinagkrus ang kanyang mga kamay. Hindi ko alam na kaya niyang magsinungaling ng ganito. Hindi ba siya nakokonsensya sa mga pinaggagawa niya?
Maamo ang mukha niya pero hindi mo mahahalata na kaya niyang gumawa ng isang bagay na pwedeng magpagulo ng lahat. Lalong-lalo na ako na ginugulo niya.
"Itatanggi mo pa, Alanis? Eh halos umungol ka na nga sa sarap ng mga ginagawa ko sa'yo nung nandoon tayo mismo sa apart-"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang nilapitan siya ni kuya Travis at kwinelyuhan. Itinaas nito ang kanyang isang kamay na nakakuyom at sinuntok si Russel sa mukha. Napahiga na si Russel sa sahig at napapikit dahil sa sakit ng suntok sa kanya ni kuya Travis.
"Bastos ka! Bastusin mo na ang lahat 'wag lang ang kapatid ko! Itigil mo na 'yang mga kasinungalingan mo dahil kahit kailan ay hinding-hindi na kami maniniwala sa mga sasabihin mo, Russel!" sigaw ni kuya.
Ang kuya ko. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng sobra. Kadalasan ay tahimik lang siya at palaging mag-isa pero nakikita ko ngayon na hindi niya kayang manahimik dahil sa mga ginagawa sa akin ni Russel.
Pinoprotektahan niya ako at pinagtatanggol kaya ramdam kong mahal na mahal niya ako bilang isang kapatid niya.
Ngumisi si Russel at akmang susugurin na siya ni kuya Travis nang mapigilan na ito ni papa. "Tama na, Travis. All we have to do is to send him now to the Mental Hospital. Baliw na ang lalakeng ito." umiiling na sabi ni papa.
Kumalma naman si kuya Travis at niyakap ako. I hugged him back pati si mommy ay niyakap na rin ako. "We will do everything to protect you, Alanis."
"Salamat, kuya Travis at mama." I smiled.
Kung wala siguro ang pamilya ko ay hindi ko kakayanin ang lahat ng mga pagsubok na ito sa buhay ko.
Tumawag si papa sa isang kakilala niya sa Mental Institute at pinapasundo nito si Russel. Nang dumating ang puting van ng Mental Hospital ay may mga bumabang mga nurses at kinuha na si Russel na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya.
Naaawa ako sa kalagayan niya. Ulila na siya, kulang sa atensyon at pagmamahal, nag-iisa at may mapait na nakaraan. Pero kailangan namin itong gawin para sa ikabubuti niya.
Sana ay dumating ang araw na magbago na siya at mahalin ako sa hindi nakakasakal na paraan.
"Bitawan niyo nga akong mga gago kayo! Hindi ako baliw! Kukunin ko pa si Alanis at magsasama kami ng habangbuhay!" Sigaw ni Russel. Napatingin ako sa paligid namin at hindi ko namamalayan na pinapanood na pala kami ng mga kapitbahay namin.
Pilit siyang pinapapasok sa puting van hanggang sa naipasok na siya. Kaagad namang pinaandar ang van hanggang sa makaalis na sila.
Sana dumating ang araw na magbago na si Russel para sa sarili niya.
USTE'S POV
Nabalitaan ko sa mga magulang ni Alanis ang mga ginagawang kahibangan ni Russel sa pinsan ko. Hindi ko naman masisisi ang bestfriend ko sa mga ginagawa niya kay Alanis kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya ay baka ganon rin ang gawin ko.
Kung hihiwalayan ako ni Lara ay tototohanin ko ang sinabi ko sa kanya na magpapakamatay ako. Walang silbi ang buhay ko kung hindi rin naman siya ang makakatuluyan ko sa huli.
Mga bata pa lang kami ay mahal ko na si Lara. Kahit may iba siyang mahal ay gumawa ako ng paraan para mapasaakin siya at nagtagumpay nga ako, pero sa dalawang taon na relasyon namin ay naramdaman ko naman na may pagmamahal rin siya sa akin pero.. parang may kulang.
Kahit masakit at parang ginagawa niya lang ang lahat para sa awa niya sa akin ay pinilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Ganon ako katanga sa pag-ibig.
Kasama ko ngayon si Lara at nandito kami sa paborito naming tambayan. Hawak ko ang kamay niya at hinalikan ito. Kanina pa siya hindi mapakali at parang may gustong sabihin sa akin. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Hon, may problema ba?" Tanong ko.
Yumuko lang siya at binitawan ang kamay ko na ikinabigla ko. "Uste, may gusto akong sabihin sa'yo," Sabi niya sa seryosong tono.
Sana hindi. Sana iba ang sasabihin niya. Natahimik ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya sa sasabihin niya.
"Uste, mahal rin kita. Alam mo naman 'yan. Mga bata pa lang tayo ay alam ko nang mahal mo ako. Masuwerte ako at may isang Tomas Vien na nagmamahal sa akin. Gwapo ka, heartthrob sa school natin, magaling kumanta at active pa sa Sports. Ideal man ka ng lahat kaya hindi ko maintindihan na sa lahat-lahat ng mga babaeng mayayaman, mga sosyal at magaganda na umaaligid lang sa'yo ay sa akin ka pa nagkagusto." Ngumiti siya ng malungkot.
"Marami kang effort na ginawa para sa akin. Ramdam ko na sobra mo akong mahal. Tinulungan mo ako sa pagpapagamot sa kapatid ko. Magalang, marespeto at mabait ka rin sa pamilya ko at higit sa lahat ay hindi mo ko sinaktan."
Napabuga ako ng hangin at pilit nilalabanan ang emosyon ko. Alam ko na ang mga sasabihin ni Lara.
Alam ko na.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ito. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya sa mata na mas lalong nagpadurog sa puso ko.
"Uste, mahal kita pero.. mas mahal ko siya. Hindi ko na kayang saktan ka kaya gagawin ko na ang tama at makakabuti para sa atin. Hindi dapat sa isang katulad ko umiikot ang buong buhay mo. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo..." Tumulo na rin ang mga luha ko at napakuyom ng kamao ko.
Ang sakit marinig sa kanya mismo na mas mahal niya ang lalaking iyon kaysa sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Nasasaktan ako.
"Maghiwalay na tayo. Hindi solusyon na magpakamatay ka para lang sa akin. 'Wag mong sayangin ang buhay mo dahil alam kong mabubuhay at magpapatuloy pa rin ang takbo ng buhay mo nang wala ako. Uste, kilala kita. Mabait ka at maiintindihin mo ako. Ibigay mo na lang ang atensyon mo sa babaeng alam mong mahal ka at hindi ka sasaktan dahil hindi mo alam na siya naman talaga ang para sa'yo." Napailing na lang ako at niyakap si Lara.
Hindi ko maintindihan. Bigla akong natauhan dahil sa mga sinabi niya. Tama siya. At kung mahal ko siya ay dapat hahayaan ko siyang maging malaya.
Tama na ang sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ang nararamdaman niya. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya ay ibibigay ko iyon.
Mahal ko si Lara, mahal na mahal.
"Patawad, Lara. Simula ngayon, malaya ka na mula sa akin." Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ito ng malungkot saka pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi ako ang babaeng para sa'yo, Uste. 'Yung babaeng para sa'yo ay nasa paligid mo lang. Siya talaga ang nakatadhana na mahalin mo."
Napakunot-noo ako. "Sino?"
"Kilala mo ang tinutukoy ko."
Napaisip ako at natauhan.
Si Chloe.
THIRD PERSONS POV
Tulala at nakaupong nakayuko lamang si Russel habang nasa isang puting silid siya. Napaluha na lang siya nang hindi niya namamalayan.
Napagtanto niya na dinala siya ng pamilya ni Alanis sa isang Mental Hospital. Iniisip ng mga ito na baliw na siya. Pero sa isip niya ay hindi naman siya baliw kundi nagmamahal lang.
Tumigil siya sa pag-iyak at tumawa ito ng malakas.
"Magsasama rin tayo ng habangbuhay, Alanis. Pangako ko 'yan."