ALANIS' POV
Hinatid ako ni Julian sa bahay namin habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa mga pananakot at pagbabanta sa akin ni Russel. Hindi ko na kaya pa ang mga ginagawa niya sa akin. Sumosobra na siya. Masakit na.
Dahil tulala ako at halos hindi na makapagsalita ay si Julian na ang nag-explain kay kuya Travis at kina mama at papa ang nangyari sa aming dalawa ni Russel. Nakita ko ang pagkabigla nila mama at papa sa mga sinabi ni Julian na ganong klaseng tao raw pala si Russel habang si kuya Travis naman ay parang hindi na nagulat at inaasahan na niya na ganon ang mangyayari.
Tama nga si kuya nung una niyang makita na kasama ko si Russel.
Gumagabi na kaya nagpaalam na si Julian na uuwi na siya dahil nag-aalala na raw sa kanya si Chloe. Nagpasalamat ako sa kanya at pati na rin ang pamilya ko dahil sa kabutihan na ginagawa niya para sa akin. Nang makaalis na siya ay niyakap na ako nila mama at papa habang si kuya Travis naman ay malungkot na nakatingin sa akin.
"I'm sorry anak, kung pinilit ka pa namin kay Russel. Kung alam lang sana namin na pinaghihigpitan at sinasaktan ka na niya ay sana hindi mo na nararanasan ito." Umiiyak na sabi ni mama.
Napaiyak na rin ako at niyakap siya. "Wala po kayong kasalanan. Hindi ko lang po talaga inaasahan na ganong klaseng tao pala si Russel. Akala ko po ay m-mabuti siyang tao ayon pala ay h-hindi." Hinagod-hagod naman ni papa ang likuran ko para kumalma na ako sa pag-iyak.
"Kailangan natin ipakulong ang lalakeng iyon dahil sa mga pananakit at pagbabanta niya sa'yo, Alanis. Kapag nagpatuloy pa iyon ay sigurado na baka gawan ka niya ng masama at hindi ako makakapayag doon." sabi ni papa. Umiling naman ako.
"H-huwag na po, papa. Iiwasan ko na lang po hangga't maaari si Russel sa school. Hindi ko na po siya kakausapin at lalapitan pa." Pakiusap ko.
"Pero Alanis, base sa mga ikwunento kanina ni Julian sa amin ay may posibilidad nga na kunin ka niya sa amin. Matalino si Russel at magaling magmanipula ng tao kaya kahit sa anong oras o panahon ay gagawa siya ng paraan para tuluyan ka na niyang ilayo sa amin. Baliw at obsessed na siya sa'yo, Alanis kaya habang maaga pa ay poprotektahan ka na namin sa kanya." Sabi ni kuya Travis at napahilot ito sa sentido niya saka napailing.
May punto si kuya Travis pero kahit na ganon ay ayoko pa rin mapunta sa punto na makukulong na si Russel. Gusto ko na maging malaya pa rin siya. May panahon naman siguro na magbabago siya na para sa sarili niya. Matalino siya at alam niya ang ginagawa niya.
"Huwag na kuya, please nagmamakaawa ko.." Pagmamakaawa ko kila kuya Travis.
Napabuntong-hininga na lang siya at tumango 'di kalaunan. "Sige, papayag ako pero simula ngayon ay ako na ang maghahatid-sundo sa'yo sa YGA at iiwasan mo na rin lumabas ng bahay kung hindi mo kami kasama nila mama at papa." Sabi niya.
"Oo, kuya. Mag-iingat ako kay Russel." Tumingin ako kina mama at papa. Tumango lang sila at malungkot na ngumiti.
Pagkatapos naming mag-usap ng pamilya ko ay kumain muna ako ng hapunan at saka dumiretso na sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay humiga na ako sa kama ko at pumikit.
Bakit kailangan pang umabot sa punto na mababaliw na sa akin ni Russel? Bakit kailangan pa niyang manakit at gumamit ng ibang tao para masigurado lang niya na sa kanya lang talaga ako?
Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil maraming dahilan para mahalin ko siya. Pero sa ginagawa niyang 'to ay kahit mahal ko na siya ay hindi pwedeng may ibang taong madamay at makasakit pa siya bukod sa mga ginagawa niya sa akin.
Napamulat ako nang tumunog ng ilang beses ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at halos mawalan ako ng hininga dahil sa dami ng texts at missed calls ni Russel na hindi ko nasasagot.
1000+ messages at 678 missed calls. Totoo ba ito?
Binasa ko ang ibang mga texts niya at laking gulat ko na lang na hindi ito pare-pareho at may kaibahan ang mga texts.
"Baby, let's talk please."
"Magbabago na ako baby, pangako basta bumalik ka lang sa akin."
"Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Alanis."
"Bakit mo ako pinagpalit sa isang bobo at tangang katulad ni Julian? Bumaba na pala ang taste mo sa isang lalake, Alanis."
"Guguluhin ko kayo ni Julian. Akin ka lang!"
At marami pang mga texts ito na hindi ko na kayang basahin dahil sa sobrang dami.
Nag-ring bigla ang cellphone ko. Tumatawag si Russel. Ayokong sagutin ang tawag niya pero may nag-uudyok sa akin na sagutin ko ito kaya sinagot ko nalang.
(Finally! Sinagot mo na ang tawag ko. Sorry na baby, nagawa ko lang naman 'yon dahil ayokong makuha ka ng iba sa akin lalong-lalo na ni Julian...)
Malambing na sabi niya na mas lalo ko pang ikinatakot.
Napahikbi ako sa kabilang linya hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na pagtawa niya.
(Wala ka na talagang ibang ginawa kundi umiyak, Alanis? Ano bang mapapala mo sa pagdadrama mong 'yan?) At tumawa pa siya ulit.
"T-tigilan mo na ako, Russel.." Tanging nasabi ko na lang.
Sumigaw naman siya sa kabilang linya at pinagmumura ako.
(Tangina, Alanis! Ikaw, titigilan ko? Hindi kita titigilan hangga't hindi ka napupunta ulit sa akin. Magkamatayan na basta walang pwedeng umagaw sa'yo kundi ako lang!)
Napatakip ako ng bibig ko at pinilit na huwag mapahikbi. Sobra na ang pagkatakot, pangamba at pagkadismaya ko sa kanya.
Ano nang nangyari sa Russel na una kong minahal? Hindi ko na kinaya pa at pinatay ko na ang tawag at inoff ang cellphone ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako na namumugto na ang mga mata at sobrang tamlay pa. Ramdam ko ang mga concern na tingin sa akin ng pamilya ko habang kumakain kami ng almusal pero ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Nawala lang lahat ng iyon nang may narinig kaming sumisigaw sa labas ng bahay namin at kinakalampag ng sobrang lakas ang gate namin.
"Alanis, baby! Lumabas ka diyan. Sumama ka na sa akin. Sorry na!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at alam ko na si Russel iyon.
Napatayo sina papa at kuya Travis habang pinapakalma naman ako ni mama nang makita niyang takot na takot na ako.
"Huwag na 'wag kang lalabas dito sa loob ng bahay, anak. Kakausapin lang namin ng kuya mo ang baliw na Russel na iyon." Maotoridad na sabi ni papa.
Napatayo ako. "Hindi papa, kakausapin ko si Russel ngayon para matigil na siya sa kahibangan niya." Tumingin naman si papa kay kuya Travis at mukhang hinihingi ang permiso nito. Tumango lang dun si kuya.
Lumabas na kami ng bahay at nakita namin si Russel na patuloy pa rin sa pagkalampag ng gate namin.
"Mahal kong Alanis.. nandito na ako. Kukunin na kita diyan sa inyo!" Tila nahihibang niyang sabi.
"Baliw na talaga." Sabi ni kuya Travis at napailing ito.
Binuksan ni papa ang gate namin at tumambad sa amin si Russel na gusot-gusot ang suot nitong puting longsleeves shirt, magulo ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na parang wala pang tulog.
Nang makita niya ako ay napangiti siya at akmang lalapit na sana sa akin nang hinarangan ako ni kuya Travis sa harapan niya.
"Wala ka nang karapatan para lapitan pa si Alanis. Wala ka na ring karapatang saktan ang kapatid ko!" Galit na sabi ni kuya Travis na ikinakunot-noo ni Russel kasabay ng malakas niyang pagtawa.
Nagulat na lang ako nang sinuntok ni papa si Russel sa mukha kaya nagdugo ang labi nito at itinulak na siya papalabas.
"Pinagkatiwalaan ka namin, Russel pero binigo mo kami." Nanginginig ang mga kamao ng papa ko habang nakatingin ng masama kay Russel.
Nasasaktan ako dahil pati ang pamilya ko ay apektado rin sa mga nangyayari sa akin. Ramdam ko na mahal na mahal nila ako at kayang protektahan sa kahit na sino pa mang mananakit sa akin.
Nagpahid lang ng dugo sa labi niya si Russel at ngumisi ito ng nakakatakot.
"Dapat nga hindi niyo ako pinagkatiwalaan, e. Ayan tuloy, pati ang p********e ng anak niyo ay nakuha ko na rin."
Halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya.
H-Hindi na ako virgin?